Please
login
or
register
.
1 Hour
1 Day
1 Week
1 Month
Forever
Login with username, password and session length
Login
News:
Watch, Upload and Share your Favorite Pinoy Videos
@
Pinoytambay.tv
Home
Forum
Help
Arcade
Search
Calendar
Login
Register
PINOYTAMBAY.COM
»
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx
»
General Discussion
»
Current Events
»
Editoryal Ngayon
« previous
next »
Print
Pages:
1
...
3
4
[
5
]
6
7
...
20
Go Down
Author
Topic: Editoryal Ngayon (Read 5618 times)
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #40 on:
January 10, 2010, 01:43:55 PM »
January 11, 2010
Aksiyon ng Marina sa mga 'naglalayag na kabaong'
KUNG meron mang dapat manguna sa paghihigpit sa mga pampasaherong barko para maiwasan ang mga trahedya iyan ay walang iba kundi ang Maritime Industry Authority (Marina) na pinamumunuan ni Maria Elena Bautista. Sila ang dapat mag-inspeksiyon kung ang mga barkong bumibiyahe ay may kapabilidad na maglayag.
Nagkaroon ng pagdinig ang Senate Blue Ribbon Committee sa paglubog ng MV Baleno 9 na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon. Ginawa ang pagdinig noong nakaraang Huwebes. Ang Baleno ay lumubog noong December 26, 2009 sa may Verde Island, Batangas. Tatlumpong minuto pa lamang ang nalalakbay ng Baleno nang magsimula itong tumagilid at lumubog. Mabilis ang pangyayari. Anim ang namatay at may 54 ang nawawala sa paglubog. Galing ng Calapan City port ang barko patungong Batangas. Ang paglubog ay naganap, dalawang araw makaraan ang paglubog ng MV Catalyn sa may bunganga ng Manila Bay kung saan apat ang namatay.
Sa hearing ng Baleno, sinabi ng isang survivor na nakita niyang nakikipag-inuman ang kapitan ng barko sa dalawang babae habang naglalayag ang barko. Nakita rin daw niya na lasing ang dalawang crew ng Baleno. Tila raw ba nagsasaya ang kapitan habang kasama ang dalawang babae. Tila isang Christmas party raw ang nangyayari sa may cabin ng kapitan. Hanggang sa mangyari ang paglubog. Wala man lang daw silang narinig sa kapitan ukol sa nangyayari at walang nagsabi kung nasaan ang mga lifejacket at salbabida.
Kung totoo ang mga sinabi ng survivor, malaki ang kasalanan ng kapitan ng Baleno kaya nangyari ang paglubog. Siya ang dapat sisihin.
Ang Marina ang dapat manguna sa pag-inspeksiyon sa mga barko at dapat sumiguro kung walang nilalabag ang mga may-ari, kapitan at crew ng mga ito. Alamin din nila kung may kakayahan ang kapitan at crew. Walang ibang makapipigil sa mga “naglalayag na kabaong” kundi ang Marina mismo.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #41 on:
January 11, 2010, 02:35:00 PM »
January 12, 2010
Saklolohan, distressed workers sa Middle East
MARAMING Pinoy na manggagawa sa Middleast. Pinakamalaki ang nasa Saudi Arabia at sinundan ng United Arab Emirates, Qatar at Kuwait. Araw-araw, libu-libong Pinoy workers ang umaalis patungo sa Middle East. Kabilang sa mga umaalis ang mga nurses, engineers, dentists, office workers at pati mga domestic helpers. Ayon sa report, pinakamalaki ang naipadadalang pera ng mga Pinoy workers sa Middle East kumpara sa ibang bansa na may mga trabahador na Pinoy. Ang mga Pinoy worker ay nagsimulang magtungo sa Saudi Arabia noon pang 1972 kung saan ang Labor Secretary ay si dating Sen. Blas Ople. Mula noon ang mga Pinoy ay patuloy na nakipagsapalaran hindi lamang sa Saudi Arabia kundi sa ibang bansa sa Middle East.
