Author Topic: Editoryal Ngayon  (Read 5617 times)

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #90 on: February 28, 2010, 02:59:23 PM »

March 01, 2010



Ingat, sunud-sunod na ang mga sunog 

NGAYON ay umpisa ng Fire Prevention Month. Ipinaaalala na dapat mag-ingat sa sunog. Kung tutuusin, dapat noong Enero pa ang Fire Prevention Month dahil sa sunud-sunod na mga nang­yaring sunog. Dapat noon pa nabigyan ng babala ang mamamayan na mag-ingat. Mula Enero 2010, nasa 441 na ang mga nangyaring sunog sa Metro Manila. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), siyam katao ang namatay at tinatayang P79 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala.

Iglap lang kapag sumiklab ang apoy. Agad na lalamunin ang ari-arian at pati buhay. Lalo pa nga ngayong nasa katindihan ang pananalasa ng El Niño na ang mga halaman sa maraming lugar ay natutuyo na. Ang mga damo, mahagisan lamang ng may sinding upos ng sigarilyo ay maaari nang lumaki at lamunin ang mga kabahayan. Gagapang nang g*g*­pang ang apoy at huli na bago madiskubre na tupok na ang mga ari-arian.

Sa ulat ng BFP, karaniwang ang dahilan ng sunog ay faulty electrical wiring at ang naiiwanang kandila. May mga kaso rin na nagkaroon ng leak ang tangke ng gas. Itinapong upos ng may sinding sigarilyo. Karaniwan ding nagkakaroon ng sunog sa university belt kung saan maraming dormitoryo at boarding houses.

Ang tanong ngayon ay kung naiinspeksiyon ba ng city hall officials at mga taga-BFP ang mga dormitoryo at boarding houses. Maraming beses nang nagkaroon ng sunog sa mga dormitoryo at ang mga biktima ay kawawang estudyante. Walang fire exit ang mga tinitirahang boarding house. Inspeksiyunin din ang mga gusali lalo na ang mga pinagdadausan ng graduation ball at iba pang pagtitipon. Hindi pa nabubura sa alaala ang malagim na sunog sa Ozone Disco sa Quezon City na mara­ming namatay na estudyante. Ang mga estudyan­teng namatay ay pawang nagsisipagsaya dahil katatapos lang ng kanilang graduation. Nara­ra­pat magsagawa ng mga kaukulang paalala sa ma­mamayan ang mga taga- BFP para ganap na ma­kapag-ingat. Magkaroon ng kampanya, magsaga-wa ng mga fire drill sa mga eskuwelahan at mga tanggapan ng pamahalaan at pribado. Nararapat ito para makapaghanda at hindi mag-panic sakali’t sumiklab ang sunog.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #91 on: March 01, 2010, 04:12:44 PM »

March 02, 2010



Masahol pa sa hayop! 

EKSAKTONG isang linggo makaraang mapatay ang lider ng Abu Sayyaf na si Albader Parad, gumanti agad ang mga hayop sa mga kawawang sibilyan sa Basilan. At masasabing mas masahol pa sa hayop ang mga Abu Sayyaf sapagkat kahit bata ay walang awa nilang pinatay. Nilusob ng mga pinaghihinalaang Abu Sayyaf ang isang village sa Basilan dakong madaling araw noong Linggo at pinagbabaril ang mga kaba­hayan. Hindi pa nasiyahan, sinunog pa ng mga ito ang mga bahay. Labing-isa katao ang namatay at 10 iba pa, kabilang ang mga bata, ang grabeng nasu­ga­tan. Ang mga bata, batay sa pinakahuling balita ay grabe ang kalagayan dahil sa mga tama ng baril at pagkasunog. Karamihan sa mga tao sa village ay ma­him­bing na natutulog nang sumalakay ang may 70 kalalakihan na pinaniniwalaang Abu Sayyaf. Unang pina­ulanan ng bala ang bahay ng barangay chair­man at pagkaraan ay sinunog ito. Pagkaraang masunog ang bahay ng chairman, isinunod ang marami pang iba. Nasorpresa ang mga residente at walang nagawa sa mga masahol pa sa hayop na Abu Sayyaf.

