Author Topic: Editoryal Ngayon  (Read 5614 times)

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #100 on: March 11, 2010, 12:49:29 AM »

March 11, 2010

Ikaapat sa pagiging corrupt ang Pilipinas 

IKAAPAT ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia-Pacific na talamak ang corruption. Ito ay base sa business survey na ang nagsagawa ay ang Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy (PERC). Labing-anim na bansa sa Asia-Pacific ang ni-rate ng PERC ukol sa lagay ng corruption at nanguna ang Indonesia sa pinaka-corrupt. Sobrang talamak ang corruption sa Indonesia at nahihirapan ang presidente roon na masugpo ang mga magnanakaw sa pamahalaan. Napi-pressure na ang presidente sa Indonesia sapagkat mismong ang dalawang miyembro ng Cabinet ay may kasong kinakaharap.

Kasunod ng Indonesia sa pagiging corrupt ay ang Cambodia (2nd); Vietnam (3rd); Thailand (5th); India (6th); China (7th); Malaysia (8th); Taiwan (9th); South Korea (10th) Macau (11th); Japan (12th); United States (13th); Hong Kong (14th); Australia (15th); at ang pinaka-least corrupt --- Singapore.

Ikaapat ang Pilipinas sa mga bansang grabe ang corruption at hindi na marahil mababago ang ganito kasamang pagtingin hangga’t hindi nagkakaroon ng presidenteng may “kamay na bakal” laban sa mga corrupt. Kung ang presidenteng mahahalal sa May 10 elections ay katulad din ng mga nakaraang presidente na mabait sa mga kurakot, wala nang pag-asa ang bansa na makaahon sa kumunoy ng kahirapan. Ang kahirapan ng buhay ang bunga ng corruption.

Marami sa mga presidentiables ang nangangako na wawakasan nila ang corruption sa bansa. Pangako nila na wala nang maghihirap. Kapag nalipol daw nila ang mga kurakot, kasunod na nito ay ang pag-angat ng buhay ng mga mahihirap.

Ang pagwasak sa mga corrupt ay matagal nang inaasam ng mamamayan. Noon pang tumakas si President Marcos noong 1986 ay marami nang umasa na mababago ang bansa at ganap nang makakatakas sa mga kawatan at matatakaw. Pero kabaliktaran ang nangyari sapagkat lalo pang dumami ang mga nagpapahirap sa bansa. Mas kumapal ang mga nagpasasa sa yaman. Bawat palit ng administrasyon ay bagong magnanakaw din ang nakapuwesto.

Maganda kung matutupad ang pangako ng mga presidentiables laban sa mga corrupt. Pero kung pa-ngako rin lang ito gaya ng mga nakalipas, wala nang pag-asa ang Pilipinas.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #101 on: March 11, 2010, 02:48:02 PM »

March 12, 2010

Walang graduation fee pero tuloy ang singil 

MAY epekto marahil ang pagpapalit ng kalihim ng Department of Education (DepEd) sapagkat maraming paglabag na nagaganap ngayon sa mga public schools lalo na ang tungkol sa mga bayarin sa graduation. Bago inilipat si DepEd secretary Jesli Lapus sa Department of Trade and Industry nag-isyu siya ng kautusan sa public schools na walang graduation­ fee. Maliwanag ang isinasaad sa DepEd Order No. 13 na wala kahit isang sentimo na babaya­ran ang mga ga-graduate sa public schools (elementary at high school). Pero ang kautusan ay tahasang nilalabag sapagkat patuloy sa paniningil ang ma­raming public schools.

Ibinunyag ni Kabataan Party-list Representative Raymond “Mong” Palatino na 26 na public school sa Metro Manila ang lumalabag sa kautusan. Nanawagan si Palatino na imbestigahan kaagad ang 26 na schools sapagkat lubha namang kawawa ang mga magulang ng ga-graduate na estudyante. Ayon sa report, ang sinisingil sa mga ga-graduate ay nagre-range sa P150 hanggang P1,150.