Matagal nang binubuhay ng mga OFW ang Pilipinas dahil sa nireremit na dollar. Sa panahon ni President Arroyo, lumobo ang mga Pinoy na nagtungo sa Middle East para magtrabaho. Ang dahilan: walang maibigay na maaayos na trabaho ang Arroyo administration. Anim na buwan na lamang si Mrs. Arroyo sa Malacañang subalit ang ipinangako niyang sandamukal daw na trabaho (isinaad pa sa kanyang unang SONA) ay isang “panaginip” lamang. Hindi natupad ang pinangakong maraming trabaho.
Ang pagdami ng OFWs sa Middle East ay dahil nga sa kawalan ng kakayahan ng gobyerno na makapagbigay ng trabaho. Tanggap na ang ganitong kalakaran. Walang magagawa kundi magtiis sa Middle East at tamasahin ang hirap sa pagtatrabaho at pakikitungo sa mga amo. Kasabay nang pagdami ng mga OFW sa Middle East ay ang pagdami rin ng kaso ng mga inaapi at inaabuso ng kanilang amo. Karaniwang inaabuso ay mga domestic helper. Ginagahasa, hindi pinasusuweldo, hindi pinakakain at kung anu-ano pang pagpapahirap.
At sa mga dinaranas na ito ng OFWs, wala namang agarang natatanggap na tulong mula sa gobyerno. Nasaan ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA)? Sa report, maraming tumatakas na DH sa kanilang amo sa Saudi Arabia pero hind matulungan ng POLO at OWWA. Sa Eastern Region ng Saudi Arabia ay pinakarami ang distressed OFWs pero walang tumutulong mula sa gobyerno. Ang mga hinaing ng OFWs doon ay walang makarinig. Kailan kayo kikilos diyan, mga taga-POLO at OWWA?
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #41 on:
January 11, 2010, 02:35:00 PM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #42 on:
January 12, 2010, 03:51:57 PM »
January 13, 2010
Sunud-sunod na increase ng oil companies
HINDI lamang ang mga motorista ang nababa-hala sa sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng petroleum products kundi pati na ang mamamayan mismo. Paano’y ang patuloy na pagtataas ng presyo ang ugat para magsimulang tumaas din ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, isda, karne, asukal, sardinas at iba pa. Kasunod din ng pagtataas ng petrolyo ay ang pamasahe. At walang ibang apektado ng pagtataas ng mga pangunahing bilihin kundi ang mga mahihirap o ang mga kakarampot ang suweldo. Saan aabot ang kanilang suweldo kung magdadagdag ng presyo sa bigas na umano’y aabot sa P39 ang kilo. At bukod pa riyan, magtataas din ng singil sa kuryente at iba pang bayarin.
Kapuna-puna na ang sunud-sunod na oil increase. Ngayong 2010, nakadalawang increase na ang oil companies. Una ay noong Enero 5, na nagtaas ng P1 sa bawat litro ng gasolina at sa diesel ay P1.25. Ang ikalawang oil increase ay kahapon ng madaling araw kung saan itinaas ng P1 ang gasoline at P1.50 sa diesel. Bago natapos ang 2009, nagtaas ng P1 sa presyo ng gasolina at 50 sentimos sa diesel. Yung ni-rollback nila noong Disyembre 14 at 21, 2009 na P1.75 ay agad din nilang nabawi sa madalas na oil increase.
Wala namang ibang katwiran ang oil companies kundi nagtataas sa pandaigdigang pamilihan ang mga oil-exporting countries. Sa huling pagtaas sinabing ang grabeng taglamig na nararanasan sa maraming bansa ang dahilan.