Napilitang umalis ang mga ito nang magresponde ang mga miyembro ng CAFGU. Nagkaroon ng putu­kan hanggang nakatakas ang mga hayop. Ang pagsa­lakay na iyon sa civilians ang pinakamadugo mula noong 2001 nang salakayin naman nila ang Lamitan at dinukot ang may isang dosenang residente. Siyam sa mga dinukot ay walang awang pinugutan ng ulo.

Pinaniniwalaang ang pagsalakay sa Basilan ay para iganti ang pagkakapatay kay Parad. Pero sabi naman ng military, maaaring ang pagsalakay ay dahil sa tribal feud. May hidwaang nangyari sa pagitan ng barangay chairman ng village at sa lider nang sumalakay ng mga kalalakihan.

Mas marami naman ang nagsabi na Abu Sayyaf nga ang sumalakay para ipaghiganti ang napatay nilang lider. Nararapat lamang na pag-ibayuhin pa ng military ang opensiba sa Abu Sayyaf at pagbayarin sa mga kasalanan nila sa mga kawawang sibilyan. Sabi ng military, kaunti na lamang ang bilang nga mga ito at maaaring magkawatak-watak na dahil wala nang masasabing lider. Kapag wala na raw lider ang isang grupo, magkakanya-kanya na ang mga ito at dito sila lubusang mauubos. Sana nga ay ganyan ang mangyari. Dapat lang maubos ang Abu Sayyaf para magkaroon ng katahimikan sa Basilan at Sulu.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #91 on: March 01, 2010, 04:12:44 PM »



Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #92 on: March 02, 2010, 11:56:53 AM »

March 03, 2010



Aksiyunan ang power shortage 

NOONG Lunes ay nakaranas na ng brownout sa Luzon, kabilang ang Metro Manila. Nasira ang tatlong coal-fired power plants – Calaca, Sual at Masinloc plants. At sabi, magkakaroon na ng rotating brownouts sa mga susunod na araw. Sabi ng Meralco, dalawang oras na mawawalan ng kuryente sa pagitan ng 10:00 a.m. at 10 p.m. Ang pagkukulang sa supply ng kuryente ay taliwas naman sa sinabi ng Energy department na may sapat na reserba bago matapos ang taon. Nang magkaroon ng brownout noong Lunes, nakatikim ng batikos si Energy secretary Angelo Reyes. At lalo pang lumalim ang batikos nang sabihin niyang kailangan na ng emergency powers ni President Arroyo para ma­resolba ang krisis sa enerhiya.

Hindi na kailangan ang emergency powers para masolusyunan ang nagsisimula nang krisis. Simple lamang ang paraan, gayahin ni President Arroyo ang ginawa ni President Ramos noong 1992 na kinontrata ang mga pribadong kompanya para magsuplay ng kuryente sa mga apektadong lugar. Gumamit ng power barges. At sa paraang iyon nagkaroon ng kuryente. Muling nagliwanag ang maraming lugar pagkaraan nang mahabang pana­ hong nakasadlak sa dilim. Nagsimula ang krisis sa enerhiya noong panahon ni President Aquino na halos walo hanggang 12 oras ang tinatagal ng brownout. Sa naisip ni Ramos, nasolusyunan ang pro­blema. May kamahalan nga lamang ang kuryente subalit mas mabuti na iyon kaysa walang ilaw. Unti-unti ay na-stabilized ang kuryente.

Maaaring gawin din ni Mrs. Arroyo ang paraang naisip ni Ramos. Kaya lamang, baka mabahiran na naman ng corruption kapag nagkaroon ng kontrata sa mga kompanyang magsusuplay ng kuryente. Ang administrasyong ito ay kilala na sa reputasyon nang pagiging corrupt. Mababanggit ang NBN/ZTE deal na na-scrap dahil sa kontrobersiya. Marami pang iba. Kung magkakaroon ng kontrata sa mga kompanyang magsusuplay ng enerhiya, dapat ay may transparency. Idaan sa malinis na proseso.

Aksiyunan ang power shortage bago pa lumala. Hindi dapat ipagwalambahala ang problemang ito   lalo pa’t malapit na ang election. Kauna-unahan pa namang idaraos ang automated election sa bansa. Kung walang kuryente, lalo sa Mindanao, posibleng maulit ang maruming election na batbat ng dayaan.






