Author Topic: Editoryal Ngayon  (Read 5620 times)

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Editoryal Ngayon
« on: December 02, 2009, 02:09:14 AM »


Kawawa ang mga mamamahayag

NOW it can be told, lubhang delikado at nagiging kaawa-awa ang kalagayan ng mga mamamahayag sa bansang ito. Sa pagtupad ng tungkulin na maihatid ang mga nangyayari, nasusuong sila sa panganib at ang kinahahantungan ay ang kanilang sariling hukay. Karaniwang mga mamamahayag ng regional newspaper ang nahaharap sa ganito kahirap na sitwasyon. Marami nang mamamahayag sa probinsiya ang inam­bus at napatay at hanggang sa kasalukuyan, karami­han sa kanila ay hindi pa nakakakamit ng hustisya. Paano nga ba makakakamit ng hustisya ang mga kawa­wang mamamahayag gayung ang gobyer­no ay hindi sinsero sa pagbibigay ng protek­siyon sa mga ito? Dati, ang Iraq at Afghanistan ang pinaka-delikadong lugar para sa mga mamamahayag pero ngayon, ang Pilipinas na ang nakakakuha ng taguring ‘yan. Pina­ lubha nang nangyari sa Maguinda­nao noong Nob­yembre 23 kung saan 30 mamamaha­yag ang karumal-dumal na pinatay. Kasama ang mga mamama­hayag sa convoy ng mga kaanak ng puliti­kong magpa-file ng certificate of candidacy nang harangin ng may 100 armado na pinaniniwalaang tauhan ng kalabang pulitiko. Sa isang iglap, nawala sa landas ang 30 ma­mamahayag at walang anumang nalibing sa hukay. Ngayon, marami ang nababahala na masu­sundan pa ang mga pagpatay sa mga ma­mamahayag. Maski ang United Nation Secretary-General na si Ban Ki-moon ay nagpahiwatig na masu­sun­dan pa ang pag-atake sa mga mamamahayag. Wala raw dapat gawin ang pamahalaang Arroyo kundi lutasin ang kaso at protek­siyunan ang mga mama­mahayag.

Totoo ang kasabihang ang kalahating katawan ng mga mamamahayag ay nasa hukay. Delikado ang ka­nilang kalagayan lalo pa nga’t nasa isang lugar na ka­tulad ng Mindanao na ang mga pulitiko ay angkan-angkan at sila-sila ang naglalaban. Ang mga puliti­kong ito na may mga sari-sariling hukbo ng mga sandatahang tagasunod ay pawang nakahanda para protektahan ang kanilang sarili. Hindi sila magpapa­talo at handang makipagpatayan sa kalabang angkan para mapanatili ang paghahari sa lugar. Sa awayan ng mga pulitiko ang mga mamamahayag ang naiipit at naililibing sa hukay.

Sabi nga ng publisher
ng Periodico Ini na si Ronald Mascardo na nakabase sa Mindanao, kapag umaalis siya ng bahay para magtungo sa kanyang pahaya­gang pinagtatrabahuan, 50-50 ang tsansa na maka­uwi siya nang buhay sa kanilang bahay. Sa nangya­ring Maguindanao massacre, limang staffer ng kan­yang diyaryo ang nalagas. Sabi ni Mascardo, isa raw sana siya sa napatay kung hindi nagbago ang kan­yang desisyon na huwag sumama sa convoy.

Ganyan kadelikado at kaawa-awa ang kalagayan ng mga mamamahayag.
« Last Edit: December 02, 2009, 02:10:47 AM by ~..viej..~ »

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #1 on: December 02, 2009, 02:29:12 PM »
December 03, 2009


Pulitiko ang pinagsisilbihan ng mga pulis sa Maguindanao 


MASYADO nang nalublob sa kahihiyan ang ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP). Hinahatak pababa ang mga kasamahang mabubuti. Nawawalan tuloy ng saysay ang ginagawa ni Gen. Jesus Versoza para maibangon ang kanyang orga­nisasyon. Tila ba walang kamandag ang kanyang banta sapagkat lalo pang bumabaho ang PNP ha­bang lumilipas ang panahon. At lalo pang nadagda­gan ang baho dahil sa nangyaring massacre sa Ma­guindanao noong Nobyembre 23 kung saan apat na senior police officers ang isinasangkot sa pagpa­tay sa 57 katao na kinabibilangan ng 30 mamama­hayag.

