Please
login
or
register
.
1 Hour
1 Day
1 Week
1 Month
Forever
Login with username, password and session length
Login
News:
Join our Group @
Facebook.com
Home
Forum
Help
Arcade
Search
Calendar
Login
Register
PINOYTAMBAY.COM
»
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx
»
General Discussion
»
Current Events
»
Editoryal Ngayon
« previous
next »
Print
Pages:
1
...
4
5
[
6
]
7
8
...
20
Go Down
Author
Topic: Editoryal Ngayon (Read 5614 times)
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon (Tulungan si Jason Aguilar )
«
Reply #50 on:
January 20, 2010, 06:35:16 PM »
January 21, 2010
Tulungan si Jason Aguilar
KAWAWA ang sinapit ni Jason Aguilar kaya nararapat saklolohan. Naging biktima siya ng pagkakataon. Sa isang iglap nawalan siya ng trabaho sa Doha, Qatar dahil napagkamalan siyang mamamatay-tao sa Pilipinas. Kapangalan niya si Jason Aguilar Ivler, suspect sa pagpatay sa anak ng Malacanang official noong Nob. 18, 2009.
Hindi malilimutan ni Jason ang sinapit sa piitan ng Qatar. Isang linggong nakulong si Jason sa Qatar. Wala siyang maipampalit na damit habang nasa kulungan kaya nagtiis siya sa suot. Mabuti na lamang at may matulunging Sri Lankan na kasama niya sa kulungan at pinagamit siya nito ng naipuslit na cell phone. Nakatawag si Jason sa kanyang mga mga magulang sa Bulacan. At ang mga ito ang nagreport sa ahensiyang nagpaalis kay Jason. Saka pa lamang nalaman ang tungkol sa kaso. At pumutok na sa media ang nangyaring pagkakamali.
Pero bukod sa masaklap na karanasang sinapit sa Qatar jail, marami pang kahindik-hindik na kuwen to si Jason kaugnay sa kanyang pagtatrabaho sa Qatar bilang isang welder. Masyadong kinawawa si Jason ng ahensiyang nagpaalis sa kanya. Palibhasa’y gustong makaalis na para kumita ng pera at nang makatulong sa mga magulang, nagbayad siya ng P9,500 sa ahensiya para sa processing fees. Hindi niya alam kung ano ang ipa-processed ng halagang iyon. Siya ang nagbayad sa kanyang passport at medical.
Bukod sa P9,500 processing fee, pinapirma pa raw si Jason sa promissory note kung saan apat na beses kakaltasin sa suweldo ang $500 placement fee.
Malaking violations ang ginawa ng ahensiya sapagkat ang suweldo umano ni Jason ay wala pang P15,000. Sabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang OFW ay hindi dapat i-charge ng placement fee nang higit sa prescribed monthly salary nito. Bawal daw ang ganoon. Puwedeng kasuhan ang ahensiyang nagpaalis kay Jason. Ang ahensiya umanong nagpaalis kay Jason ay Gems 22. Sabi ng POEA, iimbestigahan nila ang kasong ito.
Nakabalik na ng bansa si Jason at ngayon ay walang trabaho. Sinira siya ng kapangalan. Masyadong naging marahas ang Qatar government at hindi muna bineripika kung ang kanilang inaresto ay talaga bang suspect.
Kawawa si Jason Aguilar, na hindi naman wan-ted pero mas nauna pang makulong kaysa sa “kriminal” na kapangalan. Dapat tulungan si Jason.