Silenced 




With all the police checkpoints set up for the election period, specifically targeting loose firearms, gunmen managed to ambush a whistle-blower early last Sunday in Pasay City. Wilfredo “Boy” Mayor is best remembered for telling the Senate in 2005 that President Arroyo’s son, Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo, collected jueteng payoffs from him through bagmen. Mikey Arroyo denied the allegations, and the story faded from the headlines.

Retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz said Mayor had been working with him and another witness, Sandra Cam, to blow the whistle on alleged anomalies in the award of contracts at the Department of Public Works and Highways, especially for projects that are funded through the congressional pork barrel. Cruz said a major contractor with political connections could be behind the fatal ambush.

Whistle-blowers in this country have been publicly humiliated, have lost their jobs and faced other forms of harassment, and Mayor is not the first to be permanently silenced. His murder can only further discourage people from blowing the whistle on anomalies in governance.

What could give whistle-blowers some courage is if Mayor’s murder is solved, with the arrest, prosecution and conviction of the triggermen and mastermind. Police said two gunmen on a motorcycle opened fire on Mayor’s car at 4:30 a.m. along MIA Road, killing him. His nephew and a son-in-law who was driving survived. Authorities must make sure the two will also not be silenced permanently.

The ideal situation is for investigators to reduce their reliance on witnesses in pinning down crooks. Corruption can be established through bank transactions, tax declarations and other documents. In crimes such as murder, advances in forensics have made investigators in other countries turn to witnesses only for corroboration of what has been established through solid evidence.

The Philippines has not yet achieved that stage. Investigators in this country – whether those pursuing irregularities in government transactions or cops investigating a murder – continue to rely heavily on whistle-blowers and witnesses’ testimonies. If a case hinges on the testimony of one man, that man must be given sufficient protection by the state. Failing in that, the state must find the murderer and bring him to justice.
« Last Edit: March 02, 2010, 12:01:05 PM by ~..viej..~ »

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #92 on: March 02, 2010, 11:56:53 AM »


Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #93 on: March 03, 2010, 04:45:28 PM »

March 04, 2010



Emergency employment para sa mga magsasaka 

NAIS ni President Arroyo na bigyan ng agarang trabaho ang mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot ang kanilang pananim. Kung mabibig­yan daw agad ng trabaho ang mga magsasakang apektado, mababawi agad ang mga nalugi sa kanila. Nasa bilyong piso na ang halaga ng pinsala ng pag­katuyot dulot ng El Niño phenomenon. Sabi ng PAG­ASA maaaring umabot ng hanggang Hunyo ang nara­ranasang tagtuyot. Ang Simbahan ay magsasa­gawa nang pagdarasal para umulan.

Isa sa grabeng naapektuhan ng tagtuyot ay ang Isabela. Hindi lamang palay ang nasira dahil sa matinding init kundi pati na ang mga mais. Maraming magsasaka ang walang napakinabang sa kanilang tanim na mais. Naghihimutok ang mga magsasaka sa Isabela sapagkat napakalaki ng kanilang nagas­tos sa pagtatanim ng palay at mais pero walang na­pa­kinabang. May mga magsasaka roon na nagsasa­bing dalawang sako lamang ng palay ang kanilang naani gayung noong hindi tagtuyot ay umaabot ng 20 sako o kaban ng palay ang kanilang naaani. Labis ang pangamba ng mga magsasaka sa Isabela sa­pagkat wala silang kakainin. Gasino na ang dala­wang kabang palay? Sa Hunyo pa makapagtatanim sa pagpatak na muli ng ulan.

Nagtungo si President Arroyo sa Isabela noong Martes at personal niyang nakita ang pinsalang dulot ng tagtuyot. Sa roundtable discussion sinabi ni Mrs. Arroyo na nararapat na bigyan ng emergency employment ang mga magsasakang naapektuhan ng El Niño. Kailangang magkatrabaho para mabawi ang nawala sa kanila. Hindi naman daw poproble­mahin ng bansa ang kawalan ng bigas sapagkat ang National Food Authority ay maaaring umangkat sa ibang bansa.