Sa pagkakasangkot ng apat na police officers sa Maguindanao, wala nang katuturan ang motto ng PNP na “To Serve and Protect”. Sino ang pinagsisil­bi­han at pinuprotektahan nila? Hindi kaya ang mga pulitiko?

Ang apat na police officers ay inalis na sa tungku­lin at kasalukuyang nasa Camp Crame para im­bes­­ti­ga­han. Maraming nagpapatunay na wala silang gina­wang hakbang para mapigilan ang massacre sa 57 katao. At ang matindi, dalawa sa kanila ay isina­sangkot mismo sa massacre. Itinuturo ang isang Inspector Mariga na nakita umanong naki-participate sa pagbaril sa mga biktima. Isinailalim na siya sa “restrictive custody”. Isinasangkot din si Insp. Saudi Mokamad sa pagpatay. Sinalakay noong Mart­es ang bahay ni Mokamad at nakakumpiska ng mga baril na pinaniniwalaang ginamit sa massacre.

Ayon sa mga miyembro ng Philippine Army, nang makaabot sa kanilang kaalaman na hinarang ang convoy ng mga Mangudadatu, agad silang nagtungo sa lugar at isang police checkpoint ang kanilang nadaanan. Tinanong nila ang mga police officers na sina Chief Insp. Sukarno Dicay at Senior Insp. Ariel Diongon kung nagdaan sa checkpoint ang convoy ng mga Mangudadatu at ang sagot, hindi raw. Wala raw silang nakita. Ayon pa sa mga sundalo, humigit-kumulang dalawang kilometro lamang ang layo ng checkpoint sa pinangyarihan ng krimen.

Nang puntahan nila ang lugar ng krimen, naabu­tan nila ang dalawang militia men na may M-16 rifles. Inaresto nila at dinala kay SPO4 Badawi Bacal, hepe ng pulisya. Pero nadismaya ang mga sundalo sa­pag­kat pinakawalan ang mga ito ni Bacal. Nahaharap din sa kaso si Bacal.

Sa nadiskubreng ginagawa ng mga pulis sa Ma­guindanao, hindi ang taumbayan ang kanilang pi­nag­­lilingkuran kundi mga pulitiko roon. Malinaw itong nakikita kaya dapat magsagawa pa ng puspusang pagtatrabaho si Versoza para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa PNP. Hindi pulitiko ang kanilang dapat paglingkuran kundi ang taumbayan.


PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #1 on: December 02, 2009, 02:29:12 PM »



Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #2 on: December 03, 2009, 03:31:28 PM »
December 04, 2009



Bilisan ang pagkakaloob ng hustisya sa 57 biktima 

LABINDALAWANG araw na ang nakalilipas mula nang imasaker ang 57 katao, 30 rito ay mga ma­mamahayag sa Datu Unsay, Maguindanao. Naka­kulong na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. sa NBI detention cell at kinasuhan na ng multiple murder. Kamakalawa, pito pang miyembro ng mga Ampatuan ang sinampahan ng kaso kaugnay ng pagpatay. Isinama na rin ang gobernador ng Ma­guin­ danao na si Andal Ampatuan Sr. ama ng pangu­nahing suspek na si Andal Ampa­tuan Jr. Pero sa kabila na nakakulong na si Ampatuan Jr. at kina­suhan na rin ang iba pa, nananatiling mabagal ang usad ng kaso. Usad-pagong ang kaso kaya naman ang mga kaanak ng mga biktima ay sumisigaw ng hustisya. Bakit mabagal gayung marami na ang nagpapatunay na kasangkot nga ang mga Ampa­tuan sa massacre?

Hanggang ngayon ay wala pa ring naihaharap na mga miyembro ng civilian volunteers at CAFGU na umano’y pumatay sa 57 katao. Tanging dalawang militiamen ang nadakip at nasa Camp Crame na. Ang baril na nakumpiska sa dalawang militiamen ay nagmatch sa mga bala na narekober sa crime scene.

Nasaan na ang iba pang mga berdugo na uma­no’y ginahasa pa ang mga kababaihan at saka pina­tay? Umano, nasa 100 ang mga armadong huma­rang sa convoy.