Kastiguhin naman ang ahensya na nagpaalis sa kanya.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #51 on:
January 21, 2010, 02:33:51 PM »
January 22, 2010
'Natulog sa pansitan'
TAMA ang ginawa ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Jesus Verzosa na pagtatanggal sa puwesto ng 37 Quezon City policemen kaugnay sa kaso ni Jason Aguilar Ivler. Nagpabaya sa puwesto ang 37 pulis at ang pag-aalis sa mga ito sa kanilang puwesto ang agad ipinataw ni Verzoza. Wasto lamang ang hakbang na ito. Kung hindi ganito ang gagawin sa mga alagad ng batas na naatasang magmanman sa bahay ng pinaghihinalaang killer, ano pa ang aasahan sa kanila ng karaniwang mamamayan. Kung nagawa nilang magwalambahala sa malaki at kontrobersiyal na kaso ni Ivler, ano pa sa ibang maliliit na kaso na ang biktima ay karaniwang mamamayan. Ang agarang aksiyon mula sa PNP chief ay ikinalulugod at maghihintay pa ang taumbayan sa kanyang mga kilos.
“Natulog sa pansitan” ang 37 pulis QC kaya naman, wala isa man sa kanila ang nakatunog sa biglaang pagsalakay ng National Bureau of Investigation sa bahay ni Marlene Aguilar-Pollard sa Blue Ridge Quezon City noong Lunes ng umaga. Si Mar lene ay ina ni Jason, suspek sa pagpatay sa anak ng Malacañang official dahil sa away-trapiko noong Nobyembre 18, 2009 sa Santolan Rd. Quezon City.
Sa raid sa bahay ni Marlene, dalawang NBI agents ang nasugatan nang lumaban si Jason. Nahuli si Jason at ngayon ay sasampahan nang katakut-takot na kaso. Pati ang ina ay kinasuhan ng obstruction of justice at pansamantalang nakalaya makaraang magpiyansa.
Kung ginawa lamang ng 37 pulis-QC ang kanilang trabaho, baka noon pang nakaraang taon natiklo si Ivler. Pero dahil “natulog sa pansitan” wala silang nagawa. Nagwalambahala. Nagpabaya. Tungkulin nilang bantayan ng 24-oras ang bahay na pinagsususpetsahang pinagtataguan ni Jason pero hindi nila ginawa. Walang silbi ang intellience unit ng QC na hindi naamoy na na nagtatago sa bahay si Jason at may hawak na matataas na kalibre ng armas. Marami ring bala.
Tanong: Hindi kaya kasabwat ang 37 kaya maraming baril at bala si Jason?
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #51 on:
January 21, 2010, 02:33:51 PM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #52 on:
January 22, 2010, 03:59:46 PM »
January 23, 2010
RP: Ika-109th sa kahinaan ng ekonomiya at corruption
NANANATILING kilos pagong ang ekonomiya ng Pilipinas at katiting lamang ang iniuunlad, batay sa 2010 Index of Economic Freedom ng ginawa ng Washington-based think-tank Heritage Foundation. Bukod sa mahinang ekonomiya, nakita rin ang kahinaan sa investment property rights at ang kawalan ng sigasig ng gobyerno na madurog ang mga corrupt sa pamahalaan. Dito sa Asia, nasa ika-20 ang Pilipinas sa may 40 bansa kung ang titingnan ay ang pag-unlad ng ekonomiya. Nakikitang katiting lamang ang iniuusad ng ekonomiya ng Pilipinas at nauunahan pa ng mga katabing bansa. Dati, ang Pilipinas ang tinuturing na masiglang ekonomiya sa Southeast Asia pero ngayon ay isang panaginip na lamang ang lahat nang iyon. Tila ba, nasa isang kumunoy ang ekonomiya na habang walang tigil sa pagkakawag-kawag ay lalo namang lumulubog.