Maganda ang sinabi ni Mrs. Arroyo na kailangang magkaroon ng trabaho ang mga magsasakang natu­ yuan ng pananim. Ang tanong, ano namang tra­baho ang ibibigay sa mga magsasaka? Hindi kaya paniba­gong pangako na naman ito katulad ng sinabi niya sa SONA noong 2001 na lilikha siya ng milyong trabaho?

Mas maganda kung ang pagtutuuan ng pansin ay ang paggawa ng mga poso o paghuhukay ng ba­lon para mapagkunan ng tubig ng mga magsa­saka. Sa mga balon na ito manggagaling ang tubig. Lakihan sana ang pondo para sa pagpapagawa ng mga iri­gasyon at patubig. Ito ang pagtuunan bago ang sinasabing emergency employment na mahirap namang mangyari.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #93 on: March 03, 2010, 04:45:28 PM »


Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #94 on: March 04, 2010, 09:49:30 PM »

March 05, 2010



Laging maging handa sa lindol


NOONG Enero 12, 2010, ay grabeng tinamaan ng lindol ang Haiti. Daang libo ang namatay. Bago natapos ang Pebrero, ang Chile naman ang nilindol at may 400 ang namatay. Posible bang tumama rin ang ganito kalakas na lindol sa Pilipinas? Malaki ang posibilidad. Kaya walang ibang dapat gawin kundi ang maging preparado. Huwag hayaang ma­pinsala dahil hindi nakapaghanda.

Malaki ang posibilidad na tumama ang lindol sa Pilipinas sapagkat kabilang ito sa mga lugar na nasa “Pacific Ring of Fire”. Kapag ang bansa ay nasa “Ring of Fire”, mararanasan ang volcanic eruptions at paglindol. Tinatayang nasa 90 percent ng mga lindol na naganap sa mundo ay nasa mga lugar na nasa “Ring of Fire”. Ang Chile at Haiti ay kabilang sa mga bansang nasa “Ring of Fire”. Kung mapapa­natili pa ng gobyerno ng Pilipinas ang mga pagha­handa, malayong mangyari na magkaroon nang malaking casualties at hindi matutulad sa Haiti na grabe ang pagkawasak at maraming namatay. Matin­di ang nangyari sa Haiti sapagkat hindi handa ang pamahalaan doon. Ni hindi nagsasagawa ng earthquake drills kaya nang yanigin, nasorpresa ang ma­rami at nalibing nang buhay. Sa Chile ay kakaunti lamang ang mga namatay sapagkat nakahanda pala ang gobyerno roon. Matagal na silang preparado kaya nang tumama ang 8.8 na lindol, hindi nag-panic ang mga tao. Alam na ang gagawin.

Marami nang malalakas na lindol ang tumama sa Pilipinas na kumitil din nang maraming buhay. Tinamaan ng lindol noong dekada 60 kung saan ay naguho ang Ruby Tower sa Maynila. Marami ang namatay. Noong June 1990, isang malakas na lindol ang naganap at nasentro sa Baguio City. Naguho ang isang five star hotel at maraming natabunan nang buhay.

Magandang malaman na nagsasagawa ng earth­quake drills sa mga paaralan, tanggapan ng gob­yerno at iba pang establisimento. Itinuturo sa mga bata o estudyante ang mga dapat gawin. Kapag lumindol, magtungo sa ilalim ng mesa at pumu­sisyon na ang dalawang kamay ay nakahawak sa ulo para maging panangga sa anumang babagsak. Umalis sa salaming dingding. Magtungo sa open ground.

Mababawasan ang casualties kung magkaka-roon ng paghahanda. Panatilihin sana ito.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #95 on: March 05, 2010, 06:50:27 PM »

March 06, 2010



Linisin nang ayos ang voter's list 

DALAWANG buwan na lang at election na. May mga nagsasabi na ang nalalabing dalawang buwan ang pinakadelikadong panahon sapagkat dito isinasagawa ang mga buktot na gawain na may kinalaman sa election. Dito sinisimulang ilatag ang mga plano kung paano mananalo sa pamamagitan ng pandaraya. Kaya naman marami ang nagpapa­alala sa Commission on Elections (Comelec) na maging alerto laban sa mga taong gustong man­daya. Sagot naman ng Comelec, sinisiguro nilang magiging malinis ang 2010 elections. Hindi maba­bahiran ng pandaraya ang kauna-unahang automated elections.

