Author Topic: Editoryal Ngayon  (Read 5615 times)

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #60 on: January 30, 2010, 06:41:13 PM »

January 31, 2010



Ang taumbayan ay hapung-hapo na sa pulitika 

KUNG mayroon mang dapat mapagod sa nang­yayaring pamumulitika sa bansang ito, iyon ay walang iba kundi ang taumbayan. At hindi lang sila pagod na pagod kundi hapung-hapo at sukang-suka na sa walang katapusang pamumulitika. Kaya nang sabihin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa session ng Senado noong nakaraang Martes na pagod na pagod na siya sa pulitika, hindi gaano ang nag-react. Akala ba ni Santiago, natutuwa ang mama­mayan sa mga pulitikong ginagamit ang chamber para sa pansariling interes? Akala ba niya nagugus­tuhan ng mamamayan ang mga nangyayaring imbestigasyon o hearing na sa dakong huli ay wala namang nangyayari?

Nag-walkout si Santiago habang tinatalakay sa Senado ang tungkol sa C-5 controversy na kinasa­sangkutan ni Sen. Manuel Villar, kandidatong pre­sidente ng Nacionalista Party. Ayon kay Santiago na nagkawatak-watak na ang Senado dahil sa palitan ng mga ma­aanghang na salita, akusasyon, pa­runggit at kung anu-ano pang mga pananalita ng kanyang mga kap­wa senador. Kinalakihan na raw niya ang ganito at pagod na pagod na raw siya sa pulitika, sabi ni San­tiago at pagkasabi ay nag-walkout. Lumabas din si Senate President Juan Ponce Enrile. Noong Lunes ay si Sen. Aquilino Pimentel naman ang gumawa ng eksena nang sabihan niyang nang mag-asawa si Sen. Mar Roxas ay gumawa rin ito ng “insertions”. Nag-init si Roxas at nagkapalitan ng mga maaang­hang na salita.     Una nang tinawag na “abused child” ni Pimentel si Sen. Jamby Madrigal. Si Madrigal ang naghain ng complaint sa C-5 project.

Patuloy pa ang drama sa C-5 controversy pero wala namang nararating at tila paikut-ikot lang. Walang naaabot at nareresolba. Ginagawa lang nilang “arena” ang Senado. At habang gina­gawa ng mga senador ang palitan ng mga salita, naka­nganga naman ang mamamayan. Sila ay sawang-sawa na sa nangyayaring takbo sa pulitika. Hindi lang si Santiago ang hapung-hapo — mas   lalo ang taumbayan.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #61 on: January 31, 2010, 04:25:35 PM »

February 01, 2010



Dagdagan ang info ukol sa HIV-AIDS 

NASA epidemic level na ang pagkalat ng Human Immunodeficiency Virus
(HIV) kaya nararapat dagdagan ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko ukol sa nakamamatay na sakit. Ang HIV ang dahilan kaya nagkakaroon ng Acquired-Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Kulang sa impormasyon ang naka­ rarami kaya marahil tumaas ang bilang. Masya- dong natutok si dating DOH Sec. Francisco Duque sa ibang sakit gaya ng dengue, AH1N1, ebola virus kaya mara­hil nagkulang sa pagbibigay ng info sa HIV-AIDS.

Noong 1984, dalawang kaso lamang ng HIV ang naitala sa Pilipinas, pero makalipas ang 10 taon, umabot na sa 118 ang kaso. Noong 2004 ay mas lalong nakagugulat ang biglang paglobo nang may HIV sapagkat umabot sa 199. At mas matindi pa nang mga sumunod na taon sapagkat mula 2007 hanggang October 2009 umabot na sa 629 ang may HIV. Sabi ni Dr. Edcel Salvana, propesor ng UP College of Medicine at head ng PGH Infectious Diseases Department, noon daw nakaraang taon, araw-araw ay may naitatalang dalawang kaso ng HIV-AIDS. Lumobo nang lumobo ang mga may sakit at nakaaalarma na ang nangyayari. Masyado raw mabilis ang pagkalat.

Sa kasalukuyan, ang mga biktima ng HIV-AIDS ay kinabibilangan ng mga kabataan na ang edad ay 16. Merong medical practitioners, young professionals, abogado at overseas Filipino workers (OFWs). Karaniwang nakukuha ang sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kung kani-kaninong partners.

