Please
login
or
register
.
1 Hour
1 Day
1 Week
1 Month
Forever
Login with username, password and session length
Login
News:
Watch, Upload and Share your Favorite Pinoy Videos
@
Pinoytambay.tv
Home
Forum
Help
Arcade
Search
Calendar
Login
Register
PINOYTAMBAY.COM
»
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx
»
General Discussion
»
Current Events
»
Editoryal Ngayon
« previous
next »
Print
Pages:
1
[
2
]
3
4
...
20
Go Down
Author
Topic: Editoryal Ngayon (Read 5613 times)
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #10 on:
December 11, 2009, 04:06:25 PM »
December 12, 2009
Talamak ang paglabag sa karapatang pantao
BAGO pa ang pagpatay sa 57 katao sa Maguindanao noong Nobyembre 23, malala na ang paglabag sa karapatang pantao. At nang mangyari ang Maguindanao massacre lalo pang nalagay sa pinakamasamang imahe ang bansa. Nakadidismaya ang mga report ukol sa paglabag sa karapatang pantao sa bansa at malaki ang posibilidad na mabawasan ang mga dayuhang magtutungo rito. Sino ang mag-aaksaya ng kanilang pera na bumisita sa bansang may nagaganap na paglabag sa karapatang pantao?
Sa nangyaring Maguindanao massacre, itinuturing itong pinaka-karumal-dumal na pangyayari na may kinalaman sa 2010 elections. Sabi nga ni Commission on Human Rights (CHR) chairperson Leila de Lima, hindi niya alam kung anong uri ng tao ang may kagagawan sa pagmasaker.
Malupit ang ginawang pagpatay sa 57 katao. Hindi na iginalang ang mga babae sapagkat malapitan ang pagbaril. May binaril sa ulo, mukha at sa kanilang ari. Lima sa mga babaing pinatay ay positibong ginahasa. Nasa NBI detention cell na ang pangunahing suspek sa pagpatay, si Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr. Itinuturo si Andal Jr. na bumaril sa mga babae at pagkatapos ay inilibing ang mga ito sa hukay. Sabi ng isang militiamen na sumuko sa mga awto ridad, iniutos daw ni Andal Jr. na lahat ay patayin — bata, matanda, babae. Siguruhin daw na patay lahat. Nasa 30 mamamahayag ang kasamang minasaker.
Ang paglabag sa karapatang pantao ay talamak na bago pa ang Maguindanao masscacre. Noong 2007, maraming mamamahayag ang pinatay. Inaambus, niraratrat habang patungo sa kanyang tanggapang pinaglilingkuran. Mayroon pang pinapatay sa harap pa mismo ng kanyang mga anak.
Marami rin namang biktima ng “salvaging”. Karaniwan nang makikita ang mga bangkay na inila-gay sa sako o plastic bag at saka ikakalat sa maraming lugar sa Metro Manila.
Ang mga malalagim na pagpatay ay hindi pa nabibigyan ng kalutasan hanggang sa kasalu kuyan. Maraming sumisigaw at humihingi ng hustis-ya pero hindi naririnig ng mga awtoridad. Nasaan na ang sinasabing pagtulong sa mga biktima? Wala na? Nalimutan na?
Hindi nakapagtataka na ang mga biktima ng Maguindanao massacre ay hindi matatahimik sa kanilang kinaroroonan.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #11 on:
December 12, 2009, 02:34:22 PM »
December 13, 2009
Tinalo ng Ampatuans ang AFP at PNP sa dami ng baril
SANDAMUKAL ang mga baril at bala na nabawi sa Ampatuans. Tila mayroon silang hukbong sandatahan na isang utos lang ay sasalakay at papatay. Mula nang maisailalim sa martial law ang Maguindanao, halos araw-araw ay may nakukumpiskang mga baril at bala. Noong Martes, sinalakay ng mga sundalo at pulis ang isang bodega sa Sharif Aguak at nakakuha roon ng 70 baril na ma-taas ang kalibre.