Sabi, pati raw umano si President Arroyo ay naba­bagalan na sa pag-usad ng kaso. Naiinis na raw ang Presidente. Kailangan daw na maabot na ang lalim ng kasong ito. Sana nga ay totoong naiinis na ang Presidente sa usad ng kaso. At sana ay nai­pahiwatig na agad niya ito, isang araw makara­ang maganap ang massacre noong Nobyembre 23. Hindi ganoon ang nangyari sapagkat nakalipas pa ang tatlong araw bago sumuko si Andal Ampatuan Jr. Kailangan pang ma-pressure ang Malacañang para gumawa ng aksiyon. Kailangan pang sumigaw ang mundo bago tuluyang wasakin ang mga Ampa­tuan sa Maguindanao. Kailangan pang bumaha ang nagkokondena sa ginawang karumal-dumal na kri­men bago itakwil ang mga Ampatuan.

Bilisan ang paghahatid ng hustisya sa mga ka-wa­wang biktima. Masama ang magiging pagtingin ng foreign investors sa Pilipinas kapag hindi agad nadesisyunan ang kaso. Trabahuhin nang todo ang kaso para naman matahimik na ang mga kaluluwa ng mga pinaslang.

PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #2 on: December 03, 2009, 03:31:28 PM »


Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #3 on: December 04, 2009, 03:16:45 PM »
December 05


Ituon ng Comelec pag-educate sa voters 

TAPOS na ang pagpa-file ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga kandidato. Maluwag na ang Comelec offices. Wala nang trapik. Pero hindi pa riyan natatapos ang tungkulin ng mga Comelec officials kundi nagsisimula pa lang. Hindi pa sila umaabot sa rurok. Nakaharap pa sila ngayon sa mga matitinding pagsubok. At isa rito ay ang pag-educate sa voters sa bagong sistema na gagamitin sa 2010 elections. Anim na buwan na lamang at idaraos na ang kauna-unahang automated elections sa bansa. Babay sa manu-manong bilangan na inaabot ng linggo o buwan bago malaman ang resulta.

Tiyak na maraming voter ang mangangapa sa paggamit ng bagong machine. Siyempre mas lalong mangangapa yung mga taong nasa liblib. Dito sa Metro Manila siguro ay walang gaanong problema pero yung mga voter na nasa liblib na barangay, baka magkaroon ng pagkaatraso. Baka abutin ng siyam-siyam bago matapos ang pagboto.

Sa Pulse Asia survey, lumabas na 61 percent ng mga Pilipinong botante ay kaunti ang nalalaman sa automated system. Ang iba nga ay nagsabi na baka hindi na sila bumoto dahil hindi nila alam kung paano boboto gamit ay computer. Baka raw magkamali sila sa pagpindot at masayang ang kanilang boto. Baka raw mabuti pa ang mano-mano na lang.

Sabi ng Smartmatic, ang kompanya na nanalo sa bidding ng automation, napakadali raw ng pag­gamit sa bagong sistema. Napakasimple raw nito at walang magiging problema ang voters sa araw ng election.

Ito ang sabi nila at habang hindi pa aktuwal na nasusubukan ang bagong sistema, mahirap sabihin na walang problema. Ang dapat pagtuunan ngayon ng Comelec ay ang pag-informed o pag-educate sa voters sa bagong sistema. Ngayong tapos na ang pag-file ng CoC, maibubuhos na ng Comelec ang panahon nila sa pag-educate sa voters. Paigtingin ang kampanya para lubusang maipabatid sa voters ang tamang paggamit sa bagong machine. Siyem­pre, mas dapat din naman nilang unahin ang pagtu­turo sa mga guro sapagkat ang mga ito ang naka­ban­tay sa mga presinto sa araw ng election. Kung matuturuan nang maayos ang mga guro, ma­aaring maiwasan ang kalituhan at walang magiging problema.








Firepower 

Boxes of ammunition were hidden behind mansion walls. More boxes of ammunition were found buried together with high-powered guns. As relatives and friends buried yesterday several of the 30 media workers slaughtered in Maguindanao, a composite team of military and police personnel raided some of the homes of the Ampatuan clan. The raiders were heavily armed and wore flak vests, as if headed for battle, and rightly so; the subjects of the raids yielded enough weapons and ammunition to arm an entire battalion, according to the Philippine National Police.