Si Energy Sec. Angelo Reyes ay wala namang masabing konkreto kung bakit sunud-sunod ang pagtataas ng petroleum products. Kagaya ng iba pang pagtataas sa nakaraan, walang masabi si Reyes kung bakit tila sunud-sunod ang pagtataas ng presyo gayung siya ang dapat ang unang makaalam nito. Siya ang dapat kumastigo sa oil companies pero hindi nangyayari, sa halip siya pa ang tila nagiging tagapagsalita ng “Big 3”.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #42 on:
January 12, 2010, 03:51:57 PM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #43 on:
January 14, 2010, 02:35:58 AM »
January 14, 2010
Tumaas ang bilang ng mga nagugutom
DUMAMI ang mga nagugutom, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Disyembre 5-10, 2009. Tinatayang 4.4 pamilya (24 percent) ang nakaranas magutom sa nakalipas na tatlong buwan (Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2009). Ito ang pinakamataas na naitalang nakaranas magutom mula 2001 na naupo sa puwesto si President Arroyo. Nalampasan nito ang 23.7 percent na naitalang nagutom noong 2008. Ayon sa survey, dapat kumita ang ama ng pamilya ng P12,000 bawat buwan para hindi maranasan ang pagkagutom.
Marami nga ang makararanas ng gutom sapagkat kailangan pala ay P12,000 ang nararapat na suweldo. Magkano lang ba ang suweldo ng mga pangkaraniwang empleado ngayon? Baka meron pang mababa sa P10,000 at kakaltasan pa iyon ng tax. Baka ang take home pay lang ay P5,000. Saan aabot ang P5,000. Sa sobrang mahal ng bilihin ngayon kagaya ng bigas, asukal, isda, karne, sardines at iba pa, wala nang matitira pa sa suweldo ng mga kawawang mamamayan. Gaya ngayon na naghahain ng petisyon ang transport groups para magtaas ng pamasahe. Wala na raw silang kinikita dahil sunud-sunod ang pagtataas ng presyo ng petroleum products.
Limang buwan na lamang sa puwesto si President Arroyo at wala man lang yatang maiiwan sa isipan ng mamamayan na kapakinabangang nakamit mula sa administrasyon. Maski ang bigas na dapat sana ay mura sapagkat isang agricultural na bansa ang Pilipinas ay magtataas pa ng presyo. Saan naman nakakita na ang Pilipinas na dating sagana sa bigas ay eto at sandamukal ang inaang-kat sa Thailand at Vietnam. Yung mga magsasaka sa Thailand ay dito sa Pilipinas nag-aral ng makabagong teknolohiya sa pagpaparami ng ani pero ngayon, sila na ang nag-eeksport ng bigas sa bansa. Taun-taon ay libong tonelada ng bigas ang inaangkat ng Pilipinas sa Thailand at Vietnam.
Dapat bang magutom ang milyong Pinoy gayung mayaman sa lupain ang Pilipinas? Sagana sa tubig at iba pang pangangailangan. Ang kulang lamang ay ang mahusay na pamumuno at pagpaplano para sa ikauunlad ng bansa.
Sa susunod na Presidente ng Pilipinas, pagtuunan ang pagpaparami ng ani. Mag-invest sa irrigation system, tangkilikin ang mga magsasaka, bigyan nang mababang presyo ng abono at mga binhi at palawakin pa ang pagdiskubre sa mga bagong pananim na madaling mamunga.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #43 on:
January 14, 2010, 02:35:58 AM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #44 on:
January 14, 2010, 01:39:52 PM »
January 15, 2010
Magtipid sa tubig
NASA kritikal na level umano ang dami ng tubig sa Angat Dam kaya babawasan na ang suplay sa Metro Manila at maging sa irigasyon na ginagamit ng mga magsasaka sa Central Luzon. Kung hindi raw magbabawas ng suplay ay baka hindi umabot ang tubig at maubos bago pa muling sumapit ang panahon ng tag-ulan. Isa sa dahilan nang pagbaba ng tubig sa Angat Dam ay ang El Niño phenome-non kung saan ay walang nagaganap na pag-ulan sa mga nakaraang buwan. Sa kasalukuyan ay nararamdaman na ang bagsik ng tag-init. Sabi ng PAGASA, aabutin ng hanggang Hunyo ang tag-init. Mahaba raw ang tag-init ngayon kaysa sa mga nakaraang taon.