Isa sa nirereklamo ng foreign investors sa Pilipinas ay ang masyadong maraming requirements bago sila makapagtayo ng negosyo. Maraming dapat ayusing papeles na papipirmahan kung kani-kanino. Masyadong istrikto ang mga sangay ng ahensiya na mag-aapruba. Inaabot nang maraming araw bago maaprubahan ang kanilang papeles o lisensiya at kung anu-ano pang hinihinging dokumento. Walang sistema kung paano mapapabilis ang transaksiyon. Lumilipas ang mga araw na nakatinggal lamang ang mga papeles o dokumento. Ang ganito ay isang malaking sagabal sa pag-unlad ng ekonomiya. Sinong investors ang magtitiyaga sa ganitong sistema? At kaysa ipagpatuloy ang transaksiyon sa kanilang nais na negosyo rito sa Pilipinas, nagba-back-out na lang at ililipat sa ibang bansa — gaya sa Thailand, Vietnam, Myanmar at iba pang bansang kalapit.
Ang mas matindi pang iniaangal ng mga dayuhang investors ay ang nangyayaring corruption sa mga ahensiya ng gobyerno. Hindi gagalaw ang nilalakad na papeles hangga’t walang “padulas”. Nakasanayan nang “maglalagay” para maging mabilis ang pag-apruba ng anumang nilalakad.
Asahan nang hindi makaaahon ang Pilipinas sa kinalalagyang kumunoy kapag hindi nawasak ang corruption. Durugin ang corruption para ang ekonomiya ay unti-unting bumangon.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #52 on:
January 22, 2010, 03:59:46 PM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #53 on:
January 23, 2010, 05:26:12 PM »
January 24, 2010
Isyu sa pagbibiyahe ng mga taong gobyerno
HINDI lamang mga mambabatas ang naaakusahan nang madalas na pagbibiyahe sa labas ng bansa kundi pati mga pinuno ng tanggapan ng gobyerno. Kagaya nang ibinulgar ni Agusan del Sur Rep. Rodolfo Plaza kamakailan na madalas na pagbibiyahe ni Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Ma. Elena Bautista. Ayon kay Plaza, 77 beses nagbiyahe sa ibang bansa si Bautista. Ayon pa kay Plaza, 18 buwan pa lamang sa puwesto si Bautista pero nakapagbiyahe na nang madalas. Kumpleto raw siya sa dokumento sa pagbiyahe ni Bautista. Kaya umano niya itong patunayan. Ang mga bansa raw na pinuntahan ni Bautista ay Belgium, Switzerland, Dubai at Europe.
Pinabulaanan naman ni Bautista ang akusasyon ni Plaza. Dapat daw munang mag-imbestigang mabuti si Plaza. I-check daw ni Plaza ang facts bago mag-akusa. Huwag daw siyang gamitin ni Plaza sa pamumulitika. Nagtungo nga raw siya sa London, pero iyon ay may kaugnayan sa kanyang trabaho sa MARINA. Kaya raw siya nagtungo sa London ay sapagkat naroon ang International Maritime Organization. Labing-apat lang daw siyang nagbiyahe sa loob ng apat na taon na siya ay nasa puwesto. Ang pagtungo raw niya sa London ay may ibinu ngang maganda sa maritime industry ng bansa.
Totoo man o hindi ang mga ibinulgar ni Plaza, maganda pa ring paalala ang isyung kanyang tinalakay. Hindi dapat aksayahin ng government offi- cials ang pondo ng bansa para sa kanyang pagbibiyahe. Hindi naman naniniwala ang taumbayan na magtutungo ang opisyal sa ibang bansa na siya ang gagastos. Malaking kalokohan ‘yan. Tiyak na pondo ng bansa ang nalalaspag diyan. Noong nakaraang taon, maraming naging kontrobersiyang opisyal dahil sa maluhong biyahe. Kabilang diyan ang mga opisyal ng PCGG na sobrang laki ng gastos. Maski si President Arroyo ay naging usap-usapan dahil sa magarbong biyahe sa US kung saan ay kumakain pa sa mamahaling restoran sa Washington D.C.