Naniniwala kami na marami pang may HIV na   hindi lumalantad dahil sa takot o pagkapahiya. Hika­yatin silang magpatingin para mabawasan ang pagkalat. Doblehin ng DOH ang sigasig na maka­pagbigay ng impormasyon sa publiko ukol sa na-ka­mamatay na AIDS. Ipaunawa ang pagpa-practice sa safe sex at ang kabutihan ng paggamit ng condom.

Sa pagbibigay ng impormasyon sa mamamayan, makaiiwas sila sa tiyak na kapahamakan o kamatayan.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #61 on: January 31, 2010, 04:25:35 PM »



Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #62 on: February 01, 2010, 04:56:06 PM »

February 02, 2010



Magtipid sa tubig



BUMABABA ang level ng tubig sa Angat Dam at maging sa Magat Dam. Ang tubig na nangga­galing sa Angat ang nagsusuplay sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya. Ang Magat Dam ang nagsusuplay ng tubig sa mga bukirin sa Central Luzon. At dahil nga nararamdaman na ang El Niño phenomenon, maaari pang bumaba nang bumaba ang level ng tubig sa mga reservoir. Ayon sa mga eksperto, mararamdaman nang todo ang init sa Abril at maaaring tumagal hanggang Hunyo.

Ipinag-utos na ni President Arroyo sa lahat ng ahen­siya ng pamahalaan na magtipid sa tubig. Naka­amba na umano ang krisis kaya nararapat na magtu­lungan ang lahat para makapagtipid sa tubig. Sabi ni Presidential Deputy Spokesman Ricardo Saludo, na pangungunahan ng pamahalaan ang pagtitipid sa tubig pero dapat din namang makipagtulungan ang mamamayan.

Ang pamahalaan ang dapat magpakita ng halim­bawa sa pagtitipid hindi lamang sa tubig kundi pati sa kuryente. Kung makikita ng mamamayan na nag-aaksaya ang mga nasa pamahalaan, hindi magiging epektibo ang kampanya. Sa Maynila na lamang, kahit araw ay may nakasindi pang mga ilaw sa kalye. Hindi ba ito nakikita ng mga opisyal ng Maynila at maipag­bigay-alam sa Meralco. Malaking pag-aaksaya ang ganito na buong maghapon at magdamag ay naka­bukas ang ilaw.

Unang dapat atasan ng pamahalaan ay ang Maynilad at Manila Water. Ang dalawang kompanyang ito ang namamahala sa pagbibigay ng tubig sa customer. May mga ilang lugar sa Metro Manila na na­aaksaya ang tubig dahil maraming sirang tubo at walang patid ang tagas ng tubig. Mayroong pumu­pulan­dit ang tubig sa kalsada dahil aksidenteng tinamaan ang tubo at hindi naman agad makumpuni ng Maynilad o Manila Water. Dapat maging maagap ang dalawang kompanya sa mga sirang tubo para hindi masayang ang tubig.

I-monitor ng Malacañang ang mga ahensiya ng pamahalaan kung ang mga ito ay lubusang sumu­sunod sa kampanyang magtipid. Baka naman ang mamamayan lamang ang kuntodong nagtitipid at ang mga taong gobyerno o mga opisyal ay walang hina­yang kung gumamit ng tubig. Baka habang nagtitipid ang mamamayan ay marami namang opisyal ang nag-aaksaya.

Siguruhin ng Malacañang na hindi nasasayang ang kanilang pagdirektiba lalo’t nakaamba ang krisis sa tubig.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #62 on: February 01, 2010, 04:56:06 PM »


Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #63 on: February 02, 2010, 06:41:47 PM »

February 03, 2010



Maraming bumagsak sa nursing board exams 



ANG nakaraang 2009 Nursing licensure examination daw ang pinakamaraming bumagsak sa kasaysayan. Sa 94,462 na kumuha, 37,572 lamang ang pumasa. Hindi umabot ng kalahati. At ang labis pang nakapagtataka, ang mga nanguna sa exam ay pawang mga nursing graduate sa school sa probinsiya. Ang topnotcher ay nursing graduate mula sa Iligan City. Mabibilang ang mga nakasama sa top 10 na eskuwelahan sa Metro Manila. Ibig sabi­hin, mas mahuhusay pa ang mga nursing graduate sa probinsiya kaysa school sa Metro Manila.