Ngayon pa lamang ay dapat nang maghanda ang pamahalaan kung ano ang mga gagawing hakbang para makapagtipid sa tubig. Hindi biro ang haharaping problema kung tuluyang matuyo ang dam na kinukunan ng tubig ng mga taga-Metro Manila. Mas mahirap na kung kailan wala nang magamit na tubig saka magkakaroon ng kampanya na magtipid sa paggamit ng tubig ang mamamayan. Ngayon pa lamang ay magkaroon na ng puspusang kampanya para lubusang maipabatid ang kahalagahan ng pagtitipid.
Nagkaroon na ng kampanya ang pamahalaan na magtipid sa tubig at ang mga tanggapan ang una nilang binigyan ng direktiba. Sa direktiba ng Presidente, parurusahan ang mga tanggapan na nag-aaksaya sa tubig at kuryente. Nagkanya-kanyang utos ang mga pinuno sa kanilang mga empleado at tauhan. Sa oras ng breaktime ay nararapat na patayin ang mga ilaw at laging siguruhing nakasarado ang mga gripo. Siguruhin din na walang leak ang mga tubo . Ipaskel sa dingding ng CR na: Huwag mag-aksaya ng tubig. Para masiguro kung naipatutupad ang direktiba ay nagkakaroon ng sorpresang pagbisita ang mga tauhan ng pamahalaan sa mga tanggapan. Maraming hindi sumusunod. Tanging ang Social Security System at Department of Health ang sumusunod sa utos.
Gamitin ang TV, radio at diyaryo para maipabatid sa mamamayan na magtipid sa tubig. Ipaalam na kung hindi magtitipid, mauubos ang reserbang tubig at makakaranas ng grabeng hirap. Magbigay ng mga paraan kung paano makapagtitipid sa tubig. Madali lang namang turuan ang mamamayan. Kailangan lang ay magbigay ng halimbawa para tularan ang namumuno.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #45 on:
January 15, 2010, 03:40:41 PM »
January 16, 2010
People power kapag nagkadayaan sa 2010
KAHIT na hindi nag-survey ang Social Weather Stations (SWS) ukol sa mga mangyayari kapag nabigo o nagkadayaan ang 2010 elections, tiyak nang mag-aalsa ang taumbayan. Baka mas matindi pa ang gagawing pag-aalsa kaysa nangyari noong February 25, 1986 na napatalsik si dating President Marcos. Sa survey ng SWS noong October 24-27, 2009, lumalabas na 5 sa 10 Pilipino ang naniniwalang magkakaroon muli ng people power kapag nagkaroon ng dayaan sa May 10, 2010 elections. Muli raw lalabas sa kalye ang mga tao at magkakaisa para tutulan ang dayaan. Ayon sa SWS, 49 percent ang naniniwalang magkakaroon ng people power at 23 percent ang nagsabing hindi.
Para sa amin, magkakaroon ng people power kapag nagkaroon nang grabeng dayaan. Magkakaisa ang mga Pilipino at ibabagsak ang sinumang mandaraya. Magkakaroon ng pagwo-walkout habang binibilang ang mga boto at magkakagulo na para pigilan ang pandaraya. Hindi ba’t ganito ang nangyari noong idaos ang February 7, 1986 snap elections. Maraming volunteers ng NAMFREL ang nag-walkout habang ginagawa ang bilangan. Nakikita nila ang pagmamanipula sa boto pabor kay Marcos at tahasang dinadaya para hindi makalamang si Cory Aquino. Iyon ang hudyat sa namumuong poot sa dibdib nang maraming Pinoy. Sumulak ang kanilang galit hanggang sa isilang na ang EDSA people power 1 revolution.
