Author Topic: Editoryal Ngayon  (Read 5619 times)

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #80 on: February 17, 2010, 06:24:48 PM »

February 18, 2010



Trahedya sa kalsada, dagat at himpapawid

NOONG nakaraang taon, sunud-sunod ang nang­yaring trahedya sa karagatan. Halos magka­sunod na lumubog ang MV Catalyn at MV Baleno. Ang MV Catalyn ay lumubog sa Cavite at ang Baleno ay sa Batangas. Maraming pasahero ang namatay sa dalawang paglubog. Nagkaroon ng imbestigas­yon ang Marina at Coastguard pero hanggang nga­yon ay wala pang malinaw na resulta. Sumisigaw naman ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Kamakailan, isang eroplano ng Philippine Air Force ang bumagsak sa Gen. Santos City at namatay lahat ang pitong sakay nito kinabibilangan ng isang PAF general iba pang opisyal. May namatay ding sibilyan sapagkat ang erooplano ay sa isang subdi­bisyon bumagsak at tumama sa isang bahay. Nag­karoon din ng imbestigasyon sa pagbagsak. Hang­gang ngayon ay malabo pa rin ang dahilan kung bakit bumagsak ang eroplano. Sa mga nakaraang taon ay sunud-sunod din ang pagbagsak ng eropla­no at helicopters. At sa kabila ng mga insidente, hindi pa rin naman inihihinto ang pagpapalipad sa mga tinataguriang “kabaong sa himpapawid”.

Kung marami ang trahedya sa dagat at himpapa­wid na nangyayari sa bansa, mas marami ang tra­hedya sa kalsada at marami ang humihingi ng hus­tisya. Maraming “bumibiyaheng kabaong” at tila inu-til na ang Land Transportation Office at Land Transport Franchising and Regulatory Board sa paghihig­pit sa mga may-ari ng sasakyan. Nakapag­tataka kung bakit naibibiyahe pa ang mga sasakyan sa kabila na dispalinghado na ang mga ito. Karami­han sa dahilan ng aksidente ay ang pagkasira ng preno. Ibig sabihin, kahit na may deperensiya na ay ibinibiyahe pa.

Katulad ng nangyaring trahedya sa Piat, Cagayan kung saan ay 15 katao, pawang estudyante ang na­matay makaraang banggain ng isang ten-wheeler truck na nawalan ng preno ang sinasakyan nilang jeepney. Sa lakas ng pagkabangga ay nahulog sa ba­ngin ang jeepney at naipit ang mga pasahero. Pa­tungo sa Tuguegarao ang jeepney at ang truck ay sa Piat. Iniimbestigahan na ang panibagong trahedyang ito.

Mapa-dagat, mapa-himpapawid at mapa-kalsada ay may nagaganap na trahedya. At para sa amin, ang kapabayaan at kawalan ng disiplina ang numero unong dahilan kaya nangyayari ang ganito. Dapat magkaroon ng paghihigpit ang LTO, MARINA at iba pang ahensiya na may sakop sa mga kasangkot na sasakyan. Kung walang paghihigpit, marami pang kawawang pasahero ang kakalawitin ni Kamatayan.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #81 on: February 18, 2010, 06:59:24 PM »

February 19, 2010



Dakpin si Adam!

NAKATAKAS ang isa sa mga suspect sa pagpatay sa 57 katao noong nakaraang taon. Na­kakulong sa Sultan Kudarat provincial jail si dating Maguin­danao police director Supt. Piang Adam nang ma­ganap ang pagtakas. Naganap uma­no ang pagtakas ni Adam noong Martes subalit nadiskubre lamang ang kanyang pagtakas noong Huwebes.

Ayon sa report, alas-kuwatro ng hapon noong Martes ay nakita pa si Adam na pumasok sa kan-yang selda pero inireport lamang ng jailguard na si Tahak Kadalum ang pagkawala ng suspek noong Huwebes ng uma­ga. Kasama si Adam sa mga kinasuhan sa pagpatay sa 57 katao noong Nob­yembre 23, 2009 sa Maguin­danao. Tatlumpo sa mga pinatay ay miyembro ng media. Pangunahing sus-pek sa pagpatay si dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan na ngayon ay nakakulong sa National Bureau of Investigation.