Ano ang nangyayari sa DepEd Order No. 13 at tila nabalewala na mula nang ilipat si Lapus. Ano naman kaya ang ginagawang hakbang ng bagong DepEd Secretary na si Dr. Mona Valisno sa problemang ito. Mahusay na edukador si Valisno at marahil hindi pa nakararating sa kanya ang problema. Nasaan naman ang DepEd Undersecretary at tila wala rin alam tungkol sa mga paglabag ng public schools.

Ayon sa report ang graduation fees ay gagamitin daw sa yearbook publication, graduation balls, togas, sound system, PTA, graduation pictures, catering services, stage decorations at transportations.

Una nang sinabi ni Lapus na dapat ay hindi magarbo ang graduation. Walang gagastusin ang mga magulang. Pero ano itong nangyayari na uma­abot sa libong piso ang babayaran. Sa hirap ng buhay ngayon, ang P100 ay malaking tulong na para sa pagkain ng pamilya. At kung magbabayad pa nang mahigit sa isang libong piso, ano na ang mangyayari sa mahihirap. Baka manigas na sila sa gutom. Naka-graduate nga ang anak pero kumakalam naman ang sikmura dahil walang laman. Imbestigahan ng DepEd ang paniningil na ito. Tandaan ng mga magulang: “no graduation fee”.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #101 on: March 11, 2010, 02:48:02 PM »

Online Yoru

  • We Are Legion
  • Elite Certified Member
  • Certified Member 2
  • *
  • Thank You
  • -Given: 3
  • -Receive: 2
  • Posts: 627
  • Karma: +111/-0
  • so i herd u liek mudkipz?
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #102 on: March 11, 2010, 04:43:59 PM »

March 11, 2010

Ikaapat sa pagiging corrupt ang Pilipinas 

IKAAPAT ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia-Pacific na talamak ang corruption. Ito ay base sa business survey na ang nagsagawa ay ang Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy (PERC). Labing-anim na bansa sa Asia-Pacific ang ni-rate ng PERC ukol sa lagay ng corruption at nanguna ang Indonesia sa pinaka-corrupt. Sobrang talamak ang corruption sa Indonesia at nahihirapan ang presidente roon na masugpo ang mga magnanakaw sa pamahalaan. Napi-pressure na ang presidente sa Indonesia sapagkat mismong ang dalawang miyembro ng Cabinet ay may kasong kinakaharap.

Kasunod ng Indonesia sa pagiging corrupt ay ang Cambodia (2nd); Vietnam (3rd); Thailand (5th); India (6th); China (7th); Malaysia (8th); Taiwan (9th); South Korea (10th) Macau (11th); Japan (12th); United States (13th); Hong Kong (14th); Australia (15th); at ang pinaka-least corrupt --- Singapore.

Ikaapat ang Pilipinas sa mga bansang grabe ang corruption at hindi na marahil mababago ang ganito kasamang pagtingin hangga’t hindi nagkakaroon ng presidenteng may “kamay na bakal” laban sa mga corrupt. Kung ang presidenteng mahahalal sa May 10 elections ay katulad din ng mga nakaraang presidente na mabait sa mga kurakot, wala nang pag-asa ang bansa na makaahon sa kumunoy ng kahirapan. Ang kahirapan ng buhay ang bunga ng corruption.

Marami sa mga presidentiables ang nangangako na wawakasan nila ang corruption sa bansa. Pangako nila na wala nang maghihirap. Kapag nalipol daw nila ang mga kurakot, kasunod na nito ay ang pag-angat ng buhay ng mga mahihirap.

Ang pagwasak sa mga corrupt ay matagal nang inaasam ng mamamayan. Noon pang tumakas si President Marcos noong 1986 ay marami nang umasa na mababago ang bansa at ganap nang makakatakas sa mga kawatan at matatakaw. Pero kabaliktaran ang nangyari sapagkat lalo pang dumami ang mga nagpapahirap sa bansa. Mas kumapal ang mga nagpasasa sa yaman. Bawat palit ng administrasyon ay bagong magnanakaw din ang nakapuwesto.