Ganito ang mangyayari kapag may nagtangkang dayain ang nalalapit na election. Marami sa mga Pilipino ang galit na mga mandaraya kaya hindi na mauulit ang nangyari. Noong May 2004 elections ay nagkaroon ng kontrobersiya makaraang mai-record ang usapan ni President Arroyo at dating Comelec commissioner Virgilio Garcillano. Ukol sa pagmamanipula sa election result ang usapan. Itinanggi naman ni Garcillano na siya ang kausap ni Mrs. Arroyo. Nag-sorry naman si Mrs. Arroyo sa taumbayan.
Kahit hindi mag-survey, tiyak na magngingitngit ang taumbayan. Sawang-sawa na sila sa dayaan. Hindi na hahayaan pang makapangyari ang kasamaan laban sa kabutihan.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #46 on:
January 16, 2010, 09:15:58 PM »
January 17, 2010
Problema sa illegal drugs dapat na iprayoridad
PATULOY ang operasyon ng shabu laboratories, shabu tiangge at iba pang tindahan ng shabu sa maraming lugar sa bansa. Maski ang mga liblib na barangay, nakapasok na rin ang shabu. Patuloy din ang pagpuslit ng shabu mula sa Taiwan at China at patuloy din ang pagdating ng mga Chinese na bihasang magluto ng shabu. Malaking problema ang illegal na droga at dapat itong unahing lutasin. Ang mananalong Presidente sa May 10, 2010 elections ay nararapat magkaroon nang matibay na plano para lubusang masugpo ang illegal drugs sa bansa.
Sinisira ng shabu ang mga kabataan. Nagkalat ang addict sa shabu. Sa report ng Dangerous Drugs Board (DDB) tinatayang nasa 1.7 milyong Pinoy ang sugapa sa shabu. Sa kasalukuyan, 1,189 sa mga sugapa ay ginagamot sa rehabilitation centers, 252 ay outpatients, 775 ang bagong dating sa rehab at 162 ay muling ibinalik sa rehab dahil naging sugapang muli. Bukod sa shabu, kinahuhumalingan din ang marijuana.
Ayon sa DDB, ang rehabilitasyon ng drug dependents ang isa sa pinakamahalagang dapat gawin para magtagumpay laban sa droga. Dapat daw sikapin ng gobyerno na ma-rehabilitate ang drug dependents. Mas epektibo umano ang pagtingin muna sa kalagayan ng mga sugapa at saka na ang iba pa. Malaki umano ang magiging epekto sa sindikato ng droga kapag nakitang ang mga dating sugapa ay na-rehabilitate na.
May punto ang DDB dito. Malaki ang papel ng pag-rehab sa mga sugapa sa droga. Pero mas magiging epektibo rin kung hindi rin naman ititigil at mas paiigtingin din ang pagwasak sa sindikato ng droga. Kung magkakaroon ng “kamay na bakal” laban sa sindikato, nasisiguro namin na mawawala nang tuluyan ang mga salot sa lipunan. Kulang ang pama halaan sa pagpapatupad ng batas laban sa mga nagpapakalat ng illegal na droga. Bukod doon batbat din ng corruption ang mga ahensiya. Madaling tapalan ng pera ang mga awtoridad para mailusot ang droga. Dapat din namang bigatan ang parusa sa mga mahuhuling nagtutulak ng droga.
Iprayoridad ang problema sa illegal drugs bago maging huli ang lahat. Ito ang unahin ng susunod na administrasyon.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #47 on:
January 17, 2010, 04:23:25 PM »
January 18, 2010
Pakinggan ang hinaing, DOH Sec. Esperanza Cabral
NANINIWALA kami
na maraming nagawa si Sec. Esperanza Cabral sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaya siya ang napisil na gawing Department of Health secretary. Kung wala siyang maganda at makabuluhang nagawa sa DSWD, hindi siya pagtitiwalaang ilipat sa isang mas mataas na tanggapan. Nakita ang kanyang husay at naniniwala uli kami na kaya talagang pamunuan ni Cabral ang DOH na dating pinamunuan ni Sec. Francisco Duque. Si Duque ay nilipat sa Civil Service Commission.