Maraming nagdarahop, maraming walang makain, maraming maysakit at kung anu-ano pang problema ng mamamayan. Sila ang dapat iprayoridad at hindi ang madalas at magarbong biyahe na wala namang napapakinabang ang taumbayan.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #53 on:
January 23, 2010, 05:26:12 PM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #54 on:
January 24, 2010, 01:42:45 PM »
January 25, 2010
Nadagdagan pa ang mga jobless
ISA sa mga naging kabiguan ni President Arroyo ay ang pagki-create nang maraming trabaho. Na-sabi niya sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong 2001 na lilikha siya nang maraming trabaho. Hindi nagkatotoo. Sa June 30, 2010 ay bababa na siya sa puwesto na marami pa ring Pinoy ang walang trabaho.
Ayon sa report ng National Statistics Office (NSO) nasa 2.8 milyong Pinoy (7.5 percent) ang walang trabaho sa kasalukuyan at maaari pa raw tumaas. Noong 2008, nasa 7.4 ang walang trabaho, mas kaunti kumpara noong nagdaang taon. Sabi ng NSO ang pagkakaroon ng sunud-sunod na kalamidad ang dahilan kaya maraming walang trabaho. Noong September 26, 2009 ay nanalasa ang mga bagyong “Ondoy” at “Pepeng” ay maraming napinsalang ari-arian. Maraming bahay ang nawasak. Pati mga pagawaan at pabrika ay apektado ng grabeng pagbaha. Matagal pa umano bago pa lubusang makabawi ang mga napinsala.
Kung magpapatuloy ang paglobo ng mga walang trabaho, nakatatakot ang paglobo rin ng krimen. Marami ang mahihikayat na gumawa ng masama para magkaroon ng pera. Masamang epekto ng kawalan ng trabaho. Kahit na maraming umaalis para magtrabaho sa Middle East at iba pang bansa, marami pa rin ang walang trabaho at tila walang magawang paraan ang kasalukuyang administrasyon para mag-create ng sapat na trabaho. Mas marami ang mga kabataang nagga-graduate taun-taon pero wala namang mapasukang trabaho. Meron ngang natapos na kurso pero wala namang mapasukan.
Bigo ang Arroyo administration sa paggawa ng sapat na trabaho. Bigo rin naman na mapaganda ang ekonomiya dahil laganap ang corruption. Reklamo nga ng mga foreign investors, laganap ang red tape sa mga ahensiya ng pamahalaan kaya nahihi- rapan silang magtayo ng negosyo rito. Kailangan pang may padulas na pera para umusad ang nilalakad na papeles. Hindi raw business friendly ang Pilipinas.
Malaking responsibilidad ang nakaatang sa su sunod na Presidente ng Pilipinas. Una niyang dapat gawin ay wasakin ang corruption para dumagsa ang investors. Kapag maraming investors, dadami ang trabaho at wala na ring magugutom.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #55 on:
January 25, 2010, 02:04:00 PM »
January 26, 2010
Sampolan ang flying voters
HINDI sapat na ibulgar ng Commission on Elections (Comelec) na mayroong 43,000 flying voters na silang nahuli, mas nararapat na kasuhan na ang mga ito at nang maparusahan para magkaroon ng takot ang iba pang nagbabalak magpagamit sa mga pulitiko. Sa batas, ang sinumang mahuli na nagdodoble nang pagpaparehistro ay may kaparusahang pagkabilanggo ng anim na taon at hindi na kailanman makapagtatrabaho sa public office. Kung pagsisikapan ng Comelec na maipakulong ang mga nahuli nilang nagdoble ng pagrerehistro, maaaring magbigay ito ng takot sa iba pa hanggang sa mawala na ang flying voters.
Ayon sa Comelec, pinakamarami ang flying voters sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Madali umanong na-detect ang mga nagdodoble ng registration kahit na ang mga ito ay nagpabago ng hairstyles, nagpalit ng damit at pinatanda ang itsura. Nahuli umano ang flying voters dahil sa data capturing machine o biometrics. Hindi madadaya ang machine sapagkat naka-record doon ang thumbmarks, pirma at photo.