Sa mga nakaraang pagsalakay ng mga sundalo at pulis sa mga pinaghihinalaang lugar na kinaroroonan ng mga armas, laging positibo ang resulta. Nakabaon sa lupa ang mga baril at bala. Ang iba ay natuklasang nakatago sa mga dingding ng bahay ng Ampatuans. Isinemento ang dingding para maitago ang mga baril. Naamoy ng K-9 dogs ang mga baril sa dingding kaya nadiskubre. Bukod sa mga baril, nabawi rin ng mga awtoridad ang mga tangkeng panggiyera. Marami pa raw baril na nakatago ang mga Ampatuan at sabi ng awtoridad, nakikita nila ang mga nakatagong baril dahil na rin sa mga tip ng taga-Maguindanao mismo. Itinuturo sa pamamagitan ng text at e-mails ang kinaroroonan ng mga baril.
Nadiskubre rin naman na mahigit 300 baril ang napalisensiyahan ng Ampatuans sa Philippine National Police. Ang mga baril ay pawang matataas ang kalibre at nagkakahalaga ng daang libong piso bawat isa. Ipinagtataka kung paano napalisensiyahan ang mga baril.
Labis din namang ipinagtataka kung bakit may mga tatak na Department of National Defense ang ilang sa mga nakumpiskang bala. Sino ang nagsuplay ng mga bala at baril sa Ampatuans?
Kulang sa baril at bala ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police pero hindi ang mga Ampatuan. Mayroon silang arsenal. Dapat namang malaman ng publiko ang mga sinasabing opisyal ng gobyerno, heneral ng armed forces at police na nagsuplay umano ng armas sa Ampatuans. Nararapat maparusahan ang mga opisyal na ito.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #11 on:
December 12, 2009, 02:34:22 PM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #12 on:
December 13, 2009, 06:14:05 AM »
December 14, 2009
Pagkakamit ng hustisya ang dapat iprayoridad
DALAWAMPU’T DALAWANG araw na ang nakararaan mula nang imasaker ang 57 tao sa Maguindanao. Ang mga walang awang pinatay ay kinabibilangan ng mga kababaihan at mga miyembro ng media. Karumal-dumal ang ginawang pagpatay. Hindi mailarawan kung anong klaseng hayop ang gumawa ng krimeng iyon na pati ang mundo ay sumigaw ng agarang hustisya. Pero 22 araw na ang nakalilipas pero ang mga pumatay ay nakalalaya pa.
Inalis na ang martial law sa Maguindanao noong Sabado ng gabi. Mula nang ideklara noong nakaraang linggo ang martial law at nakasamsam nang maraming baril at bala, ang rebelyon ng mga Ampatuan ang pinagtuunan ng pansin. Ngayong inalis na ang martial law, dapat nang ituon ang mabilisang pagkakamit ng hustisya sa mga kawawang biktima. Nasa detention cell na ang pangunahing suspek na si Andal Ampatuan Jr. pero hindi sapat para mabigyan ng hustisya ang karumal-dumal na pagpatay.
Pinagtalunan sa Kongreso ang pagkakadeklara ng martial law. Away pulitika lamang daw ang nangyayari sa Maguindanao na humantong sa patayan. Hindi raw dapat ideklara ang martial law sapagkat maaabuso ang karapatang pantao. Binibigyan lang daw ng lisensiya ang mga sundalo para makagawa ng pang-aabuso sa mga sibilyan.
Isang araw makaraang alisin ang martial law, nakahukay pa ang mga sundalo ng mga matataas na kalibre ng baril sa lugar na pag-aari ng mga Ampatuan. Bukod sa mga baril na nasamsam, nadiskubre rin ang maraming voters ID at election paraphernalias na nakabaon sa malapit sa bahay ng isang miyembro ng Ampatuan. Nakapagtataka kung bakit naroon ang mga election paraphernalias. Nagdadagdag sa pagdududa na talagang nagkaroon nang malawakang dayaan sa nasabing probinsiya.