In fact the weapons and ammunition appear to have been meant for a military battalion; they bore markings of the Armed Forces of the Philippines and the Department of National Defense. Boxes of 5.56mm rifle ammunition were marked “GOVT ARSENAL DND.” An armored vehicle, marked “pulisya,” was not PNP property, according to police officials.

In Maguindanao and the rest of the Autonomous Region in Muslim Mindanao, there is no dividing line between government and private property. Authorities must determine how and where those weapons and ammunition were obtained by the Ampatuans — the only ones in the ARMM with the power to build up that kind of arsenal.

Even if local officials were allowed by President Arroyo, through her Executive Order 546 in July 2006, to organize militias as “force multipliers” against rebels, what became known as the civilian volunteer organizations were not supposed to have greater firepower than the regular AFP. Over the years the Ampatuans virtually created their own armed forces, fully equipped and heavily armed with what appear to be government supplies, while the regular AFP remained one of the most poorly equipped in the region.

How many other clans have similar arsenals, built up at taxpayers’ expense with the blessings of Malacañang ostensibly in the name of national security? It doesn’t take long for anyone with control over such militias and weaponry to feel that he is above the law, that activities such as smuggling and jueteng are illegal only if he says so. That kind of impunity has led to the murders of hundreds of militant activists and journalists since 1986. The Maguindanao massacre is only the worst of the cases. As long as private armed groups exist, controlled by warlord clans, the massacre could happen again.




PINOYTAMBAY.COM

Re: Editoryal Ngayon
« Reply #3 on: December 04, 2009, 03:16:45 PM »


Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #4 on: December 06, 2009, 04:27:54 AM »

December 06, 2009



Huwag patagalin ang pagkakamit ng hustisya 

LABING-APAT na araw na ang nakalilipas mula nang walang awang pagpapatayin ang 57 katao sa Maguindanao. Hiling namin sa awtoridad na bilisan ang pagsisilbi ng hustisya sa mga kaawa-awang biktima. Habang nagdaraan ang mga araw, lalong nadadagdagan ang sakit ng mga naiwang kaanak ng mga biktima lalo pa’t mabagal ang usad ng kaso. Hindi makayang alalahanin ng mga kaa­nak ang itsura ng mga biktima makaraang pagpa­patayin ng may 100 armado na tauhan umano ng mga Ampatuan. Nasabi na ng Commission on Human Rights (CHR) makaraang makita ang mga bang­kay, “anong uri ng hayop ang gumawa ng ganito karumal-dumal na krimen?” Pinagbabaril nang malapitan. May binaril sa mukha, ari, ulo at may pi­nag­sasaksak pa. Yung iba ay binaril habang nasa sasakyan at kasamang inilibing sa hukay.

Ang masakit, natuklasan pa noong Huwebes na anim sa mga babaing biktima ang ginahasa. May nakuhang semen sa ari ng mga babae at sabi ng mga awtoridad, maaaring ginahasa sila. Iyon marahil ang dahilan kaya ang mga siper ng pants ng mga ba­baing biktima ay bukas o sira.

Kaya kung itatanong muli ng CHR kung anong klaseng hayop ang gumawa ng karumal-dumal na krimen sa Maguindanao, masasabing hindi sila hayop kundi mga demonyo. Mga demonyo lamang ang makagagawa ng karumal-dumal na krimen na pati mga babae ay walang awang ginahasa. Uma­no’y hindi rin pinatawad ang isang buntis at gina­hasa rin ito. Sobra pa sa pagkademonyo!

Sinampahan na ng kaso ang mga Ampatuan at ang pangunahing suspek ay nakakulong na sa NBI. Sabi ng Department of Justice, wala nang makapipigil sa kanila para tuluy-tuloy na gumulong ang batas. Kahit daw tumatanggap sila ng death threat, wala raw makapipigil para mabilis na maisibi ang hustisya sa 57 katao kung saan 30 rito ay mga miyembro ng media.

Sana nga ay mabilis na maisilbi ang hustisya para naman hindi tuluyang mawala ang tiwala ng taumbayan. Mabibigyan ng pag-asa ang mga na­iwang kamag-anak ng biktima kung isa-isang iha­harap ang 100 armado na umano’y nagmasaker sa convoy ng mga Mangudadatu. Kapag nadakip na ang mga mamamatay-tao, agad sampahan ng kaso at kasama ng “utak” sa pagpatay, sana ay maha­tulan agad sila para mabulok sa bilangguan. Sayang at walang death penalty. Sayang talaga!