Malaking responsibilidad ang nakaatang kay Cabral sa pag-upo sa DOH. Maraming problema ang nakaamba pero dahil nahubog na siya sa DSWD, magagampanan niya nang maayos ang lahat. Sana marinig ni Cabral ang mga hinaing lalo ng mahihirap na mamamayan na nangangailangan ng tulong medical.
Marinig sana niya ang hinaing ng mga mamamayan na pinagpapasa-pasahan ng mga ospital kahit na nasa emergency na ang kalagayan. Makastigo sana niya ang mga ospital na tumatanggi sa mga pasyente na walang maipandeposit.
Kagaya na lamang nang nangyari sa buntis na si Marilyn Sumbi na pinagpasa-pasahan ng siyam na ospital noong nakaraang Disyembre 2009 ilang araw bago magpasko. Muntik nang malagay sa panganib ang buhay ni Marilyn dahil sa ginawa ng siyam na ospital sa kanya. Imbestigahan ang siyam na ospital at bigyan ng karampatang parusa. Naniniwala kami na hindi dadaan lamang sa kanang taynga ni Cabral ang kaso ng siyam na ospital at lalabas sa kaliwa.
Hilingin din naman ni Cabral sa pamahalaan na lakihan ang pondo ng DOH para makagawa siya ng mga programa na ang makikinabang ay ang mga mahihirap na pasyente. Kung malaki ang pondo ng DOH malaki rin ang posibilidad na ang mga pampublikong ospital ay makapagserbisyo nang mahusay sa mga pasyente. Pondo ang kailangan para magkaroon ng mga modernong ospital, magagaling na doctor at nurses at iba pang health personnel. Lakihan ang suweldo para hindi na umalis ang mga Pinoy doctor at nurses. Sa ibang bansa, ang mga publikong ospital ang tinatangkilik sapagkat kumpleto sa pasilidad at ligtas ang mga pasyente.
Hamon namin kay Cabral na gawin ang mga ito gaya ng ginawa niya sa DSWD.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #48 on:
January 18, 2010, 03:13:55 PM »
January 19, 2010
KUNG hindi nakialam ang Korte Suprema, baka bumubuhos na ang pera sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa sinisingil sa Radio Frequency Identification (RFID). Mabuti at ibinasura ng SC ang RFID noong nakaraang linggo. Iniutos din na ibalik ng LTO ang ibinayad ng mga motorista para sa ikinabit na RFID. Nasa 900,000 sasakyan na ang nakabitan ng RFID. Nagkakahalaga ng P350 ang RFID. Ang masaklap, sabi umano ng LTO sa sunod na pagrerehistro na lamang ibabalik ang naibayad sa RFID. Hindi naman dapat ganito ang mangyari. Kawawa naman ang mga nagbayad ng P350 kung sa isang taon pa nila mare-refund ang naibayad. Dapat puwersahin ang LTO na ibalik agad-agad ang naibayad ng motorista. Malaking halaga na ang nako- lekta ng LTO dahil sa ura-uradang pag-iimplement ng RFID. Kung gaano sana sila kabilis mag-implement ng RFID ganito rin sana sila kabilis mag-refund.
Maraming kaduda-dudang hakbang ang LTO sa pagpapatupad ng RFID. Una ay hindi ito dumaan sa public bidding, ikalawa, maaaring ma-violate ang privacy ng mga tao. Pero sabi ng LTO, hindi umano malalabag ang privacy ng mga tao at wala raw dapat ikabahala ang motorista. Ganoon man, sinunod agad ng LTO ang utos ng SC.
Sabi noon ng LTO, kaya nila naisip ang RFID ay para malutas ang problema sa mga colorum na sasakyan at ganun din ang mga lalabag sa traffic violations. Kapag may RFID madaling mati-trace ang may-ari ng sasakyan.