Ang nakadidismayang resulta ng nursing exams ay dapat makapagbukas ng isipan sa Commission on Higher Education (CHED). Bakit nagkakaganito ang resulta na sa halip na dumami ang porsiyento ng mga nakapasa ay mas dumami ang bumagsak. Dapat nang kumilos ang CHED at busisiin kung anong klaseng nursing schools meron sa bansa at nagkakaganito ang resulta ng mga pumapasa. Ibig lamang sabihin, ang mga nursing school ang may problema kung bakit mababa ang resulta ng mga pumapasa. Anong klaseng pagtuturo ang ginagawa ng mga nursing schools at marami ang bumabag­sak? O ang mga nursing schools ay pawang pera lang ang hanap sa mga nag-eenrol sa kanila at hindi pinagbubuti ang kalidad ng pagtuturo? Isipin na lamang kung gaano kamahal ang tuition fees ng mga kumukuha ng nursing. Iginagapang ng mga magu­ lang ang kanilang anak para maging ganap na nurse pero wala naman palang natututuhan. Katibayan nga ang pagbagsak sa nursing board exam.

Wala silang kamalay-malay na ang kanilang pina­sukang nursing school ay isa sa 177 na wala pang board passers.

Noong nakaraang November 2009 inihayag ng CHED ang 177 nursing schools na wala pang board passer ang kanilang ipasasara. Hindi na raw nila hahayaang tumanggap pa ng mga estudyanteng magna-nurse ang mga school na kabilang sa 177.

Noon pa ay isyu na ang tungkol sa mga nursing school na mababa ang kalidad ng edukasyon at sa loob nang maraming taon ay wala ni isa mang nursing grad nila ang pumasa sa board exam. Nakaka­hiya ang kahinaan ng school at hindi na sila dapat magpatuloy.

Ngayon ay wala pa ring aksiyon ang CHED sa 177 nursing schools. Hindi na dapat hayaan pa ang mga mahihinang nursing schools. Ikandado na sila para mabago ang nababahiran na nursing profession sa bansa.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #63 on: February 02, 2010, 06:41:47 PM »


Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #64 on: February 03, 2010, 01:59:55 PM »

February 04, 2010



Huwag lang tubig ang tipirin, pati gas at kuryente 

IPINAG-UTOS na ni President Arroyo ang pagtitipid sa tubig. Naalarma sa banta ng El Niño. Pero sana ay isinama na rin niya ang pagtitipid sa gasoline at kuryente. Sunud-sunod na ang nangyayaring brownout hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa probinsiya. Ang petroleum products ay patuloy naman sa pagtataas ng presyo. Baba-taas-baba ang gasolina, diesel at liquefied petroleum gas (LPG). Kaya dapat paigtingin ng gobyer-no ang pagtitipid hindi lamang sa tubig kundi pati na rin sa gasoline at kuryente. Noong isang araw, ipinag-utos na ng Malacañang ang pagtitipid sa tubig dahil nakaamba na ang krisis dahil sa pana­nalasa ng El Niño phenomenon. Ang water level sa Angat Dam ay patuloy sa pagbaba. Sabi ng PAG­ASA, magiging matindi ang init sa Abril at aabot hanggang Hunyo.

Ang pagtitipid ay naiisip lamang kapag naka­sakmal na ang krisis. Ganito lagi ang style at wala nang pagbabago pa. Sa mga nakaraang amba ng krisis sa enerhiya, ang gobyerno ay naglulunsad ng kampanya para makapagtipid mapa-kuryente man o gasolina. Inatasan ang mga taong gobyerno na huwag nang gumamit ng mga sasakyang ma­lakas lumaklak ng gasolina at sa halip ay mag-LRT o mag-MRT na lamang. Ipinag-utos na patayin ang mga ilaw kapag breaktime. Huwag nang gumamit ng aircon at electric fan na lamang. Pero ang pagti­tipid sa gasoline at kuryente ay ningas-kugon la­mang. Kapag inakala na ang presyo ng gasoline, diesel at LPG ay nagsimula nang bumaba, agad naka­kalimu­tan ang pagtitipid. Ang mga opisyal ng gob­yerno ang nangunguna para gamitin muli ang sa­sakyan nilang malakas lumaklak ng gasolina. Nalimutan na ang pagtitipid at balik sa pagwa­waldas.