Maraming lumulutang na kaso sa mga Ampatuan. Araw-araw nadadagdagan ang ikakaso sa kanila. Sa pagkakaalis ng martial law sa Maguindanao, inaasahang bibilis na ang pagkakamit ng hustisya sa mga biktima. Pagbuhusan na ng pansin ang paghanap sa mga civilian volunteers na umano’y kasama ni Ampatuan Jr. sa pagmasaker sa 57 katao noong tanghali ng Nobyembre 23. Maraming kaanak ang nauuhaw na sa hustisya.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #12 on:
December 13, 2009, 06:14:05 AM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #13 on:
December 14, 2009, 04:02:10 PM »
December 15, 2009
Kulungang ampaw
BILIBID or nat pero sa Basilan ang jail ay tila ampaw. At alam n’yo ba kung sino ang mga nakakulong sa Basilan Provincial Jail? Mga mamamatay-tao lang naman na kinabibilangan ng mga miyem-bro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pumugot sa ulo ng Marines noong July 10, 2007. At alam n’yo ba kung paano nakatakas ang mga preso sa Basilan Jail? Minaso lang ang pader sa dakong likuran at presto, nagiba ang pader na ampaw at parang mga daga ang preso na nag-unahan sa pagtakas. Tinatayang 31 preso ang nakatakas. Hanggang ngayon ay wala pang nahuhuli sa mga tumakas. At malamang na hindi na sila mahuli nang buhay.
Sa itsura ng Basilan Jail ay talagang madaling makakatakas ang mga preso. Imagine, iilan lang ang guwardiya at mahihinang klase pa ang mga armas. Nasorpresa ang iilang jail guards nang sumalakay ang mga armadong kalalakihan makaraang gibain ang pader. Ginamitan ng bolt cutter ang padlocks at pinatakas ang mga bilanggo. Nakipagbarilan ang iilang jail guard sa mga armado at dalawa ang kanilang napatay subalit may napatay ding kasamahan nila. Bukod sa napatay na isang jailguard, dalawa pa ang nasugatan. Mabilis na tumakas ang mga armado kasama ang 31 bilanggo sakay ng ilang van. Tinatayang nasa 50 armado ang sumalakay sa jail at matataas ang dalang armas.
Sinabi ng jail warden na si Jumaril Sali na mga MILF ang sumalakay. Sigurado raw siya. At baka hin-di lamang 50 ang bilang ng mga sumalakay kundi 100 dahil marami pang naghihintay sa labas. Sabi pa ni Sali matagal na raw silang nakatatanggap ng banta na sasalakayin ang bilangguan. Masyado raw delikado sapagkat ang mga bilanggo nila ay sangkot sa mga malalaking krimen katulad ng pamumugot ng ulo ng mga sundalo.
Nangyari ang banta at walang anumang nakatakas ang mga bilanggo. Malaki ang pagkukulang ng jail warden sapagkat nakatanggap na pala ng banta ay kung bakit hindi pa napaghandaan ang pagsalakay. Madaling natibag ang pader ng jail dahil walang bakal. Kulungang ampaw ang Basilan Jail. Hindi nakapagtataka kung palaging makatatakas ang preso roon. Ayon sa report, apat na beses nang sinasalakay at na-tatakasan ng bilanggo ang Basilan Jail at ang nang-yari noong Linggo ang pinakamaraming nakatakas.