Sa pagkakatakas ng suspek, malinaw na may kutsabahang nangyari. Siyempre pa ang mga jail­guard ay sangkot dito. Sino pa ba naman ang kukut­sabahin ng isang gustong tumakas kundi ang guwardiya mismo. Maaring natapalan ng pera ang guwardiya. Kaya pinakamabuting palitan ang mga jailguard sa Sultan Kudarat. Kaysa naman makata­kas pa ang iba pang suspek ay gawin na ang nara­rapat. Kasabay sa pagpapalit ng mga jailguard, ay tugisin si Adam. Huwag hayaang ma­kalayo. Kaila­ngang maibalik siya sa bilangguan para malitis.

Ang kanyang pagtakas ay malinaw na pala­tandaan na mayroon siyang kasalanan. Hindi siya tatakas kung walang nalalaman sa pinakama­dugong pag­patay sa kasaysayan. Wa­lang awang pinagbabaril ang mga biktima, gina­hasa ang mga babae at saka inilibing sa hukay.

Hanapin si Adam at ibalik sa piitan. Mas ma-ganda kung hindi na siya sa Sultan Kudarat iku-long kundi dito sa Manila na katulad ni Andal Ampatuan. Kung dito siya ikukulong, mahihirapan na siyang makapuga. Nararapat din namang papanagutin ang jailguard na responsible sa pag­kakatakas ni Adam. Bulukin sa kulungan ang guwardiya para hindi pamarisan.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #81 on: February 18, 2010, 06:59:24 PM »



Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #82 on: February 19, 2010, 05:37:54 PM »

February 20, 2010



Ipakita ng Comelec ang kakayahan 



MARAMING nagdududa na hindi magiging ta­ gumpay ang kauna-unahang automated elections. Kabilang sa mga nagdududa at nababahala ay ang anim na presidential candidates. Iba’t iba ang dahilan ng presidential candidates kung bakit ma­aaring pumalpak ang election. Unang dahilan ay dahil daw hindi handa ang Commission on Elections (Co­melec). At dahil daw sa ganitong problema maa­aring maibalik sa mano-manong election at dito na muling magkakaroon ng dayaan kagaya ng mga nang­yari sa nakaraan. Muli raw babalik ang kontro­bersiyang “Hello Garci” kung saan ay sangkot si President Arroyo at ang Comelec commissioner na si Virgilio Garcillano noong 2004 elections.

Nagpahayag ng pangamba si administration candidate Gilberto Teodoro sa pagiging atrasado ng Comelec. Halimbawa na lamang daw ay ang atra­sadong delivery ng computerized counting machines na idedeliber pa sa huling linggo ng Pebrero. Dapat daw noon pa naideliber ang machines. Nagbigay din ng pangamba kay Teodoro ang atrasadong pag-train sa mga guro. Ang mga guro ang mangangasiwa sa mga presinto sa araw ng election pero ano raw ang matututuhan gayung sa Marso ay mayroon lamang isang session ang mga ito.

Pangamba naman ni presidential candidate Nica­nor Perlas na maaaring pumalya ang machines kaya dapat pa ring maghanda para sa mano-manong election. Ginawa niyang halimbawa ang nangyari sa Netherland at Germany kung saan na-hack ng isang high school student ang machines.

Pangamba ni Sen. Jamby Madrigal na magkaka­roon ng kapalpakan sa oras ng election kaya ang payo niya sa Comelec ay maglaan ng backup mechanism. Si Sen. Noynoy Aquino, Bro. Eddie Villanueva at JC de los Reyes ay mayroon ding pangamba sa 2010 elections. Tanging si Sen. Richard Gordon ang positibo na hindi papalpak ang election.

Sabi ng Comelec, natatakot sa wala naman dapat katakutan ang presidentiables. Hindi raw mangyayari ang pinangangambahan ng mga ito sapagkat sila ay handang-handa na. Kayang-kaya nila ang automation.