Ang gobyerno ang dapat magpakita ng halim­bawa. Sila ang manguna sa pagtitipid nang buong sigasig at hindi yung pakitang tao lamang. Ipatu-pad kung ano ang kautusan ukol sa pagtitipid. Ma­dali namang tatalima ang taumbayan kung ang       pa­mahalaan ay nagpapakita ng halimbawa.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #65 on: February 04, 2010, 04:25:10 PM »

February 05, 2010



Harapin ang kaso

NANG mapabalita na nakaalis na pala si Sen. Panfilo Lacson at diumano’y nasa Australia, ang unang naging reaksiyon ng mamamayan ay “guilty” siya. Ang pagtakas daw o pag-alis ay palatandaan na may kasalanan ang isang tao. Bakit ka aalis kung wala ka namang kasalanan? Bakit ka aalis kung malinis ang iyong konsensiya.

Ayon sa report, Enero 5 pa umalis si Lacson. Ayon sa Bureau of Immigration nagtungo sa Hong Kong ang senador. May nagsasabing nasa Australia na nga ang senador.

Ang pag-alis ni Lacson ay may kaugnayan sa pagpatay sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong November 2000. Dinukot ang dalawa habang patungo sa opisina. Tinorture at saka pinatay. Sinunog pa ang mga bangkay ng mga ito. Mga miyembro ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang mga suspek. Ang hepe ng Philipine National Police (PNP) noon ay walang iba kundi si Lacson. Biglang nag-alisan sa bansa ang tatlong PAOCTF officials na sinasabing nasa likod ng pagpatay — sina Michael Ray Aquino, Cesar Mancao at Glenn Dumlao. Sa United State sila namalagi. Naibalik naman sa bansa sina Mancao at Dumlao noong nakaraang taon dahil sa extradition treaty.

Sa isang mensahe na ipinadala ni Lacson, sinabi niyang umalis siya ng bansa sapagkat     siya ang nadidiin at nadidikdik sa Dacer-Corbito murder at ito ay pakana at bahagi ng “evil conspiracy” sa pagitan ng Malacañang at ng Department of Justice. Hindi raw siya makakakuha ng hustisya sa nangyayari.

Pinakamabuti kung haharapin ni Lacson ang kaso at isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman. Ilantad niya kung ano ang totoo. Kung wala naman siyang kinalaman, gaya ng madalas niyang sina­sabi, ano ang kanyang ikatatakot. Walang dapat ikatakot ang taong walang nagagawang kama- lian. Sa kanyang pag-alis, ang maiiwan sa isipan ng mamamayan ay meron nga siyang kasalanan. At huhusgahan na siya nang todo-todo.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #66 on: February 05, 2010, 02:58:42 PM »

February 06, 2010



Laging magsagawa ng earthquake drills

MAG-IISANG buwan na ang nakalilipas mula nang mangyari ang malakas na lindol (7.0 mag­nitude) sa Haiti. Nakauwi na ang karamihan sa mga Pinoy na nakaligtas sa lindol at naiuwi na rin ang mga bangkay ng peacekeepers na nabiktima sa pagguho. Mahigit 200,000 katao ang pinanini­wala­ang namatay sa Haiti. Halos lahat ng gusali roon ay bumagsak. Karamihan sa mga nakaligtas na Pinoy ay nagsasabing ikalawang buhay na nila ito sa­pagkat hindi nila akalaing makaliligtas sa grabeng lakas na lindol. Hindi raw nila malaman ang g*g*-win nang lumindol nang hapong iyon ng January 12. Sa isang iglap ay naguho ang mga building at nata­bunan ang mga tao.

Ang nangyaring lindol sa Haiti ay posibleng mang­yari rito sa Pilipinas. Sa katunayan nagkaroon na nang malakas na paglindol noong July 16, 1990 kung saan ay 1,200 katao ang namatay. Naguho ang Hyatt Terraces sa Baguio City at maraming natabu­nan. Grabeng tinamaan ang Baguio, Pangasinan at iba pang bayan sa Central Luzon.

Sinasabing kaya maraming namatay sa Haiti ay sapagkat hindi nakahanda ang mamamayan doon sa pagdating ng lindol. Walang preparasyon kaya nang yumanig ay nagpanic at nagtakbuhan kaya marami ang naipit nang bumagsak ang mga haligi at flooring ng building. Sa halip na humanap ng mesang pagtataguan para maprotektahan ang ulo at katawan ay nagtakbuhan. Marami ang naipit ng konkretong haligi at natabunan ng mga tipak ng konkretong flooring ng gusali.