Hangga’t hindi inaayos ang Basilan Jail, kulang sa jail guard at armas, laging tatakas ang mga kilabot. Maghahasik muli sila ng lagim.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #13 on:
December 14, 2009, 04:02:10 PM »
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #14 on:
December 15, 2009, 10:51:04 PM »
December 16, 2009
Wala pang nalalaman ang mga guro sa automation
ANO bang nangyayari sa timetable ng Commission on Elections
at pawang atrasado na yata? Delikado ito kapag naatrasado pa nang naatrasado ang preparasyon para sa kauna-unahang computerized elections. Delikado sapagkat ang mga gurong aasiste sa mga botante ay hindi pa nasisimulan ang pagti-training. Kung ang mga guro ay hindi mabibigyan ng tamang training ukol sa computerized election, malamang magkamali-mali na naman at maging imbalido ang mga balota. Sa mga liblib na lugar na ang computer ay hindi pa gaanong kilala, kinakailangan nang matagal-tagal na panahon ng pagsasanay sa mga gurong aasiste. Kahit na sinabi pa ng Smartmatic TIM, ang kompanyang mag sasagawa ng automation na madali lang ioperate ang machines, hindi pa rin nakatitiyak na hindi magkakaroon ng aberya. At gaano katiyak na madaling maisasaayos ng mga guro ang kamalian. Mahirap itong sagutin dahil hindi lahat ng mga guro ay mada-ling matuto kapag computer na ang pinag-uusapan.
Kapag nagkaroon ng mga pagkakamali sa election at nagkaroon na nang pagkaatrasado, maaaring ang mga guro ang pagbuntunan ng sisi. Sila ang magiging scapegoat sakali’t nagkaroon ng bulilyaso. Ang mga guro ang laging sisisihin gayung mayroong iba pa na dapat buntunan ng sisi.
Maski si Education secretary Jesli Lapus ay labis na nababahala sa labis na pagkaatrasado ng pagti-training sa mga guro. At walang ibang sinisisi si Lapus sa pagkakaatrasado ng training kundi ang Comelec. Nangangamba siya na baka ang mga guro ang sisihin kapag hindi nagampanan ng mga ito ang trabaho sa election lalo pa nga’t kauna-unahang gagawin ang automation.
Unang ini-schedule ng Comelec ang training ng November 2009 subalit ipinagpaliban at ginawang Pebrero 2010. Subalit ayon sa pinakahuling advisory ng Comelec, gagawin ang training ng mga guro sa Marso at Abril.
Nakababahala ang ganitong schedule na halos ilang buwan na lang at election na. Kapag nagkaroon ng mga pagkakamali ang mga guro, walang ibang dapat sisihin kundi ang Comelec. Dapat noon pang Nobyembre ay sinimulan na ang kanilang training. Hindi biro ang kanilang kakaharaping responsibilidad sa automated elections.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #15 on:
December 16, 2009, 02:29:13 PM »
December 17, 2009
Huwag limusan mga nangangaroling sa kalye
TAUN-TAON may mga batang nasasagasaan sa kalye dahil ginagawang hanapbuhay na ang pamamalimos. Patakbu-takbo sa kalsada, hinahabol ang mga dyipni, uukyabit at saka tatalon makaraang makapanglimos. Sa pagtalon, namali ang bagsak at una ang ulo. Bagok! Mayroong nasagasaan ng sasakyan dahil biglang tumawid. Patay! Ang masaklap, ang kawawang drayber pa ang inumog ng taumbayan.
Ngayong panahon ng Kapaskuhan, lalong dumami ang mga batang nangangaroling o namamalimos sa kalye. Grupo-grupo na sila at nakakalat sa maraming lugar sa Metro Manila. Mayroong mga batang may dalang tambol na pinagkabit-kabit na lata at PVC pipes at saka uukyabit sa dyipni. Kadalasan ay dalawa ang umuukyabit sa dyipni. Yung isa ang magdi-distribute ng mga marurusing na envelopes sa pasahero para lagyan ng barya. Magtatambol naman ang isa habang nakaupo sa estribo. Makaraan ang ilang minutong katatambol o pagkantang walang kawawaan ay kokolektahin na ang mga sobre at saka tatalon na sa dyipni. Mag-aabang na muli sila ng panibagong dyipni na sasampahan.