Ang pagkakahuli sa flying voters ay nagpapakita lamang na seryoso ang Comelec na maging malinis ang kauna-unahang automated elections. Unti-unti na nilang winawasak ang kultura ng mga mandaraya na tuwing election ay namamayagpag. Tapos na ang masamang gawain na kahit ang mga patay ay bumabangon para lamang makaboto. Tapos na ang pamamayagpag ng mga pulitikong gumagastos nang malaki para lamang makapangalap ng flying voters.
Ipinakita na ng Comelec ang kanilang kakayahan sa pag-detect ng mga flying voters at malaki pa ang inaasahan sa kanila ng taumbayan para maging malinis at matagumpay ang 2010 elections. Nasimulan na ang pagwasak sa mga mandaraya, ituluy-tuloy na ito. Mas magiging kapani-paniwala sila kung kakasuhan ang mga nahuling flying voters. Ikulong sila para marami ang masindak.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #56 on:
January 26, 2010, 06:44:01 AM »
January 27, 2010
Wala nang kinasisindakan ang mga kawatan
BAWAL ang baril dahil mayroong gun ban. Nakaalarma ang Philippine National Police (PNP) at sa gabi ay naglalagay ng checkpoint. Isa-isang sinisiyasat ang mga pasahero ng sasakyan particular ang mga nakamotorsiklo. Tsinitsek kung may papeles ang mga motorsiklo. Gabi-gabi halos ay nagsasagawa ng pag-check-up ang mga pulis sa motorista. Ayon sa report, nasa mahigit nang 400 ang nahulihan ng baril mula nang simulan ang gunban kaugnay sa nalalapit na election.
Pero kahit na may gunban at maraming check-point, hindi pa rin nasisindak ang mga kawatan o kriminal. Patuloy silang umaatake at nakalulusot pa rin. Wala nang kinatatakutan sapagkat sa kaliwana-gan ng araw sila bumabanat. Lantaran ang pagsala-kay at handang pumatay maisakatuparan lamang ang kanilang hangaring makapagnakaw at pumatay.
Isa sa halimbawa na wala nang kinatatakutan o kinasisindakan ang mga kawatan ay nang pagba barilin ang anak ni dating Agrarian Reform Sec. Philip Juico sa tapat mismo ng bahay nito. Mabuti na lamang at hindi tinamaan si Leny Marie Juico, 26, nang barilin ng nag-iisang gunman na nakasakay sa motorsiklo.
Ayon kay Leny Marie, galing siya sa pagwi-withdraw ng pera sa ATM sa West Avenue dakong alas nuwebe ng umaga noong Lunes. Pagkatapos mag-withdraw ay umuwi na siya ng bahay sakay ng kanyang kotse. Napansin na niya habang pauwi na may nakabuntot sa kanyang lalaking nakamotorsiklo. Pagdating umano niya sa kanilang bahay sa Bgy. Paraiso, Del Monte QC at ipapark na niya ang kotse ay biglang bumaba sa motorsiklo ang lalaki at lumapit sa kanya. Kinatok ang salamin at pagkuwa’y binaril ito. Hindi naman tinamaan si Leny. Nabasag ang salamin at sapilitang inagaw ang bag na may lamang P40,000. Mabilis na tumakas ang lalaki sakay ng motorsiklo. Hindi nakuha ang plaka ng motorsiklo.
Wala nang kinasisindakan ang mga kawatan at kahit sa araw ay sumasalakay. Abala ang PNP sa gabi sa pagrekisa sa mga dumadaan sa checkpoints. Dapat pa nilang paigtingin ang paglambat sa mga kawatan at kriminal, hindi lamang sa gabi kundi pati sa araw. Police visibility pa rin ang nararapat para ang mga kawatan at iba pang masasama ay malambat.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon(Hindi dapat haluan ng kabastusan)
«
Reply #57 on:
January 27, 2010, 08:58:43 PM »
January 28, 2010
Hindi dapat haluan ng kabastusan
AKALA namin lahat nang sabihin ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel ay may katuturan at kabuluhan. Hindi pala. May lumalabas din pala sa kanyang bibig na “salitang basura”. Akalain ba namang magsalita siya sa mismong kainitan ng debate sa Senado na taliwas sa dapat asahan. Sabi pa niya kay Sen. Mar Roxas, “After your marriage, you will have your insertions.” Sumabog ang tawanan. Nagalit naman si Roxas. Hiniling ni Roxas na huwag isama sa record ang mga “basurang” sinabi ni Pimentel.