Kung magkakaroon ng lindol dito, na posibleng mangyari sapagkat sunud-sunod ang mga pagyanig na nararamdaman sa mga lugar ng Bicol, Ilocos Norte, Baguio, Pangasinan, Surigao, Occidental Min­doro, maaaring marami ang makaligtas sapagkat may mga earthquake drills namang ginagawa. May mga paaralan na laging sinasanay ang mga bata sakali’t magkaroon ng lindol.

Pero para sa amin, hindi pa sapat ang mga drills at dapat pang isagawa nang madalas para lubusang mapaghandaan ang lindol na tatama. Mas mabuti na ang laging nakahanda kaysa naman matulad sa Haiti na pinadapa ang kabuhayan at pumatay ng daang libong katao. Dagdagan pa ang earthquake drills.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #67 on: February 06, 2010, 04:34:50 PM »

February 07, 2010



Gasgas na pangako sa corruption at kahirapan 



SA Martes ay opisyal na ang pangangampanya para sa national level. Tiyak na maglalabasan pa ang mga political advertisement para ipakilala ang sarili — lalo ang presidentiables. Lalo pang tatapang ang kanilang pangangako sa mamamayan para makakuha nang malaking boto. Sa dami ng tatakbong presidentiables — siyam lahat, tiyak na maglalahad pa sila ng magagandang pangako.

Isa sa sigurado pang paiigtinging pangako ng presidentiables ay pangako nila sa pagdurog sa kati­walian at paglutas sa kahirapan ng buhay. Sa dala­wang isyu na ito sila magko-concentrate sapag­kat alam nilang sawang-sawa na ang mamamayan sa labis na corruption at sa hindi matapos na kada­hupan ng buhay ng mga Pilipino.

Pansinin ang mga political ad sa TV at karamihan sa kanila, ang paglupig sa mga corrupt at ang pagha­ngo sa kahirapan ang kanilang bukambibig. Nala­laman nga kasi nilang ang pangakong ito ang maaa­ring ma­kaani ng boto na maghahatid sa kanila sa Ma­ lacañang.

Merong nangangako na wawasakin ang corruption. Hindi raw hahayaang makapangyari ang mga magna­ nakaw. At ang matindi hindi raw siya magna­nakaw.

Merong nangangako nang magandang bukas, magkakaroon ng bahay, magkakaroon ng pagkain sa hapag, magkakaroon ng trabaho. Marami pang magandang pangako ang presidentiables, pero ang kanilang ipinagdiriinan ay wawasakin nila ang katiwalian at kapag natupad iyon, kasunod na ang pag-unlad ng bansa. Ibig nilang sabihin, ang katiwa­lian ang talagang ugat kaya naghihirap ang bansa at hindi mabigyan ng serbisyo ang mamamayan.

Maganda ang pangakong paglupig sa mga corrupt at paghango sa kahirapan. Sawang-sawa na ang taumbayan sa pamamayagpag ng mga corrupt sa pamahalaan. Lantaran na ang pagnanakaw. Maski ang mga dayuhang investors ay natatakot maglagak ng kanilang puhunan dito sapagkat laganap ang red tape. Sa halip na dito magtayo ng business ililipat sa ibang bansa na walang matatakaw na linta!

Bawat presidentiables ay may pangako laban sa katiwalian at kahirapan, at sana, hindi lamang ito maging “bulaklak ng dila’’ ng mananalong presidente. Tuparin ang pagwasak sa corruption para umunlad ang bansa at matapos na ang paghihirap. Kapag hindi naisakatuparan ang dalawang pangako, isusumpa na naman siya at wala nang kaayusan ang bansa.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #68 on: February 07, 2010, 04:24:05 PM »

February 08, 2010



Nagsayang lang ng oras ang mga mambabatas 

NOON pa man, marami nang oras ang nasayang ng mga mambabatas. Sa halip na ang talakayin ay ang mga panukalang batas para maipasa, iba ang kanilang ginagawang prayoridad. Hindi ang mga mambabatas ang natalo sa ginagawang ito kundi ang mamamayang makikinabang sana sa panukalang batas. Ngayong panahon ng kampanya­han pa­ra sa nalalapit na election, ang mga mam­baba­tas lamang ang nakikinabang sapagkat pinag-uusapan sila. Libre ang kanilang pangangampanya. Isang paraan ng gimik para makaakit ng botante.