Ang ibang bata ay nagkakasya na lamang sa pagkatok sa mga salamin ng kotse. Pero masyadong de likado ang ginagawa ng mga ito sapagkat biglang susulpot sa harapan pagpalit ng pulang ilaw. Ang mga drayber ay ginagawang kriminal sa isang iglap.
Bawal ang magbigay o maglimos sa mga batang nasa kalye. Huwag silang bibigyan sapagkat hinihikayat lamang silang mamalimos nang mamalimos. Ang akala nila, tama ang kanilang ginagawa. Huwag makonsensiya kahit na kinakatok nang todo ang bintana ng sasakyan.
Sabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), huwag maglimos sa mga batang nasa kalye ngayong Kapaskuhan. Kahit pa raw kinakantahan ng Christmas carols. Ayon sa DSWD, hindi ang kalsada ang tamang lugar para mangaroling. Hinihikayat lamang sila na mamalimos o uma sa sa ibang tao. Kung walang magbibigay sa mga namamalimos, mapipilitan na silang umalis sa kalye.
Katulungin sana ng DSWD ang mga pulis o MMDA enforcer na paalisin sa lansangan ang mga batang nangangaroling. Kung hindi pupuwersahin ang mga bata, hindi sila matututong umalis at dadami pang parang kabute. Huwag silang kaawaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng barya na hindi naman lubusang makatutulong sa kanila.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #16 on:
December 17, 2009, 03:25:53 PM »
December 18, 2009
Extension ng voter's registration
IPINAG-UTOS ng Supreme Court ang extension ng pagrerehistro ng mga botante para sa 2010 elections. Kung ang Commission on Elections (Comelec) ang masusunod, ayaw na nila ng extension pero ang SC pa rin ang nangibabaw. Sabi ng Comelec, sobra-sobra na raw ang palugit na ibini-gay sa mga magrerehistro at hindi na kailangang magtakda pa ng panibagong extension. Pero hindi umubra ang kanilang kagustuhan.
Sinisisi ng Comelec ang mga nagpaparehistro sapagkat kung kailan deadline ay saka doon dumadagsa. Halos umapaw ang mga Comelec office dahil sa buhos ng mga nagpaparehistro. Nagkakaroon tuloy nang pagmamadali at siyempre hindi kayang tapusin ang nagdadagsaan magpaparehistro.
May punto naman ang Comelec pero sa isang banda, malaki rin ang kanilang pagkukulang sa- pagkat wala sa sistema ang registration. Hindi malaman ng mga bagong magpaparehistro ang kanilang gagawin. Kailangan pang pumila ng ilang beses para lamang makakuha ng kung anu-anong form. Kagaya noong nakaraang Oktubre na deadline sa pagpaparehistro. Marami ang nagreklamo sapagkat madaling-araw pa sila nakapila pero atrasado naman sa pagpasok ang mga Comelec personnel. Wala rin umanong nag-aassist sa mga magpaparehistro kaya mayroong nag-aagawan sa pila. Merong matagal na sa pila pero naunahan pa ng mga bagong dating
. Maraming nagkakagulo dahil lamang sa agawan sa pila. May mga Comelec offices na masyadong mabagal magpa-process ng mga isinumeting form kaya maraming inaabot ng pagkadisma-ya sa pila. Meron pang nag-aaway dahil bugnot na bugnot na sila sa sobrang tagal ng pag-usad ng pila.
Ayon sa Comelec itinakda nila ang Disyembre 21 hanggang 29, 2009 sa mga hindi pa nakapagpaparehistro. Ganunman maaaring mabago pa ang petsa sapagkat naghahanda pa ng motion for clarification ang Comelec ukol sa desisyon ng Supreme Court.