Nagpapatawa yata si Pimentel pero ibang klase naman ang style niya na kailangang gumamit pa ng ibang tao para lamang bilhin ang kanyang pagpapatawa. Sa isang katulad niyang iginagalang na senador hindi dapat siya magsalita nang ganoon na may malaswang kahulugan. Ang mga ganoong pananalita ay maririnig lamang sa mga taong kulang ang pinag-aralan at hindi na nag-iisip kung mayroon bang masasaktan o mapapahiya sa kanyang ginawa.
Kung may menor-de-edad na nakapanood ng debate sa chamber at narinig ang mga sinabi ni Pimentel siguro’y magtataka kung bakit ang insertions na kanyang sinabi ay biglang nabaling sa marriage ni Roxas. Maghahanap ng kasagutan ang menor-de-edad kung bakit ganun ang nasabi ng iginagalang na senador.
Nagkaroon ng debate sa chamber noong Lunes habang iniimbestigahan ang C-5 controversy ni Sen. Manuel Villar, kandidatong presidente sa 2010 elections. Ang isyung iyon ang dahilan kung bakit nagkakawatak-watak ngayon ang Senado. Hindi naman nagpapakita si Villar kahit na hiniling ni Senate President Juan Ponce Enrile na humarap ito. Sina Senators Allan Peter Cayetano at Pimentel ang nakipag balitaktakan sa isyu. Ang dalawa ay kaalyado ni Villar. Unang nakabalitaktakan ni Pimentel si Sen. Jamby Madrigal na tinawag nitong “abused child”. Gumanti naman si Jamby at sinabing “Corruption! Corruption!” habang nakaturo ang hintuturo kay Pimentel. Si Jamby ang complainant sa C-5 project. Hanggang sa madako ang usapan sa insertions. Sinabi ni Jamby na wala siyang budgetary insertions kagaya ni Villar. Nagsalita naman si Roxas at sinabi rin na wala siyang insertions sa national budget.
Doon na hinaluan ni Pimentel ng kabastusan ang seryosong usapan. Tsk-tsk-tsk, hindi sana ganoon ang naging pananalita ni Pimentel. Nakadidismaya dahil marami pa namang umiidolo sa kanya.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #58 on:
January 28, 2010, 02:49:27 PM »
January 29, 2010
NATUTULOG ba ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agriculture (DA) at hindi nila namomonitor ang galaw ng presyo ng asukal? Nagiging abala na ba ang mga pinuno ng dalawang ahensiya dahil sa papalapit na election kaya hindi na nasusubaybayan ang presyo ng asukal na umabot umano sa P110.00 bawat kilo. Yes! Ang presyo ng asukal na ibinibenta sa Basco, Batanes ay umabot ng P110.00. Mahirap paniwalaan pero ‘yan ang totoo.
Sabi ng mga may-ari ng tindahan sa Basco, ang asukal na kanilang itinitinda ay nagmula pa sa Tuguegarao, Cagayan at dinadala pa roon ng eroplano. At dahil mahal umano ang freight sa eroplano (P50 freight) ay kailangan niyang mahalan din ang presyo ng kanyang tinda. Iyon daw ang dahilan kaya P110.00 ang bawat kilo ng asukal. Isang linggo nang walang mabiling asukal sa mga tindahan sa Batanes. Ang National Food Authority (NFA) sa lugar na iyon ay nawalan ng stocks at sabi ng employee ay hindi raw nila alam kung kailan darating ang supplies mula sa Maynila.