Magpakita ng katibayan ang Comelec. Magsagawa pa ng pag-testing sa mga counting machines para matiyak na hindi papalpak sa araw ng election. Sa pagpapakita ng katibayan at kakayahan mapa­ pawi ang pagdududa at pangamba.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #82 on: February 19, 2010, 05:37:54 PM »


Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #83 on: February 20, 2010, 05:51:53 PM »

February 21, 2010



Babala ng Comelec sa mga mandadaya

ANG pagpapatalsik ng Commission on Elec­-tion (Comelec) kay dating election super   visor Lintang Bedol ay dapat magsil­bing babala sa mga ibang opisyal na man­daraya sa darating na election. Ang pagpapatalsik kay Bedol ay pinakamahusay na desisyong nagawa ng Comelec laban sa kanilang opisyal na gu­mawa ng kamalian. Sa pagpa­patalsik kay Bedol, ka­sabay ding nawala ang kanyang retirement benefits. Nawala ang kan­yang ka­rapatan na ma­kapagtrabaho sa public office. Dapat lamang   ang kaparusahang ito sapagkat nagdulot si   Bedol ng kahihiyan sa buong Comelec. Naku­lapulan ng dungis ang Comelec at nawala ang tiwala ng taumbayan. Hanggang ngayon, ma­raming hindi pa lubos na bumabalik ang tiwala sa Comelec. Marahil mababalik lamang ang tiwala kapag marami ang tiwaling Comelec official ang mapaparusahan.

Malaki ang naging papel ni Bedol sa pag­mamanipula ng resulta ng May 2004 presidential election kung saan ay naging pabor kay President Arroyo. Si Bedol ang election supervisor sa Maguindanao. Umano’y na-zero ang kalaban ni Arroyo na si action star Fernando Poe Jr. Noong May 2007 elections, muling lumutang ang pa­ngalan ni Bedol at namanipula ang resulta ng boto para sa senatorial candidates. Naging pabor ang mga boto sa administration candidates at na-zero ang mga kalaban. Nagtago si Bedol makaraang magsagawa ng imbestigasyon ang Comelec.

Ngayon 2010 elections ay lumulutang na na­man ang pangalan ni Bedol. Umano’y isang ma­kapangyarihang clan sa Maguindanao ang “ku­mukupkop” sa dating election official at maaa-ring mag-operate na naman.

Tapusin ang kaso ni Bedol. Huwag na siyang bigyan ng pagkakataon. Tama na ang kanyang ginawang kasalanan. Bantayan siya sa 2010   elections.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #83 on: February 20, 2010, 05:51:53 PM »


Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #84 on: February 22, 2010, 11:23:26 PM »

February 22, 2010



Talamak pa rin ang corruption



WALANG nababago sa pamahalaan kung ang kalagayan ng corruption ang pag-uusapan. Sa halip na mabawasan ang mga nangungurakot sa kaban ng bayan ay dumami pa kaya mas lalong na­ging malala pa. Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 3 hang­gang Disyembre 5, 2009, tinanong ang mga top at nasa middle-level managers sa kalagayan ng pagla­ban ng pamahalaang Arroyo sa corruption. Ang mga respondents managers ay nagmula sa Cagayan de Oro City, Iligan City, Metro Manila, Cebu City, Davao City, Cavite, Laguna at Batangas.

Napag-alaman na tatlo sa limang managers ay naniniwalang sobra o talamak ang nangyayaring cor­ruption sa public sector. Ayon pa sa survey, ang nang­­yayaring corruption sa public sector ay hindi nagba­go sapul pa noong 2008. Lumitaw na 60 por­siyento ng managers ay hiningan ng “lagay” sa kani­lang gina­wang transaksiyon sa mga pampublikong tanggapan.

Nadiskubre sa survey na ang Metro Manila ang may pinakamataaas na insidente na humihingi ng “lagay” o “padulas” na pera sa mga transaksiyong gina­gawa sa government offices. Halimbawa’y sa pagkuha ng permit, lisensiya, pagbabayad ng taxes at import duties. Halos nagkakapareho ang Metro Manila at Metro Cebu sa lebel ng nangyayaring corruption.

Ayon pa sa survey, sa loob ng nakalipas na tat­long taon, one-third ng managers ang naging helpless sapagkat wala silang mahingian ng tulong kung saang ahensiya ilalapit ang kanilang problema sa nangyayaring corruption. Ibig sabihin walang ma­pag­ka­katiwalaang ahensiya ang gobyerno na maka­katulong para masugpo ang corruption.