Sana ay maging maayos na ang registration at mapaglingkuran ang lahat ng nais magparehistro. Magkaroon na sana nang magandang resulta ang panibagong voter’s registration.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #17 on:
December 19, 2009, 01:23:20 AM »
December 19, 2009
Ang judge na hindi 'bahag ang buntot'
WALANG takot na tinanggap ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang paghawak sa kaso ni dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr. At hindi lamang ang pagtanggap niya sa kaso ang nakahahanga kundi tinanggihan pa ang iniaalok na security. Ganito ang judge, hindi “nababahag ang buntot”.
Unang napunta kay Quezon City Regional Trial Court Branch 84 Judge Luisito Cortez ang kaso ni Ampatuan Jr. subalit agad tinanggihan. Nag-aalala sa kanyang seguridad at kaligtasan ng kanyang pamilya si Cortez. Minsan na raw kasing pinagtangkaan ang kanyang buhay noon. Ang pagtanggi ni Cortez ay nakadismaya kay Chief Justice Reynato Puno kaya ipinag-utos na walang sinumang judge ang tatanggi sa kaso. Muling ni-raffle ang kaso at napunta nga kay Judge Reyes ang kontrobersiyal na kaso.
Sa pagtanggap ni Judge Reyes ng kaso ni Ampatuan Jr. inaasahang uusad nang mabilis ang kaso at sa lalong madaling panahon ay makakamit na ang hustisya ng 57 taong walang awang pinatay sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009. Ngayon, eksaktong 27 araw na ang nakalilipas mula nang maganap ang karumal-dumal na massacre. Itinuturo si Ampatuan Jr. na bumaril sa mga biktima. Ayon sa isang testigo na lumutang, nagtatawa pa raw si Ampatuan Jr. habang binabaril ang nagmamakaawang mamamahayag. Nasa pangangalaga ng pamahalaan ang mga testigong lumulutang. Isa pa rin sa mga testigong lumutang ang nagsabi na ipinag-utos daw ni Ampatuan Jr. na patayin lahat ang mga nasa convoy, walang ititira ma-bata man o matanda o maski babae. Ubusin lahat ang mga ito.
Ngayon ay makikita ang tapang ni Judge Reyes sa pagharap sa karumal-dumal na kaso. Hahangaan si Reyes kapag madali niyang napausad ang kaso at maideliber ang hustisya. Kikinang ang pangalan ni Reyes kapag madali niyang maigagawad ang parusa sa nagkasala. At marahil, manghihinayang naman ang judge na tumanggi sa kaso. Hinayaan niyang mapangibabawan ng isang babae na hindi nangiming harapin ang anumang panganib. Ipinakita lamang niyang bahagi ng kanyang propesyon ang mga pananakot at pagbabanta at kaya niya itong ha rapin at suungin. Kailangan ng bansa ang isang katulad ni Reyes – ang judge na hindi “nababahag ang buntot”.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #18 on:
December 19, 2009, 06:12:36 PM »
December 20, 2009
Tutukan ang mga 'ampaw' na provincial jail
EKSAKTONG isang linggo na ang nakalilipas nang tumakas sa Basilan Provincial Jail ang 31 bilanggo. At hindi lamang basta-basta mga pipitsuging bilanggo ang tumakas sapagkat tatlo sa mga ito ay mga miyembro ng MILF na pumugot umano sa ulo ng 10 Marines noong Hulyo 2007 sa Basilan. Ang mga sumalakay sa Basilan jail ay pinaghihinalaang MILF subalit agad namang pinabulaanan ng kanilang spokesman.
Ang pagtakas ng 31 bilanggo ang itinuturing na pinakamalaking jailbreak sa bansa. Halos naubos ang bilanggo sa Basilan jail makaraang sumalakay ang tinatayang 50 armado nang matataas na kalibreng baril. Planado ang pagsalakay at madaling naisakatuparan. Pinaghandaan nang ayos sapagkat kumpleto sa gamit kung paano mabubuksan ang kandado. Nagdala ng bolt cutter at maso. Para mapatakas ang mga bilanggo, winasak ang pader sa likuran sa pamamagitan ng maso. At kabisado nila kung paano wawasakin ang bahagi ng pader. Walang bakal na patigas ang hollow blocks na pader kaya naman madaling nabuwag. Makaraang mabuwag, ang kandado naman ng selda ang sinira. Sa isang iglap agad na nagtakbuhan palabas ang mga bilanggo, animo’y mga daga.