Maganda kung matutupad ang pangako ng mga presidentiables laban sa mga corrupt. Pero kung pa-ngako rin lang ito gaya ng mga nakalipas, wala nang pag-asa ang Pilipinas.

eto reaction ko dito tol:

............................................________
................... .................,.-‘”...................``~.,
................... ..........,.-”...................................“-.,
................... ......,/...............................................”:,
................... ..,?................... ................... ................\,
.................../...........................................................,}
................./......................................................,:`^`..}
.............../...................................................,:”........./
..............?.....__............ ................... ..........:`.........../
............./__.(.....“~-,_..............................,:`........../
.........../(_....”~,_........“~,_....................,:`........_/
..........{.._$;_......”=,_.......“-,_.......,.-~-,},.~”;/....}
...........((.....*~_.......”=-._......“;,,./`..../”............../
...,,,___.\`~,......“~.,....................`.....}............../
............(....`=-,,.......`........................(......;_,,-”
............/.`~,......`-...............................\....../\
.............\`~.*-,.....................................|,./.....\,__
,,_..........}.>-._\...................................|..............`=~-,
.....`=~-,_\_......`\,.................................\
...................`=~-,,.\,...............................\
................... .............`:,,...........................`\..............__
................... ..................`=-,...................,%`>--==``
................... ................... .._\..........._,-%.......`\
................... ................,<`.._|_,-&``................`\

nakakahiya...

ung isang kandidato nga for president, 'di pa nananalo corrupt na

bato bato sa langit ang matamaan sana di iboboto.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #102 on: March 11, 2010, 04:43:59 PM »

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #103 on: March 12, 2010, 05:08:37 PM »

my vote goes for the less evil candidate (evil lahat....v^_^v) at buti nman....since na maging botante ako ay wala pa akong ibinotong presidentiable na nanalo......kung nagkataon me nanalo e di konsensiya ko pa dahil sa pinag gagawa nila sa bayan natin!  :angry:

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #103 on: March 12, 2010, 05:08:37 PM »

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #104 on: March 12, 2010, 05:10:37 PM »

March 13, 2010

Honorarium ng mga guro sa election, dagdagan pa 

TATLONG araw na maglilingkod ang mga guro bilang Board of Election Inspectors (BEI) sa darating na presidential elections. At bawat araw ay bibigyan sila ng P1,000 honorarium. Sabi ng Commission on Elections (Comelec) bukod sa P1,000, makatatanggap pa ng karagdagang P1,300 ang mga guro, sumatotal may tatanggapin silang P4,300 sa tatlong araw na pagsisilbi. Ayon pa sa Commission on Elections, naka-insured din ang mga guro. Tatanggap daw ng P200,000 ang heirs ng guro sakaling may nangyari sa mga ito sa oras na gumaganap ng tungkulin --- halimbawa ay namatay habang nasa duty. Ayon sa Comelec naglaan sila ng P30-million para ma-insured ang mga gurong magsisilbi sa election.

Para sa amin, maliit ang P4,300 na tatanggapin ng mga guro. Bakit hindi hustuhing P5,000 o mas mahigit pa rito. Dapat lamang na tumanggap sila nang malaki-laki sapagkat mahirap ang kanilang gagampanan sa election. Mabuti at naisip na ma-insured ng P200,000. Delikado ang kanilang ginagampanan.

Tuwing election ay kailangan ang serbisyo ng mga guro kaya naman nasa peligro ang kanilang buhay. Sa mga nakaraang election ay maraming guro ang nanganib ang buhay dahil sa pangangalaga sa ballot boxes. Isang babaing guro noon sa Batangas ang binaril at napatay dahil sa pagtatanggol sa ballot boxes. Mayroong mga guro na namatay dahil sinunog ang school na pinagdadausan ng bilangan. Hanggang ngayon, humihingi ng hustisya ang mga kaanak ng gurong napatay.

Sinisiguro ng Comelec na magiging mapayapa ang kauna-unahang automated elections sa bansa. Hindi na magkakaroon ng dayaan. Ito ang hinahangad ng mamamayan --- ang malinis na election at malayo sa nangyari noong 2004 at 2007.