Ang mga ahensiya ng gobyerno na mataas ang margins sa pagiging talamak ang corruption noong 2009 ay ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Department of Public Works and Highways at ang Office of the President. Ang apat na ahensiya ring ito ang may pinakamataas na mar-gin ng corruption noong 2008.

Ang paglaban sa corruption ang battlecry ng karamihan sa presidentiables para sa May 2010   elections. Maganda naman at sana ay tuparin. Hin-di lang sana hanggang pangako ukol sa problemang ito. Dapat isagawa ang paglaban sa corruption para magkaroon ng pag-asa ang mamamayan at nang umunlad ang ekonomiya.






February 23, 2010



Ubusin na ang Abus! 

NALAGASAN na naman ang Abu Sayyaf ng isang commander at dapat pang masundan para lubusan nang maubos ang grupong ito na matagal nang nagbibigay ng kahihiyan sa bansa. Nagbayad din si Al Bader Parad sa kanyang mga kasalanan at mas matutuwa ang taumbayan, partikular ang mga taga-Sulu kung mapapatay din ang iba pang mata­taas na pinuno ng Sayyaf. Dapat tugisin na ang mga nalalabi pang miyembro para matapos na ang problema sa kanila. Kapag napatay ang nalalabi pang Sayyaf, maaaring makabangon na ang Sulu at iba pang lugar sa Mindanao na pinipinsala ng mga hayok sa dugong grupo.

Nasorpresa ng Marines ang grupo ni Parad sa kabundukan ng Maimbung, Sulu noong Linggo. Natukoy ang pinagtataguan ng mga ito at hindi na nilubayan. Isang oras umanong nakipagbakbakan ang Marines. Bukod kay Parad, limang iba pang Sayyaf ang napatay. Tatlong Marines naman ang nasugatan. Habang nakikipagbakbakan ang Marines, nasa himpapawid naman ang Air Force plane at Navy ships at nakaalalay sakalit may magtang­kang tumakas. Pero hindi na nagawang makatakas nina Parad sapagkat nakubkob na ng Marines.

Limang milyong dolyar ang inilaan ng US government sa ulo ni Parad samantalang P7-milyon naman ang sa Philippine government. Si Parad ay itinuturing na isa sa mga maimpluwensiyang lider ng Abu Sayyaf. Ang grupo ni Parad ang nasa likod ng pagdukot sa tatlong Red Cross volunteers noong nakaraang taon. Sila rin umano ang dumukot sa broadcaster na si Ces Drilon at sa isang negosyante.

Napatunayan ng military na kaya nilang lupigin ang Sayyaf at sana ay magkasunud-sunod pa ang kanilang opensiba laban sa mga ito. Ngayong naba­wasan na ang pinuno ng Sayyaf, tiyak na hihina na ang mga ito. Magandang pagkakataon para lalong pag-ibayuhin ng military ang kanilang paglipol sa mga “salot” ng Sulu. Ang Sayyaf ay tinutulungan ng Al-Qaeda terrorist movement. Kaya rin umano patuloy na nakapag-ooperate ang Sayyaf ay dahil sinusuportahan ng ilang tao sa Sulu at iba pang lugar.

Pero ngayong unti-unti nang nalalagas ang gru-po, maaaring matakot na ang mga kumakalong sa kanila. Wala nang tatakbuhan ang mga “salot” at malapit nang maubos.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #85 on: February 23, 2010, 01:53:06 PM »

February 24, 2010



Resign na, pero kapit-tuko pa rin

NAGDESISYON na ang Supreme Court na ang lahat ng mga appointed officials na naghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) ay itinuturing nang resign. Kaya ang mga Cabinet officials na nag-file ng candidacy noong Disyembre ay resign nang maituturing. Dapat noon pang December sila nag-evacuate sa puwesto at meron na sana silang kapalit. Baka kung napalitan na sila noon pang December ay baka nagkaroon pa ng pag­babago. Maaaring natutukan na ng pumalit ang mga mahahalagang bagay.