Nakipagbarilan ang apat na jailguards at napatay ang dalawang armado. Napatay naman ang isang jailguard na tinamaan sa mukha. Mabilis na nakatakas ang mga bilanggo na sumakay sa nag-aabang na van. Umano’y may 50 pang kasamahan na nag-aabang sa labas. Sa pinakahuling report, nahuli na ang isang miyembro ng MILF na nakatakas.
Malaking leksiyon ang nangyari sa Basilan jail. Hindi lamang ang nasabing jail ang mistulang “ampaw” na isang maso lang ang katapat. Marami pang ibang bilangguan sa probinsiya ang dapat tutukan nang ayos. Hindi rin naman dapat ilagak sa “ampaw” na bilangguan ang mga pusakal na kriminal. Dapat silang ikulong sa matitibay na bilangguan na may sapat na guwardiya at may matataas na kalibreng baril. O kaya’y agad na ibiyahe sa National Bilibid Prisons (NBP) ang mga kriminal. Hindi dapat ipagwalambahala ang masamang bilangguan sa probinsiya.
Running out of time
With the start of the school Christmas break, there will be another chance to register for the 2010 elections. Voters’ lists, already chaotic even before the country decided to go for fully automated elections, will have to be updated anew. Before the extension of the voter registration, the Commission on Elections already had its hands full. Its task of weeding out nuisance candidates from a list of thousands is not over. Legal challenges to Comelec decisions could delay the printing of ballots if the Supreme Court grants requests for the issuance of restraining orders.
Most of the machines for the country’s first fully automated elections have not yet been delivered. The machines will have to be installed nationwide under tight security and must undergo several tests for glitches before Election Day. The tests must be done quickly especially if plans push through to hold early elections in hot spots such as Maguindanao. The province and the rest of the Autonomous Region in Muslim Mindanao have figured prominently in controversies in the past two elections, undermining the credibility of poll results particularly in the national races. The nation cannot afford a repeat of those controversies. But the Maguindanao massacre has raised the prospect of protracted violence in the ARMM, and there are valid concerns that unless the situation is placed under control soon, there could be a failure of elections in the province.
Every effort must be made to prevent that scenario from occurring. Filipinos have high hopes that the 2010 elections will pave the way for change, and not just in the national leadership. Poll automation is supposed to speed up the vote count and thereby reduce opportunities for cheating. Security forces are expected to do their part by curbing election-related violence. The Maguindanao massacre is a serious setback, but it should not deter the nation from efforts to make the elections in May as credible as possible. The approach of a new year is a reminder that there is still much work to do, and the nation does not have the luxury of time.
Logged
~..viej..~
Super Moderator
Certified Member 4
Thank You
-Given: 37
-Receive: 3
Posts: 8229
Karma: +1237/-0
Re: Editoryal Ngayon
«
Reply #19 on:
December 20, 2009, 03:02:46 PM »
December 21, 2009
Hindi na nakapagtimpi ang mga mamamahayag
AYON sa isang lumutang na witness sa Maguin danao massacre, nagmamakaawa na raw ang dalawang mamamahayag (isang lalaki at isang babae) kay dating Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr. na huwag silang patayin. Lumuhod pa umano sa harapan ni Andal Jr. ang dalawang mamamahayag pero walang narinig o nakita ang dating mayor at walang awang pinagbabaril ng baby armalite ang dalawa. At kahit nakabulagta na ay pinagbababaril pa para siguruhing wala nang buhay ang dalawa. Tatlumpung mamamahayag ang kabilang sa 57 tao na minasaker sa Maguindanao noong Nobyembre 23. Kasama sa konboy ang mga mamamahayag nang harangin ng mga armadong civilian volunteers sa pangunguna umano ni Andal Jr. Pinababa sa sasakyang ang mga hinarang at saka dinala sa liblib na lugar at doon pinagbabaril. Ang iba ay inilibing sa nakahanda nang hukay. Karumal-dumal ang krimen na kahit ang mga pinuno ng ibang bansa ay nagpahayag ng pagkondena sa nangyari. Humihiling na lutasin agad ang kaso at nang makamit ang hustisya.