Kalingain naman ang mga gurong katulong sa elections. Tuparin ang mga pinangako sa kanila.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #105 on: March 13, 2010, 08:51:13 PM »

March 14, 2010

H'wag papormahin, kandidatong sangkatutak ang bodyguards 

HINDI pa pormal na nagsisimula ang kampanya ng mga tatakbo sa local positions pero ngayon pa lamang ay marami nang madudugong pangyayari na kinasasangkutan nila. At paano pa nga kung lumarga na sa Marso 26 ang kanilang kampanya, baka kaliwa’t kanan na ang mga kaguluhan. Baka kabi-kabila ang barilan. Baka sa simpleng pagka-kabit lamang ng posters, streamers ay magkainitan at magratratan sila. Posibleng mangyari ito sapagkat ang mga kandidato sa local positions ang may private army. Marami silang tauhan na magtatanggol at makikipaglaban para hindi maagrabyado ng kabilang partido. Dadanak ang dugo sapagkat bawat kandidato ay hindi magpapatalo. Lalaban nang patayan sapagkat may ipinagmamalaking armas at bodyguards.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), 28 kandidato ang napapatay mula nang magsimula ang kampanya noong Enero. Hindi pa kasama sa bilang ang mga nasaktan na ayon sa pulisya ay maaaring tumaas pa sa pagsapit ng local campaign. Ayon sa PNP ang mga biktima ay kinabibilangan ng 16 barangay chairmen, anim na councilors, tatlong mayor, isang governor, isang board member at isang vice mayor.

Mas madugo ang kampanya sa mga kumakandidato sa local positions at hindi naman ganap na namo-monitor ng pulisya ang mga kaganapan sa maraming lugar sa bansa. Kakatwang kapag nagkapatayan na saka na lamang nalalaman ang malagim na pangyayari. Kahit na sinabi ng PNP na patuloy ang pagmamanman nila sa mga checkpoints, hindi rin masawata ang karahasan.

Sa Metro Manila ay nakasisiguro na walang gaanong karahasan, sapagkat maayos na naisasagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang tungkulin. Dito ay naipa­tutupad na dalawang police bodyguard sa bawat kandidato. Mas mahirap sa probinsiya na hindi makontrol ang mga kandidato sa pagbubuo ng sarili nilang hukbong sandatahan. Hindi nasusunod ang kautusan ng Comelec na dalawang bodyguard lang. Mas makabubuti kung paiigtingin ng PNP ang kanilang pagmamatyag sa mga kandidato sa probinsiya. Pigilan ang karahasan. Siguruhin ng PNP na kaya nilang pigilan ang mga karahasan na dulot ng mga armadong tauhan ng pulitiko. Huwag hayaang dumanak ang dugo sa 2010 elections.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #106 on: March 14, 2010, 10:06:17 PM »

March 15, 2010

Nada-drug test ba talaga ang bus at truck drivers? 

HINDI lamang ang mga nagmomotorsiklo ang nasasangkot sa aksidente sa kasalukuyan kundi pati na rin ang mga bus at truck drivers. At maitatanong kung talaga bang dumadaan sa drug testing ang mga bus at truck drivers o “kunwari” lang. Posibleng dahil sa korapsiyon sa Land Transportation Office (LTO) ay maraming drug addict ang nakakakuha ng lisensiya. Sa LTO, kapag me pera ka, puwede nang “maayos” ang lahat. Yung iba, wala nang appearance at puwedeng mag-exam ang mga kukuha ng lisensiya.

Maraming drug addict na driver at ito ang dahilan kaya mataas ang bilang ng mga aksidente sa kalsada. Katulad na lamang ng pagbangga ng isang bus sa punong acacia sa La Union, na ikinamatay ng 11 pasahero noong nakaraang linggo. Nawalan umano ng preno ang bus kaya sumalpok sa puno. Sa lakas ng bangga ay halos mahati ang bus. Inarkila lamang ang bus ng mga taga-Sta. Rosa City, Laguna para mag-visita Iglesia sa Baguio City bilang bahagi ng Lenten activities. Hindi kaya drug addict ang bus driver?