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #5 on: December 06, 2009, 05:49:27 PM »

December 07, 2009


Problema ang nagkalat na mga baril 

NGAYONG araw na ito nagwawakas ang palugit ng PNP sa delinquent gun owners. Tapos na ang dalawang buwan na gun amnesty. Sa pagtatapos ng palugit, agad namang nagbanta ang Philippine National Police (PNP) na kukumpiskahin na ang mga hindi lisensiyadong baril sa buong bansa. Wala na raw makapipigil sa kanila. Tama na raw ang ibinigay na palugit. Sabi ni PNP chief Dir. Gen. Jesus Versoza, humigit-kumulang 800,000 baril ang walang lisensiya. Banta ng PNP na hindi sila titigil hangga’t hindi na­kukumpiska ang mga baril. Lalo pa ngayong nadis­kubre ang maraming baril at bala sa Maguindanao na pag-aari ng mga Ampatuan. Lalo pang maghihigpit ang PNP sa mga nagkalat na baril.

Sa aming palagay, hindi lamang 800,000 ang loose firearms sa buong bansa. Sa maraming lugar sa Mindanao na lamang kung saan, angkan-angkan ang mga pulitiko at may mga sariling army, sandamukal ang mga baril. Hindi mabubuhay ang mga pulitiko sa Mindanao kung walang private army. Narito ang kanilang buhay para mapalawig ang kanilang ka­pangyarihan sa lugar. Kahit nga magkakaangkan ay nagpapatayan.

Magandang halimbawa rito ay ang mga Ampa- tuan at Mangudadatu na may blood relation pero hindi ito naging hadlang para hindi dumanak ang dugo. Patunay ang pagharang sa convoy ng mga Mangudadatu noong Nobyembre 23 ng mga umano’y armadong tauhan ng Ampatuan at minasaker sila. Nasa kulungan na ng NBI ang pangunahing suspek na si Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr. at sinam­pahan ng multiple murder. Kinasuhan na rin ang pito pang Ampatuan sa pagkakasangkot sa masaker.

Nilusob na ng military ang mansion ng Ampatuan at nakakumpiska nang maraming baril at bala. Meron pang tangke. Patunay na talagang may hukbong sandatahan ang mga Ampatuan.

Malaki ang aming paniwala na hindi lamang ang mga Ampatuan ang maraming baril sa Mindanao kundi sandamukal pa. Sa ganitong sitwasyon, dapat paigtingin ng PNP ang pagsamsam sa mga baril. Ngayong papalapit na nang papalapit ang election, maaaring maging madugo pa ang mga mangyayari. Kung hindi masasamsam ang mga hindi lisensiya­dong baril, nakatatakot ang maaaring mangyari sa bansa. Pagsikapan ng PNP na mabawi ang mga baril. Disarmahan ang mga armadong grupo ng pulitiko.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #6 on: December 07, 2009, 05:51:11 PM »

December 08, 2009



Sumobra ang lakas ng Ampatuans 

NAGING kaalyado ni President Arroyo ang mga Ampatuan sa Maguindanao. At natural na kapag nakakapit sa nasa poder, malakas ang loob. Sino ba naman ang hindi lalakas ang loob kung ang kakampi ay ang mismong presidente ng bansa. Kahit na ang karaniwang tao o duwag na tao kapag nakakapit sa isang maimpluwensiya ay biglang tumatapang at lumalakas ang loob. Yung iba, sumusobra ang lakas ng loob at masyadong naging mataas na gusto ay maging makapangyarihan na. Yung wala nang babaan sa puwesto at gagawin ang lahat para huwag maalis sa puwesto.

Ganito ang nangyari sa Ampatuans. Nakakapit sila sa saya ni Mrs. Arroyo. Walang bitawan. Kahit na anong mangyari talagang hindi aalis. Masyadong nakapagkit. At gusto naman siyempre ng nasa Malacañang na maraming kaalyado. Mas maraming kaalyado mas madali ang pagkakamit sa hinahangad na puwesto. Sa larangan ng pulitika, ang pagkaka­roon nang maraming kaalyado ay mahalaga. Sa bansang ito na ang pulitika ay ginagawang almusal, tanghalian at hapunan, mahirap maka-survive kung walang kakapitang matigas at matibay. At ang admi­nistrasyon at ang Ampatuans ay parehong nakina­bang sa ganitong laro ng pulitika.