Mababaw ang dahilan ng LTO sa pagpapatupad ng RFID. Kung gusto nilang malutas ang mga colorum, pagalawin ang kanilang mga tauhan at magbantay sa mga kalsada. Ang problema’y batbat ng corruption ang LTO. Sa halip na malipol ang colorum, dumarami pa dahil kinokotongan ng ilang corrupt na LTO personnel. Malinaw na hindi ang RFID ang solusyon sa pagkalat ng mga colorum kundi ang corruption. Mas maganda kung uunahin munang durugin sa LTO ay ang mga corrupt at saka na ang pag-iisip ng paraan kung paano mawawalis ang mga colorum. Madali lang mawalis ang mga colorum kapag wala nang mga corrupt.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #49 on:
January 19, 2010, 03:49:52 PM »
January 20, 2010
'Anak'
NAHULI na ng National Bureau of Investigation si Jason Aguilar Ivler, pamangkin ni Freddie Aguilar na kumatha at umawit ng “Anak”. Dalawang buwan din na nagtago si Ivler makaraang mapatay si Renato Victor Ibarle Jr. anak ng Malacañang official noong Nov. 18, 2009 dahil sa away-trapiko. Muntik nang magkabanggaan ang dalawang SUV na minamaneho nina Ibarle at Ivler sa Santolan Road. Nagkahabulan at hinarang ni Ivler ang sasakyan ni Ibarle. Bumaba si Ivler at binaril nang malapitan si Ibarle. Tumakas si Ivler pero nakuha ng mga witnesses ang plate number ng SUV na nakapangalan sa isang ADB official na stepfather pala ni Ivler. Si Ivler ay anak sa unang asawa ni Marlene Aguilar, kapatid ni Freddie. Iba’t iba ang balitang lumabas makaraan ang pagpatay. Nakaalis na raw ng bansa si Ivler. Umapela pa ang inang si Marlene na sumuko na ang anak. Pero walang Ivler na lumutang.
Nagtataka ang mga awtoridad sa biglang paglalaho ni Ivler. Walang makapa. Dalawang beses na rin umano silang nagtungo sa bahay ni Marlene sa Blue Ridge pero wala roon si Ivler. Pero isang tip ang kanilang natanggap na nagtatago si Ivler sa bahay. Itinatago ng ina nitong si Marlene.
Pinasok na ang bahay at halata nila ang paghehestirikal ni Marlene. Hanggang sa matiyak ng NBI agents na naroon nga ang kanilang pakay. Pero bago pa sila nakakilos, naunahan na sila ni Ivler. Nagpaputok ito at dalawang NBI agents ang tinamaan. Gumanti ang mga agent at tinamaan sa katawan si Ivler na nagtatago pala sa isang cabinet sa isang stockroom. Armado ito. Maraming bala. Naposasan siya at isinugod sa ospital. Ang kanyang inang si Marlene ay pinosasan din at ikinulong sa NBI. Kinasuhan siya ng obstruction of justice.
Sa pagkakahuli kay Ivler, labis na natuwa ang ina ni Victor Ibarle. Ngayong nahuli na raw ang pumatay sa anak ay matatahimik na ang kanyang kalooban. Magkakaroon na ng kapayapaan ang kanyang isip. Nasa edad 27 pa lamang ang kanyang anak nang mapatay. Masyadong maaga pa para mamaalam sa mundo ang kanyang anak. Pinutol ni Ivler ang magan dang bukas ng kanyang anak na si Victor. Umaasa raw siya na magiging mabilis ang paggiling ng hustisya.
Si Marlene Aguilar? Walang nakaaalam kung hanggang saan at hanggang kailan niya puprotektahan ang anak na si Ivler. Ibang klaseng pagmamahal ng ina sa kanyang anak na “mapanganib”.
ANAK
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Logged
PINOYTAMBAY.COM
«
on:
»
Print
Pages:
1
...
3
4
[
5
]
6
7
...
20
Go Up
« previous
next »
PINOYTAMBAY.COM
»
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx
»
General Discussion
»
Current Events
»
Editoryal Ngayon