Makaraang mangyari ang La Union tragedy, siyam na katao naman ang namatay sa M’lang, North Cotabato nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang dump truck. Umano’y patungo sa pamamanhikan ang grupo nang maganap ang aksidente. Nawalan umano ng preno ang truck at nahulog sa bangin. Hindi kaya addict ang truck driver?

Nagkaroon ng aksidente sa Limay, Bataan at pito ang namatay. Mabilis umano ang takbo ng van na lulan ang dalawang Koreans at limang iba pa nang bumangga sa kasalubong na bus. Nag-overtake umano ang van. Hindi kaya addict ang drayber ng van?

Apat naman ang namatay sa Tayabas, Quezon nang banggain ng trak ang kotse. Nawalan umano ng preno ang cargo truck at inararo ang nasa una-hang kotse na may apat na pasahero. Hindi kaya addict ang driver ng cargo truck?

Laging ang pagkasira ng preno ang ginagawang dahilan kaya nangyari ang trahedya. Sa aming paniwala, nasa impluwesiya ng bawal na droga ang ilang drayber kaya nangyayari ang aksidente. Sana ay magising ang LTO sa mga nangyayaring trahedya sa kalsada.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #107 on: March 15, 2010, 01:38:45 PM »

March 16, 2010

Kabiguan na maparusahan ang mga corrupt official 

MABAGAL umusad ang batas o hindi na nga umu­usad para maparusahan ang mga government official na gumagawa ng katiwalian. At ang kaba­galan sa pagpaparusa sa mga kawatan ang dahilan para lalo lamang dumami ang mga magnanakaw sa mga sangay ng gobyerno. Nahihikayat ang iba pa na gu­mawa rin ng katiwalian dahil sa kabiguan na mapa­rusahan ang mga kawatan.

Ang problemang ito ay hindi naman nalilingid sa ibang bansa na sumusubaybay sa mga nangyayari sa Pilipinas. Isa ang United States sa mga mapanuri sa kalagayan ng Pilipinas at nakikita nila ang kabi­guan ng gobyerno na maparusahan ang mga guma­gawa ng katiwalian. Sa report ng US State Department on Human Rights Practices, sinabi na lalo pang dumami ang mga official na gumagawa ang katiwa­lian sa kabila na mayroon namang batas na magpa­parusa sa mga magnanakaw. Ang kabiguang ito ng gobyerno umano ang dahilan kaya hindi maawat ang paglaganap ng katiwalian sa bansa. Ang kabigu­ang maparusahan nang agaran ang mga tiwali ay humi­hikayat sa iba pang opisyal at empleado na mag­nakaw.

Talamak ang katiwalian sa bansa at ito ang matagal nang inirereklamo ng mga foreign investors. Sa mga ahensiya ng pamahalaan ay laganap ang “red tape”. Kailangang magsuhol o “magpadulas” ang mga may transactions para maging madali ang pagproseso ng kanilang papeles. Sabi pa ng mga dayuhan, ma­raming papeles o dokumento na kailangan para ma­ka­pagtayo sila ng negosyo rito. At sa dami ng papeles na aasikasuhin, ganundin karami ang “padudulasing” pera. Ang ganitong problema ang dahilan kaya lumi­lipat na lang sila ng ibang bansa para doon mag-invest. Kabilang sa mga bansa na kanilang pinupun­tahan ang Thailand, Vietnam at Laos. Kaya naman sa kasalukuyan, malayo na ang agwat ng mga na­bang­git na bansa sa Pilipinas.

Bigo ang gobyerno na parusahan ang mga magna­nakaw. Ang kailangan ngayon ay magkaroon ng pinuno ang Pilipinas na may tapang at paninindigan para malipol ang gumagawa ng mga katiwalian. Kung ang pinunong ihahalal sa May 10, 2010 elections ay katulad din mga pinuno sa nakaraan na walang political will laban sa mga kurakot, kawawa ang bansa. Lalong magiging kawawa ang mga Pinoy sapagkat wala nang pag-asa pang makaahon sa piling ng mga gutom na buwaya.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #108 on: March 16, 2010, 06:18:24 PM »

 March 17, 2010

 Tourism potential 

The Tourism Act of 2009, or Republic Act 9593, was supposed to make the tourism industry more competitive in the region. Instead RA 9593 has become a source of rancor within the industry, threatening to defeat the purpose of the new law.