Maraming nangangamba na mamutiktik sa flying voters ang listahan ng mga botante at hindi ito ganap na malinis ng Comelec. Sa report ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), tinatayang nasa limang milyong botante ang may double at multiple registrations. Nakapangangamba ang ganito karaming botante na hindi lamang may dobleng registrations. Paano nakapagparehistro ang ganito karaming botante gayung kinukunan ito ng retrato kapag nagparehistro. Paano rin nakalusot gayung may thumbmark?

Hindi lamang ang PPCRV ang nagpahiwatig ng pangamba kundi maging ang Kontra Daya, isang volunteer watchdog. Katulad ng PPCRV, hinihimok ng Kontra Daya ang Comelec na linisin ang voters list sa mga may dobleng rehistro. Hindi nararapat na mabalewala ang ganitong problema lalo pa’t dalawang buwan na lamang at election na. Sabi ng Comelec, makikipagdayalogo sila sa PPCRV at Kontra Daya para pag-usapan ang reporma sa election systems at ganundin ang mga problema kaugnay ng flying voters. Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na nakatakdang “isara” ang libro ng voter’s list sa Marso 26. Nasa proseso na umano sila ng pag-identify sa mga pangalang nasa listahan.

Nararapat na suriing mabuti ng Comelec ang voter’s list. Huwag hayaang makalusot sa kanilang mga mata ang mga may doble o multiple registrations. Hindi dapat “isara” ang libro kung may makitang mga kahina-hinalang pangalan. Linisin ang voters list.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #96 on: March 06, 2010, 04:50:18 PM »

March 07, 2010



Ibunyag, mga pulitikong gagastusan ng drug syndicates 

POSIBLENG mangyari ang report na natanggap ng US Department of State: Maiimpluwensi- yahan daw ng drug syndicates ang resulta ng May 10, 2010 elections. Pagagalawin daw ng drug syndicates ang pera para tustusan ang mga pulitikong isasabong o minamanok nila sa 2010 elections. Pananalunin ang kanilang manok at presto! Kayang-kayang mag-finance ng drug syndicates sapagkat tumitiba sila ng pera sa Pilipinas sapagkat ito ang transient point ng kanilang negosyo. Dito sa bansa ibinagbagsak ang mga droga — heroine, cocaine, shabu, na nanggaling sa Pakistan, India, Thailand, China at iba pang bansa sa Asia. Kapag nanalo ang manok na pulitiko, kaya na nila itong kontrolin. Magi­ging sunud-sunuran na ang pulitiko sa anumang iutos. Kapag ganito ang nangyari matutulad sa Colombia ang Pilipinas kung saan hawak ng drug syndicates ang mga pulitiko.

Delikado ang magiging kalagayan ng bansa sa hinaharap kapag hindi nabigyan ng babala ang mamamayan o mga botante sa ihahalal na kandidato. Lulubha ang problema sa illegal drugs sa bansa kapag ang mga nakapuwesto ay pinagagalaw ng drug syndicates. Lalong malulubog sa kahirapan at magiging talamak ang krimen. Kakambal ng illegal na droga ang krimen. Ayon sa pinakahuling pag-aaral, ang shabu ang numero unong kinahuhumalingan ng mga sugapang Pinoy at sumusunod naman ang marijuana. Mas maraming sugapa sa shabu sapagkat mabilis itong bilhin.

Ngayong naireport ng US Department of State na maaaring gamitin ang pera mula sa droga, dapat na maging masigasig pa ang Philippine National Police (PNP) at iba pang drug inforcement agency para lubusang makilala ang mga pulitikong gagastusan ng sindikato. Subaybayan nila ang bawat galaw ng mga pulitikong ito. Siguruhin na hindi makalulusot ang mga ito sa darating na election.