Sumuko naman pagkaraan ng tatlong araw si Andal Jr. Dinala siya sa National Bureau of Investigation (NBI) at sinampahan ng murder. Ikinulong siya sa NBI detention cell. Noong Biyernes, nagka roon ng preliminary investigation sa kaso. Nagkaroon ng kaguluhan pagkatapos ng preliminary investigation. Sinugod ng mga galit na mamamahayag si Andal Jr. at ipinakita rito ang mga kuhang retrato ng mga minasaker. “Pagmasdan mo ang mga pinatay mo!” sabi ng mga galit na mamamahayag. Habang naglalakad, isang cameraman ang galit na inihampas sa noo ni Andal Jr. ang kanyang camera at napangiwi ang dating mayor. Isa rin umano ang sumipa sa kanya habang naglalakad. Nakaamba ang suntok sa kanyang mukha. Hindi napigilan ng mga escort ang pagdaluhong ng mga mamamahayag kay Andal.
Hindi na nakapagtimpi ang mga mamamahayag sa nadamang galit sa dating mayor. Hindi sila masisisi sapagkat 30 kasamahan nila ang walang awang pinatay. Matatahimik lamang ang kanilang kalooban kung mabilis na uusad ang kaso at mapaparusahan nang mabigat ang mamamatay-tao. Hindi sana pagtagalin pa ang pagkakamit ng hustisya.
Just do our part
Expectations weren’t high that rich nations and developing countries would see eye-to-eye on measures to deal with climate change. The world should just see the climate talks in Copenhagen as another step in eventually forging a global consensus on addressing the problem.
The Philippines and many other nations do not have the luxury of waiting for that global consensus to take shape. This year saw the country suffering from cataclysmic flooding – and facing the prospect of a repeat next year. The floods unleashed by storm “Ondoy” and typhoon “Pepeng” were surely due in part to the consequences of global warming. The country has to do its part now in reducing its carbon footprint, curbing pollution and promoting cleaner, sustainable forms of energy.
Even without the current global focus on climate change, the Philippines already had enough tragic experiences with environmental disasters. The freak flood in Ormoc, Leyte, which killed thousands of residents in the coastal community as they slept, was attributed to the destruction of the city’s watershed through illegal logging. Denuded forests have led to massive landslides that have killed thousands in the past decade, the worst of which was the mudslide in Leyte that buried an entire village.
Polluted air raises health care costs, while polluted waters
and the destruction of coral reefs have killed marine resources, endangering the country’s food security and livelihoods in coastal communities. The country is losing many of its indigenous species due to the destruction of natural habitats. Filipinos have long been aware of the costs of neglecting the environment. The rising level of carbon dioxide emissions is just one of these problems.
President Arroyo has blamed rich nations for creating the problem and wants the rich to provide more aid to developing countries to deal with global warming. But experts in turn have also pointed out that booming populations, which the President has refused to address for fear of antagonizing the Catholic Church, is also to blame.
Instead of engaging in the blame game, governments should simply forge ahead with measures to reduce carbon dioxide emissions and protect all aspects of the environment. Success stories could help forge consensus at the next global climate change summit.
Logged
PINOYTAMBAY.COM
«
on:
»
Print
Pages:
1
[
2
]
3
4
...
20
Go Up
« previous
next »
PINOYTAMBAY.COM
»
Tambayan ng mga Chicx at Tsonx
»
General Discussion
»
Current Events
»
Editoryal Ngayon