Kung bakit naman kasi, mabagal magdesisyon ang Supreme Court sa ganitong usapin. Sa unang ruling ng SC noong December 1, 2009, sinabi nila na ang mga appointed officials na kakandidato para sa May 10, 2010 elections ay hindi na kailangang magbitiw sa puwesto at maaaring mag-stay sa puwesto hanggang June 30, 2010. Pero nagbago ang desisyon ng SC at sa botong 10-5, nabaliktad ang unang desisyon. Ang mga Cabinet official nag-file ng kanilang CoC ay maituturing nang nagbitiw sa puwesto. Natapos ang filing ng candidacy noong December 1. Kung napalitan na ang mga Cabinet officials na tatakbo siguro’y may nagawa nang maganda para sa kapakanan ng taumbayan.

Hindi rin naging parehas ang SC sa kanilang unang ruling sapagkat ang mga kandidato ng admi­nistrasyon na sina Gilbert Teodoro, Bayani Fernan­do, Lito Atienza at Edu Manzano ay nagsipagbitiw na sa puwesto. Tatakbong presidente si Gibo samantang sina Bayani at Edu ay vice president. Si Lito Atienza ay nagbitiw sa Department of Environment and Natural Resources para tumakbong mayor ng Maynila. Ibig sabihin mas may delikadesa ang mga taong ito kaysa mga Cabinet members na kapit-tuko pa rin sa puwesto.

Dapat lamang naman talaga na umalis sa puwesto ang mga appointed offcials na may balak tumakbo sa election. Maaakusahan sila na gina­gamit ang posisyon para sa kanilang kapakina­bangan. Libre ang publisidad dahil nananatili sa puwesto. At ma-lay ba ng taumbayan kung ang ginagastos ng mga Cabinet officials na kakandidato ay galing sa pondo ng taumbayan. Walang maganda ngayon para sa mga Cabinet officials na nag-file ng candidacy na bakantehin na ang kanilang puwesto.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #86 on: February 24, 2010, 02:25:21 PM »

February 25, 2010



Kawawang DOH

SA lahat ng tanggapan ng pamahalaan ang Department of Health (DOH) ang pinaka-naka­aawa. Napakahirap ng kanilang kalagayan. Laging binabatikos at tila wala nang ginagawang tama. Hindi na tuloy malaman ng DOH kung ano ba ang tamang gagawin para magampanan nang mahusay ang kanilang tungkulin. Nakatuntong lagi sila sa numero at isang maling kilos ay marami nang mata ang nakatutok para sila batikusin.

Ang pinakabagong isyu na ibinabato ngayon sa DOH ay tungkol sa condom. Yes! Tungkol sa condom ang usapin at ang matinding bumabatikos sa kanila ay ang Simbahan. Tutol ang Simbahan sa paggamit ng condom sapagkat tumataliwas ito sa ipino-promote na natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya.

Nagsimula ang isyu sa condom noong Pebrero 14 (Valentines Day) nang mamahagi ang DOH sa pamamagitan ni Dr. Eric Tayag ng mga condom sa mga bumibili ng bulaklak sa Dangwa sa Dimasa-lang, Maynila. Pero hindi ang isyu sa pagpaplano ng pa­milya ang dahilan kaya namigay ng condom si Tayag kundi para gamitin ito ng mag-asawa para sa safe na pagtatalik at makaiwas sa nakama­matay na HIV/AIDS.

Tumaas ang bilang ng mga may HIV/AIDS at naaalarma na ang DOH sa hindi mapigilang pagdami ng kaso. Itinuturo ang mga nagtatrabaho sa call center na dahilan nang pagdami ng kaso. Noong 2007 hanggang 2009, naireport na 629 kaso ng AIDS ang naiulat. Pinakamaraming naiulat na may HIV/AIDS noong May 2009 kung saan umabot sa 85 ang kaso. Iyon ay noong buwan lamang ng Mayo. Pina­kamataas umanong bilang na naireport mula nang manalasa ang HIV/AIDS sa bansa noong 1984. Ayon sa report, mga lalaking nagtatrabaho sa call center ang nagkaka-AIDS dahil sa pakikipagtalik nila sa kapwa lalaki.

Ang hakbang ng DOH para mapigilan ang pagka­lat ng AIDS ay sa pamamagitan ng paggamit ng condom. Pero agad na umalma ang Simbahan. Ang matindi pa si Health Sec. Esperanza Cabral ang bina­tikos at pinagreresign sa puwesto. Sabi ni CBCP vice chairman Ramon Arguelles na dapat baguhin ni Cabral ang pamamaraan sapagkat ang isang paa nito ay nasa impiyerno na at huwag sanang kalad­karin ang iba pa.