Mas maganda kung maibubunyag ang pangalan ng mga pulitikong hawak ng sindikato. Kung malalaman ng mamamayan ang “narco-puliticos’’ tiyak na maililigtas ang bansa sa pagbagsak at paghihirap. Dalawang buwan na lamang at election na, ito na ang tamang panahon para mabunyag ang “narco-puliticos”.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #97 on: March 07, 2010, 02:27:57 PM »

March 08, 2010



Ingat sa pagtatapon ng upos na may sindi 



ANG Marso ay Fire Prevention Month. Pero nga­yong nananalasa ang bagsik ng El Niño na ayon sa PAGASA ay tatagal pa ng hanggang Hunyo, dapat buwan-buwan ang gawing pag-iingat sa sunog. Sa sobrang init ng panahon, meron lang magtapon ng upos sa basurahan o sa damuhan, ma­aari nang lumikha ng sunog.

Sa panahong ito ng sunog dapat maigting ang Bureau of Fire Protection sa pagpapaalala sa pub­liko na huwag basta magtatapon ng mga may sindi pang sigarilyo o upos. Karaniwan nang ang mga naninigarilyo ay basta na lamang ipinipitik ang ka­ nilang upos at wala nang pakialam kung ang napi­tikan ay tambak ng mga papel, karton at iba pang bagay na madaling magliyab. Mas makabubuti kung magka­karoon ng kampanya ang BFP na huwag mag­tatapon ng upos na may sindi. Ang mas nakatatakot ay kapag sa mga tuyong damo naipitik ang upos at iyon ang pagsisimulan ng sunog. Mapapansin na marami nang natutuyong damo sa kapaligiran ngayon na mahagisan lamang ng upos na may sindi o malaglagan ng kaunting baga ay sisiklab. Kakalat ang apoy at ito na ang simula ng wildfire.

Sa United States, Australia at Canada ay madalas mangyari ang wildfire. Kaya mahigpit ang pamaha­- laan doon sa mga nagsusunog ng basura at nagta­tapon ng mga upos at baka lumikha ng wildfire. K­apag nasimulan ang apoy, hindi na mapipigil at lala­munin ang mga pananim, gubat at maski ang mga kabaha­yan. Sinasabing siyam sa 10 wildfire sa US at Australia ay kagagawan ng tao. Maaari ring pag­simulan ng wildfire ang kidlat pero maliit lang ang porsiyento nito.

Malaki ang posibilidad na mangyari sa Pilipinas ang wildfire lalo pa nga’t walang disiplina ang mga tao. Tapon lang nang tapon ng mga basura na maaa­ring pagsimulan ng sunog. Kaya nararapat na ma­ging maigting na ang pamahalaan sa pagsuweto sa mga walang disiplinang Pilipino.

Sa panahon din naming ito nararapat maghigpit ang city hall officials sa mga may-ari ng gusali at establisimento. Karaniwang sa faulty electrical wiring nagsisimula ang sunog. Inspeksiyunin ang mga linya ng kuryente at baka nginatngat na ng daga. Magsagawa ng pagbisita sa mga school, ospital, sinehan, disco houses at malls. Tiyakin kung may mga fire exit ang mga ito.

Huwag nang hintayin ang trahedya na kung kailan meron nang namatay saka ipatutupad ang paghi­higpit. Matuto na sa mga nangyaring mala­lagim na sunog na pumatay nang maraming tao.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #98 on: March 08, 2010, 04:42:02 PM »

March 09, 2010



Kailan igagarahe ang pumapasadang kabaong? 

PALIT-PALITAN lang ang pagkakaroon nang malalagim na aksidente sa bansa. Kung walang malagim na trahedya sa karagatan gaya nang paglubog ng barko, umaariba naman ang pagbagsak ng mga eroplano na ang pinaka-latest ay ang pagbagsak ng isang eroplano ng Philippine Air Force na dalawang opisyal ang namatay. At kung walang nagaganap na trahedya sa himpapawid, ang trahedya naman sa kalsada ang tumataas ang bilang. Ang pinakabagong aksidente na kinasangkutan ng mga sasakyan sa kalsada ay ang pagbangga ng isang bus sa puno ng Acacia sa Marcos Highway, La Union noong Sabado ng hapon na ikinamatay ng 12 pasahero at 39 ang nasugatan.