Nakapagpundar ng teritoryo ang mga Ampatuan sa Maguindanao. Nakagawa nang matibay na pangalan. At iyan ay dahil malakas ang kapit sa admi­nis­trasyon. Hindi sila basta mabubuwag nang mga kalaban na gusto ring maghari sa Maguindanao. Naka­paghanda na sila. Nakapag-ipon sila ng mga armas na ayon nga sa Armed Forces of the Philippines
ay puwedeng maglunsad ng rebelyon. Hang­gang sa nalasing sa kapangyarihan ang mga Ampa­tuans. Nang may nagtatangka nang agawin ang kanilang kaharian, dito na nagsimulang dumanak ang dugo. Ayon sa mga lumutang na testigo, ang mga Ampatuans ang nag-uto na imasaker ang 57 katao na kinabibilangan ng mga kaanak ng kalabang Ma­ngu­dadatu. Kasamang pinatay ang 30 mama­mahayag.

Mahirap ang sitwasyon kapag nalasing na sa kapangyarihan. Ayaw nang umalis. Ayaw nang bumi­taw. Kapit-tuko na sa puwesto.

Masasabing ang nagturo at nagbigay ng lakas sa mga Ampatuan ay ang administrasyon na rin mismo. Pinalayaw nila. Ngayon, ang administrasyon na mismo ang kumalas. Hindi na nila kailangan ngayon ang Ampatuan na sangkot sa karumal-dumal na krimen.












Porous 



Crates of ammunition marked government property were not the only items unearthed by raiding teams sweeping the homes of the Ampatuan clan. High-powered weapons – the types that ordinary soldiers cannot hope to receive from the government – were also found in the numerous caches buried within or near the compounds of the Ampatuans.

Where did the weapons come from, and how did they enter the country? Surely not all of those weapons and ammunition came from the arsenal of the Armed Forces of the Philippines and the Department of National Defense, though most of the crates of ammunition bore “DND” markings. The awesome firepower built up by the Ampatuan clan shows the weakness of the government’s effort, if there is any, to stop smuggling.

Guns are not the only items smuggled by political warlords and businessmen with the right connections. From prohibited drugs to motorcycles and agricultural products, everything can be brought into this country illegally. Some goods pass through Customs ports, with shipping containers being waved through without even a perfunctory inspection by crooked personnel. Other items are delivered by ships directly to ports or coastal communities controlled by warlords, with Customs authorities unaware of the illegal shipments.

Legitimate businessmen have long complained to the government about the unfair competition posed by smugglers. Local farmers have also complained about the continuing flood of smuggled agricultural products. Though consumers enjoy the resulting low prices, smuggling throws market forces awry and endangers livelihood sources in agricultural communities.

Even smuggled dressed chicken and milk powder can be harmful to public safety. Serious problems arise from the smuggling of prohibited drugs and ingredients for manufacturing substances such as shabu. But the worst problems arise from the failure to control gun smuggling.

How the Ampatuans amassed their huge stockpile of weapons will be investigated by the Senate. But they are not the only ones with such arsenals. There are other warlords in this country, many of them allied with the administration, with their own private armies, all bristling with high-powered, sophisticated weaponry. When the Senate completes its probe of the source of the Ampatuans’ weaponry, it must come up with measures to improve the battle against smuggling.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #7 on: December 08, 2009, 07:12:19 PM »

December 09, 2009



Krisis sa Dubai Pinoy ay damay

ANG United Arab Emirates (UAE) ay ikalawa sa mga bansa sa Middle East na destinasyon ng mga Pinoy contract workers, una ang Saudi   Arabia. Karaniwang sa lungsod ng Dubai naroon ang mga Pinoy. Nagtatrabaho sa mga hospital, banko at department stores, bus at taxi drivers, domestic helpers at marami pang iba. Tinatayang 500,000 ang   Pinoy workers sa UAE.