Officials of the Federation of Tourism Industries in the Philippines are up in arms over the implementing rules and regulations drawn up by the Department of Tourism for RA 9593, which shut out the federation from a recent Tourism Congress. Federation officials also said many accredited agencies did not participate in the selection of nominees to head DOT agencies that have been created by virtue of the new law: the Tourism Promotions Board, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, and the Duty Free Philippines Corp.

The DOT likes to brag about the number of tourist arrivals in the country, but those figures pale in comparison to those in neighboring countries such as Thailand and Vietnam. Even Cambodia, with Siem Reap as its principal tourist draw, is surpassing the Philippines in the number of visitors.

The figures are disheartening particularly when one considers all the attractions that the Philippines has to offer. Travelers in the region cite the insufficiency of flights to the Philippines, the lack of accommodations, and prices that are less attractive than those that neighboring countries offer. The Philippines also has one of the weakest tourism marketing programs in the region, and limited funding is not the only problem.

Tourism could be one of the biggest revenue earners for the Philippines. It could create jobs with decent pay that could lure back many Filipinos who have been forced to find employment overseas. But this can only happen if there is a healthy working relationship between the government and private players in the travel industry. If the government wants the Tourism Act to live up to its promise of making tourism a key engine of economic growth, it cannot afford to ignore those private players.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #109 on: March 17, 2010, 06:25:33 PM »

 Updated March 18, 2010

Pagbasag sa private army paigtingin pa ng PNP 

DALAWANG buwan na lamang at election na. At habang papalapit ang election, patuloy sa pagdami ang napapatay na kandidato. Sa report ng Philippine National Police (PNP) nasa 16 na ang napapatay na kandidato at may 16 ang nasusugatan mula nang magsimula ang kampanya noong Enero para sa mga tatakbo sa national positions. Sa Marso 26 naman magsisimula ang kampanya para sa local positions. At ang kampanya ng local candidates ang inaasahang madugo sapagkat karamihan sa kanila ay may private army. Nagtatago sila ng mga baril para protektahan ang sarili sa kalabang kandidato.

Bago pa ang pagsisimula ng kampanya para sa 2010 elections, ang karahasan ay una nang naram­daman noong November 23, 2009 nang 57-katao ang minasaker sa Maguindanao. Kabilang sa mga minasaker ang mga miyembro ng media. Hinarang ng umano’y mga tauhan ni Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr. ang convoy ng mga supporters ni Vice Mayor Ismael Mangudadatu. Pati mga babae ay walang awang pinagbabaril at sama-samang inilibing sa inihandang hukay. Iyon ang pinakamadugong pagpatay na may kaugnayan sa election.

Maraming election “hot spot” sa bansa at ayon sa PNP, isa ang Masbate sa maraming krimen na nagaganap subalit hindi na narereport. Marami umanong political killings na nangyayari roon at nangangamba ang mga residente na sa darating na kampanya para sa local positions ay lalo pang dadanak ang dugo.

Ang PNP mismo ang nagsabi na maaaring ma­lam­pasan pa ang nangyaring malagim na masaker sa Maguindanao kung magtutuluy-tuloy pa ang karahasan ngayong panahon ng kampanya. At kung nasabi ito ng PNP, dapat ay sila ang magpursigi kung paano mapipigil ang mga karahasan. Nasaan ang sinasabi ng PNP na mino-monitor nila ang mga kandidatong nagmi-maintain ng private army. Hindi raw nila hahayaang maging madugo ang election. Kung talagang namo-monitor ang kalagayan sa bansa, bakit marami pa ring loose firearms. Bakit walang igting ang pagkumpiska sa mga hindi lisensiyadong baril?

Paigtingin pa ang pagbasag sa private army. Kung mabubuwag ang mga ito, maiiwasan ang karahasan.

PINOYTAMBAY.COM

« on: »