Hindi namam sana naging makitid ang Simbahan sa isyung ito. Ang hangad lamang ng DOH ay mapi­gilan ang pagdami ng HIV/AIDS at wala nang iba pa. Hindi sana laging kinakawawa ang DOH

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #87 on: February 25, 2010, 05:39:33 PM »

February 26, 2010



Bagong people power ikasa vs mga kawatan 



KAHAPON ginunita ang makasaysayang EDSA people power revolution. Apat na araw nagkapit­bisig at nagkaisa ang mga Pilipino. Mula Pebrero 22, hanggang Pebrero 25, 1986, ipinakita ang tapang na kahit sagasaan ng tangke ay hindi matitinag makalaya lamang sa pagmamalabis sa kapang­yarihan ni President Marcos. Maraming bansa ang humanga sa ginawa ng mga Pilipino. Walang du­manak na dugo at nagawang makalaya sa kapang­yarihan ng taong nanungkulan ng 20-taon.

Nang lumayas ang pamilyang Marcos sa Mala­cañang noong gabi ng Pebrero 25, marami ang natuwa. Ang mga taong nagbabantay sa Camp Crame at Camp Aguinaldo sa EDSA ay naglundagan sa tuwa. Mayroong umiyak dahil sa labis na kasiyahan. Ang paghihirap sa apat na araw sa EDSA ay nagbunga. Hindi nasayang ang pagharap sa mga sundalo ni Marcos. Ganap nang malaya sa diktadurya. Malaya na sa taong sumikil sa karapatan. Malaya na sa pag­mamalabis. Malaya na sa nagpasasa sa kayamanan.

Ngayon, pagkalipas ng 24 na taon na paglaya sa diktadurya, hindi pa pala lubos ang nakamit na paglaya. Noon, inakalang sa pag-alis ni Marcos ay maaalis din ang mga nagpapahirap sa taumbayan, pero hindi pala sapagkat mas lalong dumami ang nagpapasasa sa yaman. Mas lalong kumapal ang mga naghihirap. Marami ang nagugutom, marami ang walang sariling bahay, marami ang hindi makapag-aral dahil sa kakapusan ng pangangailangan. Marami ang naghihikahos dahil sagad ang katiwalian sa maraming tanggapan ng pamahalaan. Sa halip na malipol ang mga kawatan, lalo pang nadagdagan.

Sa isang surbey lumabas na talamak ang ka­tiwalian sa Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Department of Public Works and Highways. Umaalma ang mga dayuhang negosyante dahil sa red tape. Hindi raw gumagalaw ang kanilang papeles hangga’t walang padulas na pera. Marami ang tinatabangan na magnegosyo rito.

Napatalsik nga ang nagmalabis na pinuno pero mas malala pa ang nangyari sapagkat dumami pa ang nagmamalabis at nagpapasasa sa kaban ng taumbayan. Lalong dumami ang mga “buwaya”.

Nararapat nang isulong ang isang bagong people power laban sa mga kawatan. Ito ang nararapat para masolusyunan ang nararanasang kahirapan.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #88 on: February 26, 2010, 06:48:47 PM »

 February 27, 2010



I-refund ang kinolekta para sa RFID

UMAABOT sa P30-milyon ang nakolekta ng Land Transportation Office (LTO) sa mga may-ari ng sasakyan para sa kanilang radio frequency identification (RFID) project. Pero ang masakit at ini­aangal ngayon ng mga may-ari ng sasakyan, hindi pa naire-refund ang kanilang binayad kahit ibina­sura na ng Supreme Court ang pangungulekta sa naturang proyekto. Kung hindi agad nasus­pinde ng SC ang implementasyon ng RFID ma­aaring malaki pa ang nakolekta ng LTO at lalong mas malaki ang problema ng mga vehicle owners. Kung gaano kabilis maningil ang LTO para sa kanilang RFID, mabagal naman pala kung mag-refund. Sabi umano ng LTO, baka sa susunod na taon pa maere-refund ang naibayad ng mga may-ari ng sasakyan.