Ang PJM Love Bus ay galing Baguio City at patungong Maynila nang maganap ang aksidente. Pawang mga miyembro ng Catholic parish ng Sta. Rosa City, Laguna ang sakay ng bus at galing sa Visita Iglesia. Sa lakas ng pagbangga ay halos mahati ang bus. Nawalan umano ng preno ang bus habang nasa palusong at kurbadang bahagi ng highway. Mabilis ang takbo at hindi na nakabawi at bumangga sa malaking puno ng acacia. Nakaligtas sa kamatayan ang driver na si Silvestre Binay, 59. Nawalan umano ng preno ang bus. Nasa custody na siya ng pulisya at inihahanda na ang kasong multiple homicide.

Kamakailan lamang, isang pampasaherong dyipni na may mga pasaherong estudyante ang nahulog sa bangin sa Benguet at maraming namatay. Noong nakaraang taon, sunud-sunod na ang mga nangyayaring aksidente sa kalsada at marami ang namatay. Sa EDSA halimbawa ay maraming “pumapasadang kabaong” at hindi naman sila kayang patigilin ng Land Transportation Office (LTO) sa kabila na marami nang kinasangkutang aksidente. Pawang pagbabanta ang LTO at maski ang LTFRB na nagsabing babawian ng prankisa ang mga bus na masasangkot sa malalagim na aksidente.

Gaya ng kompanya ng bus na nakasagasa sa mag-ina habang naghihintay sa EDSA sa tapat ng Camp Crame. Nakaladkad ang mag-ina. Namatay ang anak samantalang ang ina ay naputulan ng kamay. Sa kasalukuyan, patuloy ang bus sa pagbibiyahe at maaaring makasagasa muli at makapatay.

Kailan igagarahe ang mga pumapasadang kabaong? Kailan maoobliga ang mga may-ari o drayber ng bus na inspeksyunin ang kanilang ibibiyaheng bus bago ibiyahe? Kailan kikilos ang LTO at LTFRB para hindi na maulit ang malalagim na aksidente.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #99 on: March 09, 2010, 02:45:37 PM »

March 10, 2010



Patuloy ang pagdami ng mga nagugutom

WALANG kiyemeng sinabi ni Albay governor Joey Salceda na lalong dumami ang mga nagugutom mula nang maupo sa puwesto si President Arroyo noong 2001. Sinabi ni Salceda na mula 11.4 percent noong 2000 ay naging 20.3 noong nakaraang taon (2009). Si Salceda, na economic adviser ni Mrs. Arroyo ay nagsabi pang lalong dumami ang mayayaman at lalong naging mahirap ang mga mahihirap.

Tama naman ang sinabi ni Salceda at hindi na kailangang magkaroon pa ng survey sa nararanasang kagutuman ng mga Pilipino. Hindi bumababa ang bilang ng mga nagugutom kundi dumarami pa. Bagamat laging sinasabi ng pamahalaan na gumaganda ang ekonomiya, hindi naman ibig sabihin ay nalunasan ang nararanasang pagkagutom ng mga Pinoy. Hindi nawawala ang problema sa pagkagutom.

Ang pagdami ng mga nagugutom ay hindi na ikinaila ng Palasyo. Sabi ni Deputy Presidential spokesman Gary Olivar, maaaring totoo raw ang sinabi ni Salceda pero ang problemang ito ay nag-iisang spot lamang sa marami nang nagawa ni Mrs. Arroyo sa bansa sa loob nang mahabang taon ng panunungkulan. Meron daw maiiwan si Mrs. Arroyo sa sambayanan.

Patuloy ang pagdami ng mga nagugutom at tiyak na madadagdagan pa dahil sa pananalasa ng El Niño sa maraming lugar sa bansa. Marami nang napinsalang pananim at nangangamba ang mga magsasaka na wala silang maisalba sa kanilang mga pananim. Tuyung-tuyo na mga tanim na palay, mais, gulay at marami pang iba. Sabi ng mga magsasaka, magugutom sila kapag naubos ang kaunting ani. Tulong ang kailangan nila ngayon.

Isa sa dahilan ng nararanasang gutom ay dahil sa malalang corruption na namamayani sa maraming ahensiya ng pamahalaan. Unahin ang paglipol sa mga corrupt para malutas ang kagutuman.

PINOYTAMBAY.COM

« on: »