Masigla ang negosyo sa Dubai kaya labis na na­kagulat ang balitang maraming kompanya roon ang nalugi at ngayon ay nakaharap sa matinding krisis. At apektado ang Pilipinas na nangyayaring financial crisis sa Dubai. Sa tindi ng krisis, maraming mala­laking kompanya ang humihingi ng palugit sa kani­lang mga pinagkakautangan. Huwag muna silang singilin sa loob ng anim na buwan hanggang sa sila ay makabangon. Grabe! Hindi lamang basta pag­bagsak kundi grabeng pagkalugi at magiging da­ hilan para magkaroon ng restructuring ng negosyo. Pina­ngangambahan na magsasara ang maraming mala­laking kompanya sapagkat hindi na kayang ma­ka­bangon. Ang ilang kompanya para makapag­patuloy ay magbabawas ng kalahati sa kanilang mga empleado.

Dahil sa dami ng OFWs sa Dubai, umaabot sa mahigit na $600 milyon taun-taon ang remittances. Ngayong 2009 (Enero-Setyembre) umaabot na sa $471.379 million ang remittances. Mas mataas noong 2008 na may remittances na $471.379 million.

Ang nararanasang financial crisis sa Dubai ay inaasahang magdudulot ng pagkawala ng $300 million remittances ng OFWs. Malaking kawalan para sa bansa. Ayon sa report, marami nang mga kompan­ya ang nagsisimulang magbawas ng mga empleado at ang iba ay pinauuwi na sa kani-kanilang mga ban­sa. At kabilang nga rito ang mga empleadong Pinoy. Nakalulungkot na kung kailan pa panahon ng kasa­yahan at pagdiriwang ng Pasko saka nangyari ang ganitong krisis.

Nakahanda ba ang gobyerno rito? Malaki ang ma­wawala sa bansa kapag hindi agad nakakuha ng trabaho ang mga tatanggaling empleado. Magkaroon ng plano ang gobyerno kung saan dadalhin ang mga empleado. Kawawa naman sila. Tulungan sila na maihanap agad ng trabaho, hindi man sa local ay sa ibang bansa rin sa Middle East. Ngayon dapat ipakita ng gobyerno ang pagkalinga sa mga “bagong bayani” ng bansa. Marami nang pagkakataon na ang mga OFW ang sumagip sa Pilipinas sa panahon ng kagipitan.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #8 on: December 10, 2009, 04:43:09 AM »

December 10, 2009



Kawawang Maguindanao

HINDI na kailangang makarating pa sa Maguin­danao para malaman kung gaano kahirap ang probinsiyang ito. Sa mga kalsada pa lamang ay ma­kikita nang walang pag-unlad. Ang mga taong na­ninirahan doon ay halatang naghihikahos sa buhay. Ang kanilang mga bahay ay walang ipinag­kaiba sa mga barung-barong na makikita sa mahi­hirap na lugar sa Metro Manila. Maraming lugar doon ang walang kuryente at malinis na tubig na inumin. At batay sa report, ikaapat ang probinsiyang ito sa buong bansa na pinakamahirap.

At habang naghihirap at walang makain ang mga mamamayan ng Maguindanao, namumutiktik na­man sa yaman ang kanilang mga lider doon na wa­lang iba kundi ang mga Ampatuan. Hawak ng mga Ampatuan ang Maguindanao. Kulang na lamang ay pangalang Ampatuan ang Maguindanao. Paa­no’y ang governor doon ay si Andal Ampatuan Sr. Ang mayor ng Datu Unsay town ay Andal Ampatuan Jr. Ang bayan ng Datu Unsay ay nilikha ng mga Ampatuan at doon nga mayor si Ampatuan Jr. Mara­mi pang bayan sa Maguindanao na hawak ng Ampa­tuans. Magmula sa pinakamababang posisyon hang­gang sa pinakamataas na posisyon ay pinamumu­ nuan ng mga Ampatuan. At maski ang governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay si Zaldy Ampatuan na anak ni Gov. Ampatuan Sr. Ang Maguindanao ay kabilang sa ARMM.