Nakakapagtaka ang nangyayaring ito. Bakit kailangang sa isang taon pa ibalik gayung ipinag-utos na nga ng SC na labag sa batas ang RFID? Kawawa naman ang mga may-ari ng sasakyan na nakolektahan.

Malaki ang P30-million na nakolekta ng LTO at hindi maiiwasang magtanong ang mamamayan ukol dito. Hindi kaya may paggagamitan ang LTO sa malaking pera na kanilang nakolekta kaya ayaw i-refund? Hindi kaya gagamitin sa election? Hindi kaya ipopondo sa kung anu-anong proyekto na may kinalaman sa nalalapit na election?

Marami pang katanungan ang namumuo sa isipan ng mamamayan kung bakit hindi agad maibalik ng LTO ang perang hindi naman kanila. Malaking palaisipan kung bakit agad-agarang nangulekta ang LTO para sa RFID gayung wala pala namang public consultations. Gumawa sila ng hakbang na hindi dumaan sa tamang proseso at ngayong dineklarang labag sa batas ang proyekto ay ayaw naman nilang ibalik agad ang pera.

Kaya maraming hindi nagtitiwala o nagdududa sa ilang ahensiya ng pamahalaan. Sila na rin ang gumagawa ng dahilan para kamuhian ng taum­bayan. Sila ang nagpapasama sa kanilang sarili. I-refund ang ibinayad sa RFID para walang ma­ibatikos.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #89 on: February 27, 2010, 03:54:27 PM »

February 28, 2010



Bagong eroplano para sa Hukbong Panghimpapawid 

KAWAWA naman ang Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas (Philippine Air Force). Iilan na nga lamang ang mga lumang eroplano sa kanila ay buma­bagsak pa at nagdadamay pa ng buhay ng mga sundalo at sibilyan. Sana, sa pag-upo ng bagong pre­si­dente pagkalipas ng May 2010 elections ay mag­karoon din ng mga bagong eroplano ang PAF.

Nabawasan na naman ang eroplano ng PAF nang bumagsak noong Martes ang OV-10 Bomber sa Tarlac City at dalawang piloto ang namatay. Nagsasagawa ng training flight ang OV-10, sa Crow Valley, Sta. Lucia Tarlac dakong 2:55 ng hapon nang maganap ang pagbagsak. Tuluy-tuloy na bumulusok ang OV-10. Narekober ang bangkay ng dalawang piloto na nakilalang sina Captain Corpuz at Lt. Carandang. Agad na ipinag-utos ni PAF chief Lt. Gen. Oscar Rabena na “i-grounded” ang iba pang OV-10 Bomber. Magsasagawa raw muna ng imbestigasyon sa pag­bagsak. Hindi pa natatagalan nang bumagsak ang Nomad plane ng PAF sa Gen. Santos City at apat na sundalo at isang opisyal ang namatay.

Kaawa-awa ang kalagayan ng PAF na malamang ay maubos na ang mga eroplano dahil sa mga sunud-sunod na trahedya. Karamihan sa mga eroplano ng PAF ay galing sa US na ginamit pa noong Vietnam war. Sa mga nakaraan, ilang Huey helicopter na ginamit sa Vietnam ang bumagsak at kumitil na nang maraming buhay. May isang pangyayari pa na isang Huey ang bumagsak sa Laguna at sinamang palad na bumagsak sa mga kabahayan. Noong nakaraang taon, isang helicopter ng PAF ang bumagsak sa bundok habang sakay ang Malacañang official. Namatay ang opisyal at iba pang pasahero. Sa helicopter din na nag-crash namatay ang isang Phivolcs official dalawang taon na ang nakararaan.

Nararapat nang magkaroon ng mga bagong eroplano ng PAF. Itigil na ang pag-repair sa mga nati­tira pang eroplano sapagkat wala na itong kakaya­han pang lumipad. Ipaglaban ng PAF chief na mag­karoon ng pondo para mapalitan na ang mga eropla­nong maituturing na “kabaong na lumilipad”. Sa pag-upo ng bagong presidente, dapat nang magka­ roon ng pagbabago sa air force. Hindi na sana puro “force” pero walang “air”. Iprayoridad sana ang pag­ka­karoon ng mga bagong eroplano para sa huk­bong himpa­pawid.

PINOYTAMBAY.COM

« on: »