Gaya ng ginawa ng mga senador na itinutok ang atensiyon sa C-5 controversy ni Sen. Manny Villar. Nagkaroon ng pagdedebate, batikusan at pagbaba­ngayan habang inuungkat ang C-5 project at insertions sa budget. Pero sa dakong huli, pagkaraan ng halos dalawang linggong pagtalakay, wala ring nangyari. Natapos ang 14th Congress at naiwan sa hangin ang mga batas na dapat ay iprayoridad.

Kabilang sa mga nakapending na mahahalagang panukalang batas ay ang Investment Enhancement Act, Freedom of Information Act, Cybercrime Prevention Act, New Central Bank Act, Reproductive Health Bill at ang Early Voting Bill. Sa 15th Congress na marahil sila matatalakay.

Binigyang prayoridad ng Senado sa pamumuno ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagta­lakay sa C-5 controversy na ang kasangkot ay si Villar, kandidato ng Nacionalista Party. Kinakastigo si Villar sa budget insertions at pinasosoli ang ma­laking pera na ibinayad ng gobyerno. Hindi naman humarap si Villar. Ang nakipagbalitaktakan ay ang mga kaalyado ni Villar. Umaatikabong batikusan. Habang nagbabakbakan wala naman si Sen. Panfilo Lacson na principal na naghalungkat sa C-5 project. Nasa Australia umano si Lacson. Hinahanap si Lacson kaugnay sa Dacer-Corbito murder.

Walang nalutas sapagkat kulang ang bilang ng mga senador. Walang napala ang mamamayan sa halip, ang mga senador na kandidato ang nakina­bang. Tumaas ang rating ni Villar at nakapantay ni Sen. Noynoy Aquino, sapagkat naging prayoridad ang pulitika. Kung may sapat na ebidensiya laban sa inaakusahang si Villar bakit hindi siya sampahan ng kaso sa korte at huwag Senado ang gawing arena. Ilaan lamang ang chamber para sa mga batas na mahalaga at kailangang ipasa. Ganito sana mangyari sa susunod na Kongreso.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #69 on: February 08, 2010, 04:10:28 PM »

February 09, 2010



Ituloy ang feeding program pero h'wag noodles 

ITINIGIL na ang Food for School Program ng Department of Education (DepEd) para sa mga pre-schooler at Grade 1 pupils. Nasa 400,000 estud­yante ang nasa ilalim ng programa. Dati fortified noodles ang isinisilbi sa mga estudyante pero nagkaroon ng imbestigasyon dahil overpriced umano ang noodles kaya ang resulta, tigil ang programa. Ang mga batang kulang sa nutrisyon ang apektado ng isyung noodles at sana, ma­ipagpatuloy ito pero huwag naman sana noodles.

Tuluyan nang itinigil ang programa dahil sa akusasyon na overpriced ang noodles na ipinaka­kain sa mga bata. Umano’y nagkakahalaga ng P427-million ang pondo. Masyado raw mahal ang noodles at hindi naman daw nagtataglay ng bita­mina at minerals. Sabi naman ng kompanyang na­nalo sa bidding na magsusuplay ng noodles, ma­lunggay fortified ang kanilang isi-served sa mga bata. May bitamina at mineral ang mga noodles. Ang kompanyang nanalo sa bidding para sa feeding program ay ang Jeverps Manufacturing Corp.

Agad na ipinatigil ni DepEd sec. Jesli Lapus ang pamamahagi ng noodles sa mga estudyante. Nagkaroon ng imbestigasyon sa Senado at napag­desisyunang isailalim sa pagrerebyu ng isang independent committee ang tungkol sa feeding program. Mula noon nahinto na ang pagpapakain sa mga bata. Hanggang sa tuluyan nang i-withdraw ng Jeverps ang kanilang serbisyo. Hindi na raw sila makikipag-contest sa DepEd sa pag-scrap sa project.

Okey lang na mabasura ang proyekto lalo’t naka­pagdududa ang presyo. Ang maganda naman sanang gawin kapag naituloy na ang programa ay iwasang noodles na naman ang ipakain. Walang makukuha sa noodles. Sa halip na noodles, gatas at masustansiyang loaf bread na may palaman ang ipakain. Ang mga bata ay sukang-suka na sa noodles sapagkat karamihan sa kanila ay ito ang kinakain. Nauumay na sila sa noodles na wala namang gaanong sustansiya na naibibigay sa ka­tawan at utak. Hindi garantiya ang fortified noodles na lulusog at tatalino ang mga bata.

PINOYTAMBAY.COM

« on: »