Sabi ng DA at DTI ang suggested retail price (SRP) ng asukal ay P52.00 bawat kilo. Kapag sumobra raw sa halagang takda ang pagbebenta ng mga tindahan ay ireport daw sa kinauukulan at agad na aaksiyunan. Hindi raw patatawarin ang mga tindahang nag-ooverpriced ng asukal. Magiging matigas daw ang DA at DTI sa paglatigo sa profiteers ng asukal. Hindi raw nila patatawarin ang mga mapagsamantala.
Hindi dapat na magbanta lamang ang DA at DTI sa profiteers ng asukal kundi dapat silang gumamit ng “kamay na bakal” laban sa mga mapagsamantala. Kapag napatunayan na kasangkot sa profiteering, ay dapat na kasuhan at agad na itapon sa kulungan.
Walang kasingsama ang ginagawa ng mga negosyante na itinatago ang kanilang asukal at saka ibibenta sa mahal na presyo. Doble-doble na ang kanilang kinikita ay masyado pang minamahalan. Nasaan ang kanilang konsensiya.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #59 on:
January 29, 2010, 02:49:12 PM »
January 30, 2010
Kawawa naman ang Philippine Air Force
MULA 2008, tatlong sunud-sunod na malalagim na aksidente ang kinasangkutan ng mga eroplano ng Philippine Air Force na kumitil na nang maraming buhay. Noong Agosto 2008, isang C-130 plane ang bumagsak sa Davao Gulf at 13 pasahero kabilang ang piloto at co-pilot ang namatay. Noong Abril 2009, isang presidential helicopter ang bu magsak sa Mountain Province na ikinamatay lahat ng walong pasahero kabilang si Press undersecretary Jose Capadocia. Noong Huwebes, isang Nomad plane ang bumagsak sa isang residential subdivision sa Cotabato at namatay ang walong sundalo ng Air Force kabilang ang isang heneral. Namatay din ang isang sibilyan na nasa bahay na binagsakan ng Nomad.
Sa mga nakaraang taon ay marami pang trahedya ang kinasangkutan ng mga eroplano at helicopter ng PAF. Isang Huey helicopter na kinalululanan ng isang Phivolcs official ang bumagsak ilang taon na ang nakararaan. Isa pang Huey ang nagkaroon ng aberya at nag-emergency landing sa isang bukirin. Sakay ng helicopter ang isang TV reporter at iba pa. Wala namang namatay sa insidente.
Ang Nomad plane na bumagsak sa Cotabato ay binili sa Australia noong 1975. Umano’y may tatlong Nomads ang PAF. Mula 1975 ay masyado nang naging abala ang mga eroplanong ito. Walang tigil sa kalilipad. Ngayon ay hukluban na ang Nomad sa edad na 35. Hindi na dapat paliparin. Pero dahil wala namang ibang eroplano ang PAF, pinag-aari pa ang Nomad. Isang kaso pa lamang umano ng Nomad ang naitala bago ang pagbagsak noong Huwebes. Nangyari umano noong 2005 kung saan ay sumadsad ang Nomad sa isang beach sa Zamboanga City. Pilot error umano ang dahilan sapagkat maraming karga ang eroplano. Dahil sa nangyari hindi na pinalipad ang Nomad.
Nangangailangan na ng mga modernong eroplano ang PAF. Kawawa naman ang PAF na ang mga eroplano ay kakarag-karag at maituturing na “lumilipad na mga kabaong”. Dapat mag-allocate ang Kongreso ng budget sa military para makabili ng mga bagong eroplano.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
«
on:
»
Print
Pages:
1
...
4
5
[
6
]
7
8
...
20
Go Up
« previous
next »
PINOYTAMBAY.COM
»
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx
»
General Discussion
»
Current Events
»
Editoryal Ngayon