Malawak ang kaharian ng Ampatuan. At hindi nakapagtataka kung nagkalat din ang kanilang mga ari-arian. Nang ideklara ang martial law at lusubin ang mga mansion ng Ampatuan, nakita ang kanilang yaman. Maraming mamahaling sasakyan, may mga kaha de yero, maraming aircon, maraming mamaha­ling gamit sa bahay at kung anu-ano pang kakikitaan ng karangyaan ang buhay. Ang suweldo ng provincial governor ay tinatayang P587,000 isang taon. Paano makabibili si Gov. Ampatuan Sr. ng 28 mansions na ang iba ay nasa Metro Manila sa maliit na suwel­do lamang? Nakapagtataka kung saan kinuha ng Ampatuans ang perang ibinili ng mansions at mga mamahaling sasakyan.

Habang namumutiktik ang yaman ng Ampatuans, maraming mamamayan ng Maguindanao ang hindi malaman kung saan kukunin ang kanilang kakainin. Ma­raming bata ang hindi makapag-aral dahil sa kahi­rapan ng buhay.

Ngayong nalantad na ang marangyang buhay ng mga Ampatuan dapat agarang kumilos ang pama­halaan. Imbestigahan kung saan galing ang kanilang yaman. Dapat kumilos ang Anti-Money Laundering Council at ang Bureau of Internal Revenue.

Online ~..viej..~

  • Super Moderator
  • Certified Member 4
  • *
  • Thank You
  • -Given: 37
  • -Receive: 3
  • Posts: 8229
  • Karma: +1237/-0
    • PinoyTambay.com
Re: Editoryal Ngayon
« Reply #9 on: December 10, 2009, 04:54:56 PM »

December 11, 2009



Samsamin, ari-arian ng mga Ampatuan

WALA umanong bank account ang mga Am­patuan kaya malaki ang hinala ng mga senador na ang perang ipinambili ng 28 mansions, mama­haling sasakyan, sandamukal na matataas na ka­libreng baril ay pera ng taumbayan. Walang ibang pagkukunan ng pera ang mga Ampatuan kaya naka­pagtataka kung saan sila kumuha nang maraming pera. Sa kanilang mansion ay mayroon silang kaha-de-yero. Isang indikasyon na tumatabo sila ng pera at sa kaha nila nilalagay. Ganunman nang salakayin ng mga awtoridad ang mga mansiyon at buksan ang kaha-de-yero, wala nang laman ang mga iyon. Simot na.

Taun-taon ay may nakalaang bilyong pisong budget para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Noong Martes ay inaprubahan na ng Sena­do ang P9.43 billion budget ng ARMM para sa 2010. Malaking halaga na naman ito. Dapat magastos ang halagang ito para sa kapakanan ng mamamayan ng ARMM at hindi para sa mga sakim sa kapangyarihan. Mula 2001 ay namayagpag na ang mga Ampatuan. Naging kaalyado ng administrasyon. Noong 2004 elections ay napaulat ang malawak na dayaan sa Maguindanao. Ang kalaban ni President Arroyo na si action King Fernando Poe Jr. ay zero. Naulit ang malawak na dayaan noong 2007.

Siyam na taon ding naghari sa Maguindanao ang mga Ampatuan. Masyadong makapangyarihan ang angkan kaya lahat ng posisyon, mula sa ibaba hang­gang sa itaas ay kanilang naangkin. Sa kabila naman na namuhay sa karangyaan ang mga Ampatuan, nananatiling walang pag-unlad ang Maguindanao. Maraming naghihikahos. Ang iba ay walang makain. Sira-sira ang mga kalsada at walang kuryente. Ang mga bata ay hindi makapag-aral. Ikaapat ang Maguin­danao sa pinakamahirap na probinsiya sa bansa.

May bilyong budget na naman para sa ARMM. Hindi na sana masayang ang budget na ito at maki­nabang sana ang mga mahihirap na mamamayan. Na­rarapat bantayan kung saan tutungo ang pera. Hindi na sana sa bulsa ng mga matatakaw mapunta. Magkaroon na sana ng tapang ang mamamayan ng Maguindanao para hindi na sila matapakan. Kaila­ngan palang magbuwis pa ng buhay ang 57 katao para malantad ang kabulukan ng mga namumuno sa Maguindanao.

Samsamin din naman ang mga ari-arian ng Am­patuan kapag napatunayang ang ibinili sa mga ito ay galing sa pera ng taumbayan. Tapusin na ang pamamayagpag.

PINOYTAMBAY.COM

« on: »